▪ eleven

4.1K 150 9
                                    




"Natutuwa na 'yan! Hindi na 'yan mapakali kasi buong gabi niyang nakasama 'yong crush niya!" Kantyaw ni Kuya sa akin nang makauwi ako sa bahay. "Yikes! Can't believe that you are my sister. Mas'yadong baliw sa kaibigan ko," he smirked.

"Kasalanan ko bang hindi mo ako sinundo?" I raised an eyebrow. "Mind you, Kuya, mababaliw ka rin sa isang babae," I crossed my arms over my chest.

I felt relief knowing that my parents aren't here. Alam ko namang hindi magsusumbong 'tong si Cleve dahil siya rin ang mapapagalitan. Binilinan siya ni Dad na sunduin ako araw-araw but he failed to do that last night kaya alam kong mananatiling tikom ang kan'yang bibig. Kuya's a big asshole but he knows how to respect my parents. Sunod-sunuran siya lalo na kay Dad.

"As if," binelatan niya ako at nagpamulsa. "Kapag may nangyari sa inyo ni Sky, may mangyayari rin sa kan'ya," mariin niyang sinabi.

"Wala nga! Ngayon pa ba ako bibigay? I had four boyfriends but they failed to kiss me on my lips!" I shouted.

"That's my girl," he patted and kissed me on my head.

Nagsabi sa akin si Reeva na may ginagawa siya kaya hindi niya ako masasamahan sa pupuntahan ko ngayon. Napatingin ako kay Kuya na nakangiti habang nakatingin sa kan'yang cellphone. Napanguso ako at hindi na lamang siya pinansin. Kaya siguro hindi niya ako pinagalitan ay dahil sa ka-text niya.

I wonder kung sino ang nagpapangiti sa Kuya ko. I shook my head before kissing Kuya's cheeks.

"I'm going to buy a new set of nail polish, Kuya. Good bye. I don't need you there 'coz matatagalan ako. Ayaw ko rin magpahatid. Just ready a taxi outside," I said nonchalantly while looking at my wrist watch.

"Okay, then," magaspang ang kan'yang boses na tugon ngunit ang atensyon ay nasa phone pa rin, nagtitipa ng mensahe sa ka-text niya.

Nanliit ang aking mga mata at nagpalit ng heels. Sa bawat hakbang ko ay umaalingawngaw ang tunog ng aking takong kaya napapatingin ang bagong hire na maid sa amin. The truth is, hindi gusto ni Mommy na mag-hire ng maids dahil ayaw niya kaming lumaking tamad ni Kuya. Gusto niyang matutunan namin ang pagluto, paglinis, paglaba in our own.

Ewan ko kang ngayon, saka mas dumami ang nakaaligid na boyguards sa bahay namin. Hindi ko sana sila mapapansin pero mukhang rumami talaga sila. I don't know... but maybe, Dad's in trouble.

Pero para hindi ko 'yon mahalata, kay Kuya na lang nila ako pinapabantay at nanatili silang maluwag sa akin. I am not stupid not to notice that! Doon pa lang sa paalala niya palagi kay Kuya, nakakapagtaka na dahil hindi naman sila gano'n!

"Bye, Kuya," I showed him my sweet smile.

"Text me, okay? H'wag ka mas'yadong lalayo," mariin ang kan'yang boses. "Dad would kill me," bulong niya pero narinig ko pa rin.

"Don't worry, he wont," natatawa kong tugon nang namataan ko ang taxi na naghihintay sa labas.

Sinabi ko agad sa taxi driver kung saan niya ako ida-drop. Tumango lamang ito at mabagal na nagmaneho papunta roon. Nakita ko na pasimple siyang tumitingin sa mirror at umiiling. Biglang bumilis ang takbo ng kotse kaya mas lalo akong kinabahan. Mahigpit ang hawak ko sa aking bag at handa na sanang buksan ang pinto nang makita kong itinigil niya ang taxi sa harap ng mall. Binayaran ko siya nang tama at tumakbo na palayo roon dahil sa dinulot niyang takot sa akin.

Natigil ako sa pagtakbo nang marinig ko ang pagtunog ng aking phone. Hinugot ko ito mula sa aking bag at nakitang unknown number. Nanliit ang aking mga mata lalo na nang mabasa ko ang mensahe.

Attain The Sky (Engineer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon