▪ four

5.5K 165 16
                                    




Ang guwapo... ang guwapo talaga ni Sky. Lagi ko 'tong ipagdarasal gabi-gabi na sa dulo, sa akin dapat siya mahulog. Ipagdadasal ko na sana i-crush back niya na ako... na maging girlfriend niya ako... tapos magiging asawa ko na, tapos marami kaming anak... tapos mahal na mahal ako ni Sky, 'yong tipong hindi niya kayang mabuhay nang wala ako.

"Sydney!"

Napatalon ako mula sa aking kinauupuan nang marinig ang pamilyar na boses. Bumilis ang aking paghinga at tiningnan si Kuya Cleve na halos magdikit na ang kilay papunta sa puwesto namin. Nabaling ang atensyon ni Sky sa tumatawag sa akin at biglang kumunot ang kan'yang noo.

"Sabi mo may gagawin ka?! Bakit nakikita na lang kitang nakikipag-date dito?! Buti na lang talaga may nakakita sa 'yo na may kasama ka raw na lalaki!"

"Sino'ng nagsabi sa 'yo?" I stood up.

"Nevermind," saad niya at tumingin sa harap ko. He was taken aback when he saw Sky watching us. "Luh, bakit kasama mo kapatid ko, Laurel?!"

"I didn't know that Lily is your sister, Cleve," Sky answered in a monotone.

"Ano'ng Lily?! Sydney, Laurel! Lily lily ka riyan, close mo kapatid ko?! Ano, sapakan? Maka-Lily ka, a! Sydney itawag mo!"

"I want to call her Lily," he spoke calmly.

"Pinopormahan mo kapatid ko?! Wala, wala! Walang puwedeng pumorma rito! Ni hindi niyo nga 'yan maalagaan nang maayos, tapos popormahan niyo! Sa una lang kayo magaling!"

Napairap ako sa kan'yang sinabi. Alam na alam talaga kapag ganitong usapan, e. Kagaya niya, sa una lang magaling. Ni hindi nga rin niya iniingatan mga babae niya.

"Tara na, Sydney! Humanda ka sa akin 'pag nakauwi tayo!" Hinawakan ni Kuya nang mahigpit ang aking braso.

"Don't blame Lily. It's all my fault. Ako ang nag-aya, Cleve," mahinahong sambit ni Sky.

"Sydney nga, Sky! Sydney ang name niya! Maghanap ka ng ibang babae, huwag kapatid ko!" Matalim siyang tinitigan ni Kuya.

Napadaing ako nang malakas akong hinila ni Kuya Cleve palayo roon. Tipid akong ngumiti kay Sky na blanko lang ang expression habang nakatingin sa papalayo naming pigura. Palihim pa akong kumaway nang tuluyan na kaming makalabas sa Blue House.

Inis kong binalingan si Kuya. He breathe heavily and his jaw clenched. Mukha siyang kinakabahan na naiinis habang may iniisip. Umirap muli ako. First date na nga namin 'yon ni Sky, nahuli pa ng Kuya ko.

Pero sino nga ba ang nagsumbong?

"So, ayon pala 'yong sinasabi ni Reeva na crush mo," mahina niyang sinabi nang makapasok kaming dalawa sa kotse.

"Yes, Kuya, si Sky," mariin kong tugon, naiinis pa rin dahil ginambala niya ang aming date.

E, sa kan'ya nga, wala naman akong pakialam kung sino kalandian niya!

"H'wag 'yon, Sydney. Fulgencio 'yon. Maraming issue ang mga Fulgencio," wika niya.

"Ano naman? Laurel pa rin naman ang dinadala niyang apelyedo! Saka, bakit ka ba nangingialam, ha? Sinira mo first date ko! Pinangarap ko 'yon tapos sisirain mo?!"

"Ano? Gusto mo sabihin ko 'to kay Daddy? Na nagsisinungaling ka para makipagkita sa Laurel na 'yon?"

"Bakit ka gan'yan? Kaibigan mo naman 'yon, Kuya! Nakilala ko nga 'yon noong pumunta siya sa bahay no'n!" Halos paiyak ko nang tugon.

Attain The Sky (Engineer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon