▪ twenty

4K 123 3
                                    




I told my parents that Sky is not my suitor anymore, that he's now my boyfriend. Kaya naman halos pumalakpak ang tainga ni Mommy nang marinig ang tungkol sa bagay na 'yon. Hindi siya mapakali at gustong-gusto nang makitang muli si Sky. I bet she's going to prepare a grand dishes just for Sky. You may find it overacting but that's my Mom. She is really supportive lalo na kung gusto niya ang ginagawa ko.

Kaya naman ipinangako ko sa kanila na dadalhin ko si Sky rito sa bahay para ipakilala muli. Dad is excited to meet Sky, too. I don't know kung ano'ng pinakain ni Sky sa mga magulang ko para maging ganito sila kauhaw na makita muli si Sky.

"Sydney," Dad called my name.

"Yes po?" Ibinaba ko ang kubyertos at sinalubong ang kan'yang tingin.

"Your safety is a must. Kung may pupuntahan ka, dapat kasama mo ang Kuya mo o si Sky," mahinahong sinabi niya.

"Nag-iingat naman po ako palagi, Daddy. Hindi na po 'yon mauulit," sabi ko nang maalala ang nangyari sa akin sa Saldivar Street.

"Siguraduhin mo lang," mariin niyang wika.

"Opo," I answered.

"And please don't forget, anak, to invite Sky to have a dinner with us, okay?" Mom spoke. "Hindi pa naman ngayon dahil may kailangan pa kaming tapusin ng Dad mo. You take care of your sister, Cleve, dahil hindi kami uuwi mamaya."

Tumango si Kuya. Hindi na ito bago sa amin. Hindi na bago sa aming dalawa na hindi umuwi ang parents namin. We are used to this at bumabawi naman sila kapag may oras sila para sa amin. Kahit kailan, hindi kami nagalit sa magulang namin kahit na madalas ay wala sila rito. We appreciate them. Kahit na wala sila, ina-assure pa rin nila na safe kami at nakukuha namin kung ano ang gusto namin.

Naging tahimik ang hapag-kainan pagkatapos no'n. Kahit na si Kuya na madalas ay madaldal lalo na kapag kumakain kami ay tahimik. Nag-focus lang siya sa pagkain niya at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Si Mommy naman, maagang umakyat dahil may tumawag sa kan'ya and Dad is ready to leave para mag-work at ako naman, I need to go to school.

"Kuya, hintayin na lang kita sa labas," I spoke.

"No," pinunasan niya ang kan'yang bibig bago siya nag-angat ng tingin sa akin. "Hindi ako ang maghahatid sa 'yo. Naghihintay na sa labas ang maghahatid sa 'yo ngayon."

"Who? The driver, Kuya?"

"Just walk and you'll see," suplado niyang sambit.

"Bakit hindi na lang ikaw? You promised me na bibilhan mo ako ng ice cream!"

"Lily Sydney, bakit ba ang tigas ng ulo mo? Kung ayaw mong umalis ngayon, edi h'wag. Hindi naman ako 'yong male-late, e," he shrugged his shoulders.

"Fine!" I crossed my arms over my chest and left him there.

Fuck him! Ang aga-aga tapos sisirain niya ang mood ko?

I don't get him for the past weeks. Mas naging tahimik at parang laging may malalim na iniisip. Mas lalong naging suplado at hindi ko siya nakikita ngayon na kumakausap ng babae. Inii-stress ba siya ni Dad? Narinig ko kasi na lagi siyang nasa office ni Daddy para mag-usap at everytime na lumalabas siya sa office ni Daddy, laging lukot ang mukha niya.

"Hi, Sydney," someone called my name.

Napatingin ako sa tumawag sa akin. Sa una, nanliit ang aking mga mata dahil hindi ko siya makilala ngunit pamilyar ang kan'yang mukha. Nang ngumiti siya, roon lamang nanlaki ang aking mga mata nang ma-recognize ko ang kan'yang ngiti. Halos takbuhin ko na ang distansya naming dalawa upang mayakap siya nang mahigpit.

Attain The Sky (Engineer Series #2)Where stories live. Discover now