▪ thirteen

3.9K 142 20
                                    




Ang mga ngiti ko ay napawi nang maabutan ko si Dad na nakaupo sa couch, nakapaligid sa kan'ya ang maraming bodyguards habang ang mga kamay ni Mommy ay nasa balikat ni Daddy, mukhang kinakalma niya ito. Nakita ko naman si Kuya Cleve na abala sa kan'yang phone; kunot ang noo at hindi mawari ang kan'yang expression dahil mukhang natataranta na kabado pero kalmado.

"Dad, Mom, what is happening here?" I asked while looking around our home.

Naka-red alert ang buong bahay. Ang malakas na tunog ng siren ay kumikiliti sa aking tainga. Ang mga maids ay natataranta. Ang mga bodyguards ay nagkalat sa buong bahay. Sobrang gulo... ang gulo-gulo... pero bakit?

"Jesus, Lily! Where have you been?" Naluluhang lumapit sa akin si Mommy nang makita akong nakatayo malapit sa hagdan.

Daddy's eyes darted on me when he heard my voice. Napalunok si Kuya at mabilis nila akong dinaluhan ni Daddy. Tinulak ni Dad ang lahat ng nakaharang papunta sa aking direksyon at nang tuluyan siyang makalapit sa akin, biglang siyang napayakap sa akin nang mahigpit.

Ramdam na ramdam ko ang mabibilis na tibok ng puso ni Dad. Tingin ko ay isang kalabit ko lang sa kan'ya, maiiyak siya nang husto. Niyakap ko siya pabalik kahit na nagtataka ako sa kanilang inaakto.

"Gabing-gabi na, Lily Sydney! Bakit ngayon ka lang? Ang sabi ng Kuya mo, hindi mo raw sinasagot ang phone mo. Sabi rin sa pinuntahan mong Mall, hindi nila nakita na tumapak ka roon," mahinahon ngunit ramdam ko ang kaba sa boses ni Mommy.

"I received a text," humina ang aking boses. Kumalas sa pagkakayap sa aking Daddy. Hinarap niya ako at nanliliit ang kan'yang mga mata sa akin na para bang sinusuri ako.

I swallowed hard. Hinawakan ni Kuya Cleve ang aking braso upang maalalayan ako sa pag-upo. Tumigil sa pagtunog ang siren at bumalik sa normal ang lahat. Kaming apat na lang ang nandito dahil pinapabas ni Kuya ang lahat ng tauhan. Lahat sila ay nakatingin sa akin, nakaaabang sa kung ano man ang idurugtong ko sa aking huling sinabi.

"What text, Sydney?"

I shook my head. "Dad, but it was a trap. Someone texted me and pretended that she's Reeva," I said, almost a whisper.

Napaatras si Kuya sa kan'yang kinatatayuan. Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamay ni Dad at pag-igting ng kan'yang panga pagkatapos marinig ang aking sinabi. He signaled to continue what I am saying kaya pinagpatuloy ko kahit na nahihirapan pa rin ako.

"I thought it was Reeva at sabi po sa text, she needs help. Nasa Saldivar Street daw po siya at mukhang may mangyayaring masama raw po sa kan'ya kaya sumunod po ako ro'n, Daddy, dahil sa pag-aalala kay Reeva," mahina kong sinabi.

"What happened, Sydney?" Mariin na tanong ni Dad. "Know the details of that street, Cleve!"

"And I noticed that someone is following me. Akala ko po no'ng una, isa lang pero napagtanto ko po na higit pa sa isa nang marinig ko ang sunod-sunod na yakap. Dad, they stole my bag, my cards, jewelries, watch, and money!" I stuttered and I began to cry. "And... a-and, muntik na po akong ma-rape."

"Shit," malutong na mura ni Cleve at mariin na napapikit habang nakatingala.

"And M-mom... the taxi driver keeps on glancing me no'ng papunta pa ako sa Mall. I don't know Mommy but I can feel something wrong about it!" I said hysterically.

"Goddamn it, Cleve! This is all your fault! Alamin mo kung sino ang nag-text sa kan'ya!" Dad's voice echoed. "Ang sabi ko, ikaw ang maghatid, ikaw ang magsundo! Kahit saan siya pumunta, ikaw dapat ang maghatid!"

Attain The Sky (Engineer Series #2)Where stories live. Discover now