▪ twelve

4K 127 2
                                    




"Who are you?"

I breathe heavily. Iba pa rin ang naging dulot ng nangyari sa akin. Hindi ko maiwasang hindi maging paranoid kaya kanina pa ako patingin-tingin sa palagid. Nang ma-serve na ang food namin ay ngumiti siya sa waitress at binaling ang kan'yang atensyon sa akin.

"I told you, I am Keith," tinatamad niyang tugon at nagsimulang kumain.

"I mean, bakit ka napunta roon? Sino ka?"

"Hindi ako sinuka, inire ako," pabalang niyang sagot.

Napairap ako dahil sa inis. Kung ganito lang din naman pala ang makakausap ko, 'yong walang modo at hindi sumasagot nang maayos, edi sana nagpahatid na lang talaga ako pauwi sa amin! Nakakainis na kailangan ko pang makipag-deal sa mga kagaya niya!

"Napadaan ako. I live there. Nakita mo 'yong apartment doon? Doon ako nakatira tapos nakarinig ako ng hikbi ng babae," sagot niya.

Umiling ako at hindi na lamang nagsalita. Are you kidding me? Doon nakatira? But he looked... rich. Amoy ko ang kan'yang pabango na kagaya ng gano'n kay Kuya. Kahit ang sapatos at damit niya ay nagsusumigaw ng karangyaan.

But we can't judge the book by its cover. Baka may sugar mommy lang ito kaya siguro may mamahalin siyang gamit.

"Thank you. Thank you for saving me. I owe you my life," mahina kong sinabi habang ang atensyon ko'y nasa pagkain.

"Welcome," aniya sa mababang tono.

Walang nagsalita sa amin kaya batid ko ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. Nag-angat ako ng tingin at mukha siyang walang pakialam sa paligid. I cleared my throat and it caught his attention. I smiled and he smiled back.

Eh? I thought he's suplado?

"I'm not," he muttered.

Natutop ko ang aking bibig dahil mukhang nasabi ko ata 'yon nang malakas. Natawa siya sa aking reaction at tiningnan ang orange juice na nasa tabi ng aking plato.

"Take care, next time, please," lumambot ang kan'yang boses.

"Mayro'n lang kasing nagsabi sa akin na–"

"Lily!"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at parang gusto ko na lamang lumubog sa aking kinauupuan nang makita ko ang galit na itsura ni Sky sa lalaking kaharap ko, si Keith. Keith raised his one eyebrow and smirked before drinking his wine. He pouted his lower lip to annoy Sky more.

"An ugly frog again? What is his name? Ugly frog? And why are you dating with a frog, Lily?" Sunod-sunod niyang tanong, dahil na rin siguro sa inis.

Nakita ko pa ang pagdaan ng inis sa mga mata ni Keith ngunit mabilis na nawala 'yon at inayos niya ang kan'yang pagakakaupo. Tinitigan niya ako na para bang gusto niyang ako ang magsalita para sa aming dalawa.

"Something happened," I said.

"What? Ano 'yon, Lily?"

"Calm down, Sky. He's Keith. He is a nice guy," malumanay kong sinabi.

"Wow, coming from you, huh, Sydney? Ganda naman pala pakinggan kapag ikaw," mahinang tumawa si Keith at hinarap si Sky.

"What are you doing here, Sky?"

Lumikot ang kan'yang mga mata na para bang hindi alam kung paano sasagutin ang aking tanong.

"Uh... nagutom ako tapos nakita kita, may ibang lalaki," he said, almost a whisper.

Attain The Sky (Engineer Series #2)Where stories live. Discover now