▪ eighteen

3.8K 127 4
                                    




I struggled to catch my breath as my stomach churned. I felt my chest tighten. Naimulat ko ang aking mga mata mula sa mahimbing sa tulog dahil sa masamang panaginip. Napaupo ako at humigpit ang hawak ko sa aking comforter. Nanginginig ang aking mga labi habang inaalala ang aking panaginip. Mariin akong napapikit dahil sa takot.

Nangangatog ang aking mga tuhod nang pilitin kong tumayo upang mahimasmasan. I slowly walked down until I reach the kitchen. All lights are still on so I felt relief. Umaga na ito pinapatay dahil iyon ang utos ni Daddy.

I pressed my back against the refrigerator. Dahan-dahan akong napailing nang makita ko ang oras sa wall clock. Malalim na ang gabi at dapat ay natutulog na ako dahil maaga pa ako bukas.

"Can't sleep?"

I heard a voice from behind. Mabilis akong napatingin kay Kuya Cleve na nakapamulsa habang ang mga mata niyang pagod ay nakatingin sa akin. Tipid akong napangiti at tumango. Umalis ako mula sa pagkakasandal sa ref at tinali ang aking mahabang buhok.

"You look tired, Kuya. You should sleep," mahina kong sinabi.

Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang paglakad niya papuntang ref at binuksan iyon. He took a glass and poured a milk on it. Baliwala siyang naglakad papunta sa akin at inabot 'yon. I can't help but to stare at his eyes. My Kuya is really tired... and I don't know what he is doing in his room para mapagod siya nang ganito.

"Drink this. Ikaw ang dapat matulog," malumanay niyang sambit.

"Nagising lang ako, Kuya," I defended. "At hindi na gumagana sa akin ang gatas. Why the hell would I drink that? I am not a kid anymore."

"So what? Dami mo pang sinasabi. Why? Pinagpuyatan mo siguro si Sky, 'no? Malalim na ang gabi, Sydney. You must sleep," he said.

"Nagising nga lang ako, Kuya!" Tumaas na ang aking boses kaya nakatanggap ako ng matalim na tingin mula sa kan'ya.

"Shit, Sydney. Would you please lower down your voice?"

"I'm sorry," I plainly said.

"Hmm... You should cut your hair. Sobrang haba na," pag-iiba niya ng topic. Tinanggal niya sa pagkakatali ang aking buhok at pinadulas iyon sa kan'yang kamay. "Sasamahan kita bukas sa salon. You will cut your hair whatever it takes," mariin niyang sinabi bago ako talikuran.

I opened my mouth to shout at him but I remember, it is already three in the morning. Tulog na ang lahat ng tao at kapag narinig nilang may sumigaw, baka biglang mag-red alert sa bahay. I don't want that to happen again. Once is enough.

But the heck? This is my hair! Desisyon ko dapat kung kailan ako magpapaputol! Matagal ko itong pinahaba dahil madulas at maganda ang buhok ko tapos ipapaputol lang ni Kuya? Pero nasabi na ni Kuya and I can't do anything about that. I heaved a sigh and drank the milk that he gave at hinugasan ang baso bago ako umakyat sa aking kuwarto upang makatulog ulit.

Nang sumikat ang araw, napilitan pa akong bumangon. I still want to lay on my bed and sleep. Hindi agad ako nakatulog kanina dahil sa takot na mapanaginipan ko ulit 'yon. But I don't have a choice, I need to move because I'm already hungry.

"Oh, Sydney, magandang umaga sa 'yo," nakangiting bati sa akin nang madaanan ko ang isang kasambahay sa hagdan. "Kanina ka pa hinihintay ni Cleve. Maagang umalis ang parents niyo kaya kayong dalawa lang ang magsasabay," mahabang lintanya niya.

"Thank you po," I smiled before I walked slowly toward our kitchen.

I'm in the mood to drink a fresh milk this morning. I love fresh milk, though sabi nila walang lasa 'yon. My kuya hates it. He prefers drinking pineapple juice kaya hindi nawawalan ang ref ng pineapple juice because he's a bit brat. Magagalit siya kapag wala siyang nakitang gano'n early in the morning.

Attain The Sky (Engineer Series #2)Where stories live. Discover now