Part 22

178 17 0
                                    

Sabrina's POV

"Dapat talaga narito lang 'yong isang malaking templo." kanina pa nagmamaktol ang kasama ko, kulang na lang ay sabunutan nito ang sarili mahanap lang ang Temple of the Living. Naiintindihan ko naman siya, the first temple was supposed to be around here.

"May naisip ako, gagamit ako ng spell para mapabilis tayo sa paghahanap." suhistyon ko sabay labas sa libro ng mahika na dala ko.

Hindi naman siya kumibo at hinintay lang ang gagawin ko. Hinanap ko ang isang pamilyar na spell at marahang binasa ang nakasulat habang ang isang palad ko ay nakabuka.

Pagkatapos kong bigkasin ang mga salita ay nagkaroon ng tatlong maliliit na butil ng liwanag sa kamay kong nakabuka, makalipas lang ang limang segundo ay dumami ito at nagsama sama. Ngayon ay may isang bolang liwanag na ang lumulutang sa harapan namin.

"Tutulungan nila tayong maghanap." wika ko ng may malawak na ngiti sabay kumpas ng kamay at nahati sa tatlo ang malaking liwanag.

Nilapit ko ang mukha ko sa mga bola ng liwanag, "Find the temple." bulong ko sa tatlong pares ng liwanag bago sila maghiwa-hiwalay ng landas at lumipad sa iba't ibang mga direksyon.

"That would help us." nakangiti ko paring sambit sa lalaki sabay balik sa libro sa tagiliran ko.

Ngumiti naman siya pabalik. "Paano na lang kaya ako kung wala ka." sambit nito ng may malawak ding ngiti dahilan para mapaiwas ako ng tingin.

Nakatatlong templo na siguro kami pero hindi parin namin nakikita ang dalawang malalaking templo, ang Temple of the Living at Temple of Creation. Nakakapagtaka naman, gaano ba kalaki ang sagradong lugar na ito at wala parin ang hinahanap namin?

"Nahanap na kaya nung dalawa yung dalawa pang templo?" tanong ko sa kasama ko.

"Hindi ko lang alam, masyado ata nating minaliit ang Orion. Napaka-laki at lawak nga ng lugar na ito." sagot niya.

Tama siya, minaliit yata namin ang lugar. I never expected that Orion is such a huge place. Daig pa nito ang bayan ng Westbrooke kung susuriin. Maging ang mga liwanag na pinakawalan ko ay hindi pa nakakabalik, marahil ay dahil sa lawak ng lugar kaya ganon.

Nagbigkas akong muli ng mahika para palawakin pa ang naaabot ng senses ko. Kung kanina ay sa loob ng pitong metro, ang lahat ng bagay na naglalabas ng enerhiya ay mararamdaman ko, ngayon ay naging sampung metro na mula sa kinatatayuan ko. Mabuti na lang ay naturuan pa ako ni Axel ng ganitong klaseng spell, malaking tulong ito sa amin ngayon.

"Sabrina tignan mo!" may tinuro siya sa harapan at nakita ko ang isa sa bolang liwanag ko na pabalik na. Mukhang nahanap na nito ang isa sa mga templo.

Sinalubong ko ito gamit ang isang palad ko. Dumapo naman ito na parang ibon bago naglaho. Sa paglaho ng liwanag ay may parang ala-ala ang sumulpot sa isipan ko.

"Alam ko na kung nasaan yung isang templo." sambit ko sa kasama ko bago nanguna sa paglalakad.

Ilang minuto din bago namin narating ang isang matayog na gusali na parang nakadikit sa isang bangin. Kagaya din ng ibang parte ng Orion ay nagkalat ang mga gumuhong pader dito, bitak bitak din ang ilan sa mga pader ng templo at sira-sira ang ilan sa mga skulptura sa bungad. Nakabukas pa ang isa sa dalawang naglalakihang pinto ng templo na gawa sa bato.

"Maging alerto ka." bilin ni Luis at nilabas nito ang punyal niya.

Nagliwanag naman ang dalawang kamay ko at nakahanda nang magbigkas ng kahit anong mahika.

Pagkapasok namin sa loob ay wala kaming makita. Kung gaano kadilim sa paligid sa labas ay mas madilim dito, total darkness ang loob. Parang nasa kawalan kami.

Breaking Boundaries Where stories live. Discover now