▪ one

16.6K 369 61
                                    



Beads of sweat streamed down on my face down to my neck after a very intense training. I breathe heavily and sat down next to my only friend, Reeva. She is a futsal player, too, like me. I fixed my hair and retouch my make-up because I know, anytime by now, I will probably see Sky walking in front of us with his blockmates.

"Bukas ulit, Coach!" I smiled genuinely.

"Mas matindi bukas. Malapit na ang laban niyo kaya kailangan talaga ang matinding training," mariing sabi ni Coach.

Marami pang sinabi si Coach bago kami pakawalan. Nakasunod agad sa akin si Reeva habang ang ulo ko'y lumilikot sa kahahanap ng pigura ni Sky na kanina ko pa hindi makita. Hindi talaga mabubuo 'yong araw ko kapag hindi ko nakita 'yong crush ko.

"Umuwi na tayo, Sydney! Ang sakit ng buong katawan ko!" Nagrereklamong wika ni Reeva.

Reeva's my neighbor since birth kaya gano'n na lang kami ka-close. Nagsimula ang friendship namin dahil maldita ako noong bata ako, samantalang siya ay mabait. Kaso nagkabaliktad ngayong malaki na kami, parang siya pa 'yong naging maldita.

"Hindi pa puwede. Kitang hindi ko pa nakikita 'yong crush ko, e," my lips formed into a thin line.

"Makikita mo 'yon bukas," inis niyang tugon.

"Hindi. Iba na schedule namin bukas," I answered.

"Tanga, kahit iba schedule niyo, e buong araw kang nasa school dahil sa training." Inirapan niya ako. "Tara na. Gustong-gusto ko nang umuwi!"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko alam kung bakit ganito ako kabaliw kay Sky, e, hindi niya naman ako kilala. Ang alam ko lang, may mutual friend sila ni Kuya kaya nando'n siya no'n sa bahay. Simula no'n, hindi ko na siya maalis sa aking isipan. Lagi na lang akong ngumingiti kapag siya ang dahilan.

Tama talaga 'yong nabasa ko na kapag tinitigan mo nang tinitigan ang isang tao, hindi mo namamalayan, may gusto ka na pala.

"Hoy, Sydney! Ayon si Sky, o!"

Malakas akong tinulak-tulak ni Reeva habang may tinuturo sa kung saan. Parang nabuhayan ang loob niya nang makita si Sky. Sinundan ko ng tingin ang kan'yang tinuturo at natutop ko ang aking bibig nang malapitan ko siyang nakita.

"Tangina talaga, sobrang guwapo. Ang sarap pakasalan." Kinikilig kong sambit.

"Hoy, wala siyang kasama!" Tinulak muli ako ni Reeva at sapilitan akong hinila palapit kay Sky. "Buwisit ka. Dalian mo maglakad. H'wag ka na magpabebe."

"Ano ba? Nakakahiya ka. Tumahimik ka. Itikom mo 'yang bibig mo. Baka marinig ka niya," kinakabahang saway ko sa kan'ya.

"Dalian mo na! Makikipagkilala ka lang, e!"

Hinila niya muli ako at ako naman, todo atras pabalik lalo na nang makita kong ilang dipa na lamang ang layo namin kay Sky. Hindi lang siya tumitingin sa banda namin dahil busy siya sa kan'yang phone. He's busy typing ngunit wala na ro'n ang aking atensyon.

Parang nilagutan ako ng hininga nang mas lumakas ang hila sa akin ni Reeva. My knees tremble as my lips shiver when I saw him glancing at our side. Mabilis akong napaiwas ng tingin at napahawak sa aking dibdib dahil bumilis ang kabog nito.

"Hoy, Sky, crush ka raw nito!" Reeva yelled while pointing her index finger to me.

Namula ang magkabilaan kong pisngi at parang nagkandabuhol-buhok ang aking isipan dahil hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko. Kung tatakbo ba palayo o aaktong cool para kunwari nagjo-joke lang 'yong kaibigan ko. Bumilis ang aking paghinga at hinila pabalik ang aking mga kamay mula kay Reeva.

Tumaas ang aking kilay nang lumingon siya sa amin. Ngumuso siya at binaba ang cellphone. Tinuon niya ang kan'yang buong atensyon sa amin. Parang may mainit na dumaan sa aking puso nang ngitian niya ako. Oo, ako! Ako ang nginitian niya dahil sa akin lang nakadapo ang mga mata niya!

"Oo, Sky! Ito, ito si Sydney, na mahal na mahal ka raw!"

Mas lalo akong nanghina nang makita kong unti-unti siyang naglakad papunta sa amin. Tiningnan ko si Reeva at may pinaparating na mensahe ang mga tingin ko ngunit ang bobita, binaliwala lamang iyon at inalisan lang ako habang nakangisi.

Aalis na rin sana ako ngunit nakita ko si Sky na nakatayo na sa aking harap, hinihintay ang pagbuka ng aking bibig upang magsalita. Sa sobrang kabado dahil nandito sa harap ang crush ko at nalaman niya pa na crush ko siya, mas naging magulo pa ang pag-iisip ko.

"U-uh... tama 'yon. Tama si R-reeva," I paused. "Ako 'to si Sydney, na crush na crush ka," sa sobrang kaba at pagka-mesmerized sa mukha niya, hindi ko na napigilan ang aking bibig.

Huli na nang mapagtanto ko ang aking sinabi dahil sa lakas ng kan'yang tawa. Ilang minuto ang lumipas, tumatawa pa rin siya. I laughed awkwardly because I don't know the reasons behind of his laughters.

Napasaya ko ba siya? Edi ibig sabihin, puwede niya na akong maging girlfriend niya kasi ako kaligayahan niya, e.

"I don't know if you're joking or pinagti-tripan niyo lang ako ng kaibigan mo but I just want you to know that you made my day. I had a bad day, tho," natutuwang sinabi niya.

"Kung gano'n naman pala, kunin mo na ang number ko para mapasaya kita palagi sa text at tawag!" I suggested cheerfully.

"Your name is Sydney, right? My favorite place in Australia since I was a kid. Maybe in some other day, you would be my favorite person," he smirked.

Luh, gago! Lumalandi pabalik 'yong crush ko!

"Oo, totoo 'yan, kaya kung ako sa 'yo, kunin mo na number ko. Ayaw mo no'n? May ka-textmate ka na, may katawagan ka pa!" Hindi ko maitago ang saya sa aking boses.

"Actually, I don't really know you but your personality caught my attention," he said honestly. "But maybe we can try your suggestion. Let's exchange numbers, then." He smiled.

Binigay niya sa akin ang kan'yang iPhone at binigay ko rin ang akin. Mabilis na gumalaw ang aking kamay. Pinunta ko agad sa camera imbes na ilalagay ko dapat ang number ko. Naghanap ako ng magandang angle at pinindot ko ang mute sa kan'yang phone para hindi niya marinig ang pag-click ng camera. Hindi ko pinahalata na nagse-selfie ako sa kan'yang phone dahil nakakahiya kapag nahuli niya ako.

Edi ayan, para may pictures na ako sa phone niya tapos may remembrance pa ako.

"Wait lang, ha? Inaalala ko pa kasi number ko. Medyo nakalimutan ko, e," sambit ko nang nilahad niya sa akin ang phone ko.

"Take your time," nakangiting sagot niya.

Mabilis na nagtipa ang aking mga kamay ng mga numero at binalik sa kan'ya ang phone niya. Ngiting wagi ako nang kunin niyo iyon pabalik. I can't wait to know his reaction kapag nalaman niya na marami akong selfies sa phone niya!

"Mas maganda sana kung magkita tayo sa personal kasi alam mo na... mas maganda mag-joke kapag harap-harapan," my eyebrows wiggled.

Hindi ko alam kung saan ko hinihugot ang kakapalan ng mukha ko. Nakatatak lang sa isip ko na susulitin ko na 'to dahil baka sa susunod, hindi na ako magkita dahil sa kahihiyang pinaggagawa ko ngayon.

"Let's try. Player ka pa naman kaya busy ka," wika niya nang pagmasdan niya ang suot ko ngayon.

"Oo, futsal player," I answered. "Pero hinding-hindi paglalaruan ang puso mo kapag nag-crush back ka," I winked.

Muli siyang natawa at mukha nang naaaliw sa akin. His eyes were filled witn amusement. He shook his head and cleared his throat. Bahagyang ngumuso ang kan'yang labi upang mapigilan ang pagsilay ng ngiti.

"Puwede naman. Mahilig akong mang-crush back," nakangising wika niya.

"So may possibility na i-crush back mo ako?"

"Honestly, there's a big possibility," malanding bulong niya.

Attain The Sky (Engineer Series #2)Where stories live. Discover now