▪ sixteen

3.9K 116 19
                                    




For the past few days, walang pansinang naganap sa amin ni Reeva. I already asked for her apology pero wala akong response na nakuha mula sa kan'ya. Maybe, she's healing so I am giving her the space that she wants.

Kita kong naaapektuhan ang kan'yang mga galaw sa mga trainings namin. Nahihirapan siyang huliin ang bola at malamya siya kung gumalaw. Madalas ay malayo ang kan'yang tanaw at nakatulala. Kapag inaaya siya nina Jianne ay agad siyang tumatanggi at mas gusto niyang mag-isa kaya wala kaming nagagawa.

Naging maayos naman ang pakikitungo sa akin ni Kuya Cleve at parang walang nangyaring gano'n dahil hindi ko na ino-open ang topic na 'yon since his girl as of now is my friend. Wala sanang problema sa akin at sana hindi na lang niya saktan si Reeva dahil ako ang maiipit at ayaw ko nang makialam sa kanila dahil may sariling lovelife na ako.

Am I too dumb and numb not to notice her feelings for my brother?

"Pupunta ka sa birthday ni Jianne, Sydney?" Tanong ni Pia nang matapos ang aming training.

My lips formed into a thin line. I nodded my head and smiled. Noong ilang araw pa ako inaya ni Jianne at ngayon ang birthday niya. I bought her a gift for her birthday yesterday and I have my dress kaya pupunta ako. Of course, I like birthday parties dahil ang daming pagkain.

"Gusto ko sanang sumabay but my boyfriend would be there so sa kan'ya na lang ako sasabay," tipid siyang napangiti.

I wonder if Sky would be there, too, but he is not Jianne's friend. Kilala niya pero hanggang kilala lang kaya alam kong mahihiya 'yon na ayain si Sky since nasa higher grade siya but her party is open for everyone so maybe I can invite Sky since he is my suitor?

After class, I saw Sky leaning against the wall and when he sensed my presence, he quickly looked up. Nakita ko ng pagningning ang kan'yang mga mata nang makita niya ako. Natakpan ko ang aking tainga sa lakas ng tili ng mga blockmates ko. Everyone knows that I have a feelings for him. Ang ilang mga lalaki na nagkakagusto sa akin ay umawang ang bibig at natulala nang lapitan ko si Sky at akbayan niya ako.

"I have to attend Jianne's birthday later so uh...  maybe, hindi ako maka-reply sa mga texts mo because maybe later, I am busy having fun," I said, not looking at him.

Kinuha niya ang hawak kong libro at siya ang nagdala. I blushed and bit my lower lip. My heart beats rapidly as he putted his arm around my tiny waist. Bahagya akong ngumuso upang mapigilan ang pagsilay ng ngiti.

Yes, Reeva is right. Lahat ng nagugustuhan ko ay nagugustuhan din ako pero kay Sky lang ako hindi nagsawa. Ako kasi 'yong tipo na kapag nagustuhan na ako ng crush ko, nauumay na ako, but in Sky's case, I fell hard. I am falling deeply as the days passed by.

Naninibago pa rin ako sa set-up namin. I mean, parang nasa umpisa pa rin ako; 'yong tipong titili ako kapag nand'yan siya, hinahanap-hanap ko siya kapag hindi ko siya nakikita, napapangiti ako kapag nag-iimagine ako ng tungkol sa kan'ya, 'yong para bang ako pa lang ang may gusto sa kan'ya. Ngayon kasi... manliligaw ko na ang crush ko.

"It's okay. Just be safe and as much as possible, go home early," he said.

"I am thinking if... ano... uh, do you want to go with me? Everyone's invited and Jianne wouldn't mind na nando'n ka," my lips shiver.

He tilted his head and brushed his lips against his fingers, his mannerism. I can't help but to stare at him. He is so handsome and I can tell that I am the luckiest woman alive because Severus Kayel is my suitor. I giggled and pinched his both cheeks. Namula siya sa aking ginawa at parang nabigla kaya bahagya siyang napaatras.

Attain The Sky (Engineer Series #2)Where stories live. Discover now