▪ nine

4.6K 167 8
                                    



After rubbing my tired eyes, I fixed my hair and tied it up into a messy bun. Hindi naging maayos ang aking tulog because Sky's words keep on bugging me. I swallowed hard and drink my mogu-mogu before going to my groupmates na kanina pa kumakaway sa akin.

I heaved a sigh. Imbes na makakauwi ako nang maaga ngayon, mukhang mauudlot dahil may group activity pa. May plano sana akong tumakas tapos sasabihin ko na lang na nagkasakit ako kaso nakita nila agad ako, naglalakad habang umiinom ng mogu-mogu.

"Akala namin hindi ka na makakapunta. Sabi kasi ni Reeva sa amin, nakauwi ka na raw," Emer said.

I chuckled after hearing his words. Sinabi ko kasi kanina kay Reeva na kapag may nagtanong sa akin, sabihin niyang nakauwi na ako. Gustong-gusto ko na kasi talagang humilata at matulog dahil sa sobrang pagod. Lalong tumatagal, lalong nagiging matindi ang training namin sa futsal.

"O, akala niya siguro umuwi ako. I just bought my snacks because I'm hungry," I smiled sweetly. Nakita ko pang napakurap siya nang makita ang ngiti ko ngunit mabilis siyang umiling at tinuon ang atensyon sa kan'yang macbook.

"Hi, Sydney! You look like my sunshine. Kapag nakita ko na, napapangiti na lang ako sa sobrang ganda mo," Ian laughed.

Rachel and Kiara giggled. I smiled sheepishly and greeted him back. I don't know how to deal sa mga taong ganito, lalo na't alam kong faithful ako sa crush ko. I felt like I am cheating kapag may naggaganito sa akin kaya tinatanguan ko na lang saka nginingitian para hindi ako magmukhang rude.

"H'wag ka nang umasa riyan, Ian, kay Sky lang mata niyan!" Sumingit sa usapan si Joseph pagkatapos ay sumulyap sa akin.

"Sky? Who's Sky?"

"Sky F. Laurel," maikling sagot ni Emer.

I bit my lower lip and my heart beats faster after hearing his name. Sobrang lakas talaga ng impact sa akin ni Sky. Pangalan niya pa lang, napapangiti niya na agad ako.

"See? Sydney is smiling. Gan'yan kiligin ang mga babae kaya back-off, bro!"

"Really, Sydney? You have a feelings for that guy?" Ian asked in disbelief.

"To tell you honestly," I spoke sexily. "Yes, matagal na." 

"Boo! Bilis ma-basted ni Ian! Loser!"

"Weak mo naman, Ian! Hindi ka pa nga nakakagawa ng moves, basted ka na agad!"

"Taob agad sa futsal player!"

I shook my head and laugh with them. They are teasing Ian dahil unang attempt pa lang daw niya, rejected na agad. I chuckled at nilabas na lamang ang aking macbook para masimulan na namin ang aming gagawin.

Because of our cooperation, naging maayos ang naging takbo at daloy ng aming group activity. Nang matapos kami, nagbesohan kami ng nga girls at nagkipg-fist bump naman ako sa mga boys para makapagpaalam na dahil madilim na ang langit.

I yawned, then looked at my wrist watch. Kumabog ang aking dibdib nang makarinig ako ng kulog at ang kasunod no'n ay ang malakas na pagbuhos ng ulan. Mabilis akong napalingon upang matingnan ang groupmates ko pero wala na sila roon at mukhang umalis agad dahil alam nilang uulan.

Tumakbo ako sa waiting shed upang hindi maulanan kahit na basa na ako. My lips shiver as I checked my macbook in my bag. I felt relief nang makita kong hindi naman iyon nabasa. I hugged myself and wait for my Kuya because I told him to pick me up at the waiting shed but until now, wala pa rin siya.

Attain The Sky (Engineer Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon