▪ fourteen

4.1K 127 32
                                    




Kinaumagahan, naging normal muli ang lahat. Si Kuya ay nasa cellphone niya habang tahimik kaming kumakain. Hindi siya sinisita ni Daddy dahil kahit siya ay may malalim na iniisip. Si Mom naman ay nakatulala, hindi aware sa kan'yang paligid habang ako naman ay pinapanood lamang ang kanilang bawat galaw habang nakakunot ang noo.

Mukha silang tuliro sa hindi malaman na kadahilanan. I sipped on my milk and pressed my back on the chair. I cleared my throat and it caught their attentions. Napatalon sila mula sa kanilang kinauupuan at binitiwan ni Kuya ang kan'yang iPhone.

"What's the matter?" I asked.

"Roses are red, violets are blue, the matter is pakyu!" tarantadong sinabi ni Kuya Cleve kaya matalim siyang tiningnan ni Dad.

"A disrespectful shit," bulong ko habang nakangisi at nakatitig si Kuya sa akin.

I rolled my eyes at nilagok ang fresh milk. Nang matapos kaming lahat ay sabay-sabay kaming pumunta sa living room. Umupo ako sa tabi ni Daddy habang si Kuya naman ay sa tabi ni Mommy. Hinihintay namin si Sky at ang iilang kaibigan ko pati ni Kuya para sa sinasabi ni Daddy na kailangan niya raw makausap si Sky.

"Laging busy si Sky, Dad," mahinahon na saad ni Kuya nang mapatingin si Dad sa wall clock.

"I am always busy, too. Kinancel ko nga ang lahat ng appointments ko for this," Dad said calmly.

"Here he is!" Pumalakpak si Kuya at nakita ko nga si Sky na kung maglakad ay parang nasa red carpet. Sa likod naman niya ay ang mga teammates ko at nangunguna roon si Reeva na mukhang bothered. Sa kabilang dako ay sina Aziel at ilan pang kaibigan ni Kuya.

"Good morning, Mr. Vergara. I am Sky Laurel," naglahad ng kamay si Sky kay Daddy nang tuluyan itong makalapit sa akin.

"Pleasure to meet you," mahinang tumawa si Daddy at tinanggap ang kamay ni Sky.

Sumipol ang halos lahat ng kaibigan ni Kuya at napatili ang mga teammates ko. Ngumisi lang ako at tiningnan ang reaction ni Mommy na nagtataka kung bakit naging gano'n ang reaction ng lahat.

Mom, mom, crush ko 'yan na manliligaw ko na ngayon.

"I want to talk with you in my office. Is it okay with you, Sky?"

"Yes, Sir. It is fine with me," nakangiting sagot ni Sky.

Umikot ang kan'yang paningin hanggang sa nagtama ang aming mga mata. Bigla siyang napangiti at napamulsa. Walang bahid na kaba o ano sa kan'yang mukha. Mukhang kalmado lang at nakangiti dahil mukang nasisiyahan sa nangyayari. Iginaya siya ni Daddy papunta sa kan'yang office dito kaya umalis din si Mommy dahil maa-out of place daw siya rito sa dami namin.

"Hindi naman, tita! Mukha ka pa rin namang bata!" Pambobola sa kan'ya ni Aziel.

"Nako, Aziel!" Natatawang umiling si Mommy bago umakyat.

Nilapitan ako ni Aziel at Reeva. Mukhang nalaman nila kung ano ang nangyari sa akin. Napatingin ako sa ibang bisita namin, nagdadaldalan lang sila at mukhang walang alam sa nangyari. I sighed. Buti naman at hindi nila alam dahil ayaw ko nang malaman ng iba.

"Are you okay? Sinabi sa akin ni Cleve ang nangyari," nag-aalalang sinuklay ni Aziel ang kan'yang kamay sa aking buhok.

Niyakap niya ako nang mahigpit kaya tumayo na lang si Reeva sa gilid namin at naghihintay na makakuha ng tiyempo dahil ayaw akong tantanan ni Aziel. Nanliit ang mata ni Kuya at may tinapon sa kan'ya kaya bigla siyang napalayo sa akin at tiningnan ang Kuya ko.

Attain The Sky (Engineer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon