CF - 1

1K 18 1
                                    

THE BEGINNING.


"Ayla, bumangon ka na riyan at ihatid mo na itong agahan sa Tatay mo."

Napasinghap ako at pinutol ang pakikipagtitigan sa bubong ng aming bahay nang marinig ko ang sigaw ni Nanay mula sa labas ng aking silid.

Bumangon ako at humarap sa maliit na salamin, na basag na rin. Pinusod ko ang buhok ko at tinanggal lang ang muta at ang mga natuyong laway.

Lumabas ako ng aking silid at agad kinuha kay Nanay ang isang basket na nilagyan ng pagkain, tubig, basahan, at extra'ng damit.

"Bilisan mo para makapasok ka sa eskuwelahan mo nang maaga," bilin pa sa akin ni Nanay nang ma-i-abot sa akin ang basket.

"Opo."

Tinalikuran ko si Nanay at kahit hindi pa naliligo, tinahak ko ang daan papunta sa bukirin kung saan ngayon ang trabaho ni Tatay.

Papasikat pa lang ang araw at palabas na ako ng kawayang bakod ng aming bakuran nang may dumaan mismo sa tapat nito, nagtatawanan at mukhang nagja-jogging.

Ang direksiyon nila ay ang daan kung saan din ako patungo. Wala akong nagawa kundi ang sundan silang tatlo. Dalawang lalaki at isang babae.

Habang bitbit ang basket, hindi ko ma-iwas ang tingin ko sa kanilang tatlo, lalo na sa babaeng kasama nila.

Ang suwerte-suwerte nila. Magaan ang buhay nila. Maganda ang kanilang pamilya. Hula ko, nasa kanila na ang lahat at siguro kuntento na sila rito. Minsan napapa-isip ako kung ano pa kaya ang pino-problema nila? Kung ano pa ba ang gusto nila sa buhay? Siguro nga, ang dali para sa kanila na makuha ang lahat. Para bang may genie silang kasama na anumang sabihin nila ay maibibigay agad sa kanila gamit ang isang pitik lang ng kamay.

Umiling ako.

Ano ba itong pinag-iisip ko? Dapat nga makuntento na lang ako sa kung ano'ng buhay mayroon kami ng pamilya ko ngayon pero hindi naman siguro masama na minsan sa buhay ko, mangarap din ako na sana maging katulad ko sila?

"Hoy Steve, Breth, hintayin niyo nga ako!" naibalik ko ang tingin sa kanila nang marinig kong sumigaw ang babae. Mas na-unang tumakbo ang dalawang lalaking kasama niya tapos siya ay kaonting distansiya na lang mula sa akin.

Mali ito, hindi dapat akong maghangad ng mga bagay na mayroon ang iba. Matutong makuntento, ika nga ni Nanay.

Tama nga ang na-isip ko kanina, papunta nga sila kung saan man ako papunta ngayon.

"Magandang umaga, Tay, nandito na po ang agahan niyo," nang makarating sa tina-trabaho ni Tatay, agad akong nag-mano sa kaniya. Bahagya lang akong yumuko sa iba pa niyang kasamahan na nagpapahinga na rin sa malaking mangga.

"Oh? Kumpleto ba iyan? Baka may nakalimutan ka't tatanga-tanga ka pa naman."

Napa-yuko na lang ako sa sinabi ni Tatay. Nahihiya kasi pinagalitan ako sa harap ng iba pa niyang kasamahang tapasero.

"Magandang umaga po sa inyong lahat!" habang tinutulongan si Tatay na ilabas ang lahat ng basket, sumigaw sa hindi kalayuan 'yung babaeng kanina lang ay sinusundan ko. Galing sila sa kabilang dulo nitong lupain at mukhang pa-uwi na.

"Magandang umaga rin, Ma'am MJ, Sir Steve, Sir Breth," halos sabay na bati ng mga magsasakang nandito ngayon sa ilalim ng mangga.

"Mabuti po at tumigil po kayo sa pagsasaka. Mabuti po 'yan, 'wag niyo pong kalimutan ang magpahinga ng paminsan-minsan. Maraming salamat po sa kasipagan niyo po, keep up the good work po."

"Maraming salamat, Ma'am MJ," sagot naman ni Manong Ronel sa kaniya, isa sa mga kasamahan ni Tatay sa pagtatapas.

"Hoy MJ, masiyado ka ng OA, halika na, male-late na tayo," kahit kinakaladkad na siya ng kaniyang dalawang pinsan, hindi siya nagpa-awat na kumaway sa aming lahat. 

Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora