▪ two

8.6K 245 45
                                    



I stared hesitantly at Cleve's massive back. Mommy and Daddy were eating silently beside me while Kuya Cleve excused himself for a minute to talk with his new woman. I rolled my eyes when I heard his woman shouting and cussing him. May bago na naman siyang iniwan sa ere.

"Cleve, stop using your phone. We're eating," Daddy said in a monotone.

Sandaling tinapunan ni Kuya si Daddy ng tingin at tahimik na ibinaba ang kan'yang phone. Nginisihan ko siya ngunit hindi na lamang niya ako pinansin. Kitang-kita ang frustration sa mukha niya. Hindi dahil nag-break sila ng babae niya, kung 'di may maghahabol na naman sa kan'ya na babae.

Ayoko talaga 'yong pinaglalaruan kaming mga babae. Hindi ko alam bakit naging kapatid ko 'to, e, wala naman 'yan pagpapahalaga sa mga bagay-bagay.

"How's your studies, anak?" Daddy put down the glass, then glanced at my side.

"Ayos lang po. Don't worry, hindi po ako nagpapabaya."

"That's good," he nodded. "Maintain your grades, Sydney. I am not against with your sport but please, do not forget your priorities."

"Mahirap talaga maging student-athlete," singit ng Kuya ko.

"Ows? Hindi nga ako nahihirapan. Time management lang 'yan. Hindi kasi ako gaya mo na papalit-palit ng kalandian," sinabi ko.

"Ano'ng connect?"

"Na nakakaabala sa 'yo 'yang landi, lagi ka pa namang nangangati!"

"Playing victim ka? Ma, alam mo ba 'yang si Sydney, sabi sa akin ni Reeva, patay na patay raw siya sa crush niya."

Napakurap ako sa kan'yang sinabi, hindi dahil nabuking ako, kung 'di bigla kong naalala si Sky. Until now, hindi pa rin nagte-text si Sky. Ayaw ko namang mag-first move dahil baka busy siya, lalo na't graduating siya ngayon.

"So what? At least sa akin, hindi distraction. Inspiration pa nga, e," napangiti ako nang maalala si Sky. "Ngayon ka pa nagsumbong, e, alam nga nila na nakaapat na boyfriend na ako," I said.

"Apat lang?" Kuya smirked. "Really? Apat lang, Sydney? Ano, wala ba nanliligaw sa 'yo?"

"I am into serious relationships kasi. Not like you, sa sobrang hilig lumandi, malay mo, may anak ka na pala."

"Finish your food. Stop talking." Mariing sinabi ni Dad nang hindi na siya natutuwa sa way ng pag-uusap namin ni Kuya.

"Daddy, Mommy, aalis na po ako kasi po hinihintay na ako ni Reeva sa labas," paalam ko nang makita ang text ni Reeva sa akin.

Agad kong nakita si Reeva na naghihintay sa akin nang makalabas ako. Sinabihan ko na rin ang driver namin na huwag na akong ihatid dahil sasabay na ako kay Reeva. Napangiti siya nang makita ako ngunit napawi ang kan'yang ngiti at hindi na lamang ako ginulo nang ituro ko ang aking airpods na nasa aking tainga.

Hindi ko namalayan ang pagdating namin sa school dahil nawili ako sa pakikinig ng mga kanta ng The 1975 na new release lang. Nilagay ko na sa aking bag ang airpods at phone ko nang maglakad kami dahil hindi talaga ako mahilig mag-phone kapag naglalakad. Mahilig lang akong makipagdaldalan sa daan.

"How was it, Sydney? Ano'ng nangyari sa inyo last time ni Sky? Iniwan na kita no'n, a!" Reeva asked excitedly.

"Gaga, hindi talaga ako makapaniwala," umawang ang aking labi nang maalala ang nangyari last time.

"Ano ba kasi?"

"Isipin mo, 'yong crush ko, crush ako," napangiti ako sa naisip.

Attain The Sky (Engineer Series #2)Where stories live. Discover now