▪ thirty-six

3.4K 107 0
                                    




My head is spinning. My lips pursed as I tried to gripped the railing to support me. It felt like everything fell apart after he broke up with me. I was devastated and I don't know what to do anymore. It was like... I lost my passion in everything. I lost my smiles, my hope... everything... I lost everything.

"Will you please look at yourself, Sydney? You are a mess! Jesus!"

I rolled up my eyes when I heard my friend's voice behind me. I covered my ears para hindi na ako makarinig pa ng kung ano-ano. Ilang beses na nila akong pinagsasabihan na ang tanga-tanga ko dahil siya naman ang nang-iwan, siya naman daw ang nawalan, kaya dapat siya ang nagluluksa... hindi ako.

"Go away, Reeva," napapaos kong utos. "I don't need your company tonight."

"I don't care!" She muttered. "Nahihirapan ka na! Kailan ka ba titigil sa kakagan'yan mo, ha?!"

"Kapag bumalik na siya," I laughed bitterly.

"Tangina," malutong niyang mura. "Putangina talaga, Sydney."

Inangat ko ang aking hintuturo upang manahimik siya. Papikit-pikit ako dala ng kalasingan. Sinandal ko ang aking katawan at doon ko muling naaalala si Sky... ang lahat-lahat na tungkol sa kan'ya. Mariin kong nakagat ang aking pang-ibabang labi nang maramdaman kong maiiyak akong muli.

"Where did I go wrong? Saan ba ako nagkulang? Ano ba 'yong ginawa kong mali? Ano ba 'yong inayawan niya sa akin?" I felt the pain in my voice. "Aayusin ko, Reev. Aayusin ko lahat sa akin... basta bumalik na siya."

"May bumabalik bang nang-iiwan?" She asked. "No... may bumabalik bang nanloloko?"

"Siguro," nanghihina kong saad. "Willing pa rin naman akong tanggapin siya... kahit na niloko niya ako. Ayos lang sa akin na dalawa kami... basta h'wag niya akong iwan," umiiyak kong dagdag.

"Putangina," mura ulit niya. "H'wag ka ngang tanga, Sydney! Niloko ka na no'ng tao, sabi mo, tapos ikaw pa magkakandarapa na balikan ka niya?"

"Because I love him! I love him more than I love myself! I am willing to lose everything, to lose my dignity, para lang magmakaawa na balikan niya ako!"

"Hindi na healthy 'yan," she shook her head. "Tanggapin mo na lang na wala na. Tingnan mo, hindi na healthy relasyon niyo. Tingnan mo nangyayari sa 'yo ngayon."

"It is because he left me!" I cried. "He left me with that reason? Look, I didn't do anything wrong! Hindi ko alam kung saan ba ako nagkulang, kung ano 'yong ginawa kong mali para iwan niya ako nang gano'n gano'n lang!" I sobbed.

"Mas mabuti na 'yon," she whispered. "Para sa self-growth mo. It's not a loss if you lost someone but found yourself," she smiled a bit.

She wrapped her arm around my back and showed me her sweetest smile. I looked away... I can't smile back because it's hard to give someone a smile lalo na kung kilalang-kilala ka na nila. Inalalayan niya ako hanggang sa marating namin ang aking kuwarto. Napahiga agad ako sa aking kama dahil hindi ko na kinakaya ang lahat. Doon ako nagtaklob at umiyak muli. Naramdaman kong umuga ang aking kama dahil sa pag-upo ni Reeva.

I heard that she sighed and she removed my comforter. I pouted my lower lip as she wiped my tears. Kitang-kita ko ang pagdadalamhati sa kan'yang mga mata. She is trying her best to comfort me, I know... and I don't know how to thank her because I know that I bothered her. Dumayo pa siya rito dahil sa kalagayan ko.

"Take care of yourself, Syd. H'wag mo nang mas'yadong pag-alalahanin sina Tita na nasa Manila. Kaya nga kayo nandito para sa safety mo pero ano'ng ginagawa mo? Mas sinisira mo sarili mo dahil lang sa lalaki."

Attain The Sky (Engineer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon