▪ twenty-seven

3.4K 99 2
                                    




"Hindi lang dahil sa mabait si Wave, Sydney," she smiled to mock me. "Kahit hindi niya sabihin, alam kong umuwi 'yon dahil sa 'yo, para ma-pursue ka ulit kaso 'yon nga, naunahan na si gago," malakas siyang natawa. "And now, he's going back right? Hindi muna babalik, 'di ba? Kasi broken ang tanga!"

"Tangina mo, Reeva Elinor! H'wag mo nga 'kong demonyohin!" Umirap ako at inayos ang unan na binato ko kanina. "May hindi ka pa sinasabi sa akin. Sino 'yang kausap mo?" Pag-iiba ko ng topic upang mawala sa isip ko ang kan'yang sinabi.

"Wala 'to. Nireto lang 'to sa akin. Go-ghost ko na nga, e!" Natatawang sagot niya.

"Luh, gago ka."

"Ayos lang ako, gaga ka. Isipin mo 'yang sa 'yo. Ginugulo ka ni Keith, 'di ba? Para hiwalayan si Sky. . ." She spoke calmly. "Maayos naman si Sky, ah. Boto na nga ako ro'n noon pa, noong crush mo pa lang 'yon. Wala nga akong nararamdamang masama ro'n unlike sa mga naging ex mo noon."

"Pabayaan mo na 'yon. Sabihin na nating niligtas niya ako noon pero duh? Crush niya lang siguro si Sky kaya gusto niyang maghiwalay kami," lintanya ko.

Natawa siya sa aking sinabi at binato ako ng unan. Marami kaming napagkuwentuhan kaya hindi ko namalayan ang oras. Ang dami kasi naming na-missed na events sa isa't-isa dahil sa nangyari sa pagitan naming dalawa. Good thing dahil bumalik kami sa ganito... 'yong walang nililihim ang isa sa amin. Sinabi niya rin ang lahat lahat na bumabagabag sa kan'ya... kasama ro'n ang Kuya ko.

"Don't worry about me, Sydney. Cleve is just a fling to me," she smiled to assure me. "I like him, okay. I realized that it's just an infatuation. Hindi ko kasi maramdaman 'yong comfort sa bisig niya. Saya lang naramdaman ko sa Kuya mo," she added.

"E, malandi kasi 'yon!"

"Parehas kaming malandi kaya parehas naming pinatos ang isa't-isa!" We both laughed at what she said. Reeva decided to cook something for me. Naghanda siya ng makakain namin. Aside sa magaling siyang goal keeper, magaling din siyang magluto at mag-bake. She learned everything about food with the help of her Mom. Her Mom loves cooking at doon niya siguro namana.

"Boba ka talaga! Hindi ko na tuloy alam kung makikipagkita ako kay Wave bukas! Parang ang awkward kasi. . ." Sabi ko sa kalagitnaan ng paghanda niya ng mga kakainin namin.

"Tanga," she muttered. "Kaya nga may mga taong takot umamin ng feelings nila kasi gan'yan kayo, iniiwasan niyo 'yong tao!"

"E, ang awkward nga kasi!"

"Ewan ko sa 'yo, Sydney. May ginagawa ako. Busy ako. H'wag mo 'ko kausapin."

"May boyfriend ako," maikli kong sinabi.

"O? It's not like you're cheating! Gusto ka lang naman maka-bonding ni Wave bago siya umalis." She said. "Pagsisisihan mo rin 'yan kapag hindi ka sumulpot! Baka nga hindi mo na makita 'yon, e! At least, 'di ba, naka-bonding mo siya!"

I shook my head and heaved a sigh. Reeva is really crazy. Bakit niya pa kasi sinabi sa akin 'yon? I can't concentrate anymore. I could still hear Reeva's voice in my head. I leaned my elbow on the table and closed my eyes to reminisce my memories with Wave. Paulit-ulit akong napapabuntong-hininga kapag nakikita ko na tama nga si Reeva, iba na ang trato niya sa akin, noon pa.

"O, bakit may pasa ka?" I worriedly asked Wave when I saw his bruise on his face. He avoided his gaze and pouted his lips.

"May sinuntok lang." He simply answered.

"Sino na naman?!" Iritado kong tanong at patuloy na tiningnan ang kan'yang mukha. Kinuha ko ang first aid mini bag ko at pilit siyang pinaupo sa aking tabi.

Attain The Sky (Engineer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon