▪ forty

4K 121 1
                                    




I was drinking my iced coffee when I felt a presence behind me. I slowly lowered my glass and putted it on the table before looking behind to see who's bugging me in the morning. Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Reeva na nakahalukipkip habang pinapanood ang aking mga galaw. Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya dinaluhan ko na agad siya upang mayakap siya nang mahigpit.

"O, my God! You should tell me that you're coming!" Nagagalak kong sambit.

"I don't want!" She giggled. "Your brother told me that you're really busy. Big time na, huh?"

"Hindi naman!" I chuckled. "How's your restaurant? How's France? May nahanap ka ng boylet?" I smirked.

She studied abroad to pursue her dreams. She wants to be one of the best chefs in the world and wants to collect a michelin stars in the future kaya napag-isipan niyang doon mag-aral dahil tingin niya, hindi pa rin enough ang kan'yang skills. But at young age, she successfully managed the restaurant that she built at madalas na dinadayo ang kan'yang mga restaurant kaya rumami ang branch nito.

"Ikaw, naka-move-on ka na ba?" She fired back.

My forehead creased in annoyance. "Oo naman! What do you think of me?" I defensively said.

"'Di nga?" The corner of her lips rose up. "Ano 'tong narinig ko kay Aziel na halos patayin mo na raw siya dahil nakita mo 'yong ex mo?"

"He's lying," I rolled up my eyes. "Sino ba'ng hindi maiinis kapag 'di sinabi sa 'yo na siya pala 'yong head engineer? Ang tanga ko rin kasi! Hindi ko binasa nang maayos 'yong contract!"

"Aarte ka pa, ah." She muttered. "Akala ko ba gusto mo siyang makita? Tapos ngayon, nagkukunwari ka pa riyan na ayaw mo siyang makita." Inirapan niya ako. "Ngayon na may dahilan na kayong magkita araw-araw, umarangkada ka na!"

"Bakit naman?" My eyebrows furrowed. "Wala ng kami. Matagal na niyang tinapos ang kung ano'ng mayro'n sa pagitan naming dalawa."

"Everyone deserves a second chance," she said in her small voice. "Deserve niyo ng happy ending! Kung hindi si Sky ang kikilos, ikaw na ang kumilos!"

"Gago ka ba?"

"Ikaw rin, baka pagsisihan mo na naman 'yan. Mas gumwapo pa naman ex mo."

"H'wag na! Bakit naman ako magsisisi sa taong niloko ako? Saka, second chance? Pagbibigyan mo pa rin 'yong niloko ka? 'Di ba nga, mas pinili niya 'yon kaysa sa akin? Hanggang ngayon nga, sila pa rin. Tatag, 'no?"

"'Yan ba 'yong Euty na nakita ko noon?" She asked. "Sila pa rin?" Gulat niyang tanong.

"Move-on din, Reeva. Matagal na 'yon. Ilang years na ang nakalipas." Mahina kong sinabi.

"Ikaw ang hindi pa nakaka-move-on dito," her lips formed into a smirk. "Pero kaya siguro hindi ka pa rin maka-move-on dahil siguro parang gano'n kayo kay Lily Potter tapos siya si Severus Snape. Mahal na mahal ni Snape si Lily pero dumating si James Potter kaya sila nagkatuluyan," tumawa siya. "Baka parang gano'n din sitwasyon niyo kay Lily at Snape, baka pinagtagpo lang kayo pero hindi itinadhana."

My face crumpled with what she said. Bigla akong nawalan ng gana kaya tumayo na lamang ako at nag-unat. Tiningnan ko si Reeva na nakaayos pa rin, halatang dumiretso rito kahit na kararating pa lang niya galing France.

"Dito ka na muna magpahinga," I said. "I can't accompany you today because I need to work. Ngayon na kasi sisimulan. H'wag kang mag-alala, parating na 'yong si Keith," I smiled.

Attain The Sky (Engineer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon