CF - 7

250 15 2
                                    

THE DEATH.


Yumuko ako at tiniis ang hapdi ng sikat ng araw hanggang sa makarating ako sa isang silid-aralan. Sanay ako sa initan pero hindi sa ganitong wala man lang proteksiyon sa katawan.

Inilapag ko ang mga kuwadernong pinadala ni Ma’am Villarosa sa akin. Nasa kabilang ibayo pa ng eskuwelahan kasi ang silid-aralan niya. Ako ‘yung natripan ng mga kaklase ko na magdala ng mga kuwadernong ipinasa namin sa kaniya kaya heto ako ngayon at tagaktak ang pawis.

“Ayla!” at dahil nga silid-aralan ng  star section itong pinasok ko. Inaasahan ko na talaga na babatiin ako ni Fabio kahit matinding pagdadasal ang ginawa ko na sana wala siya sa silid-aralan niya ngayon pero heto na nga’t nagkamali ako.

Tinanguan ko siya at sa huling pagkakataon ay inayos ko ang mga kuwaderno ng aming klase.

“Bakit ikaw ang nagdala n’yan? Hindi ka man lang ba tinulongan ng mga kaklase mong lalaki?” nilapitan niya ako at agad nang-usisa.

Recess ngayon kaya ma-ingay ang kaklase niya na hindi man lang kami pinagtoonan ng pansin ni Fabio. Wala talagang pakialam sa mundo ang mga tiga-star section. At sino ba naman ako para pagtoonan nila ng pansin? E pustaan tayo, hindi ako kilala ng mga iyan.

“Gutom na kasi sila kaya ako na ang nagdala,” pagdadahilan ko na lang.

“Ikaw? Nakapag-recess ka na ba? Samahan na kita sa canteen,” presenta niya.

“Hindi na, Fab, kaya ko na. Baka maabutan ka pa ng oras ng klase at ma-late ka pa sa susunod na klase mo,” pagtanggi ko sa sinabi niya.

Pasimple kong iginala ang tingin ko sa paligid pero hindi ko man lang nakita si Sia. Baka nasa canteen.

“Matagal pa si Sir Maguate dadating kaya sasamahan na kita. Bakit nga ba hindi ka sinamahan ni Zubby?”

Wala akong nagawa kundi ang maglakad na at hayaan si Fabio na samahan ako sa canteen.

“Busy sa crush niya,” sagot ko na lang.

“Si Zubby talaga, oo.”

Grade twelve na kami. Ilang buwan na nga e. Wala masiyadong nangyari, ganoon pa rin naman ang takbo ng buhay ko. Ewan ko lang sa iba.

Siguro ang naging usapan lang talaga sa eskuwelahan namin nang magpasukan ay ang balitang lumipat na raw ng paaralan si Breth Osmeña. ‘Di ba usap-usapan bago natapos ang grade eleven years namin ay naghiwalay itong kamag-anak ko at si Breth? Ngayon, mukhang lumipat na talaga si Breth at gusto na talagang iwasan si Sia. Si Sia naman kasi e, masiyadong lantaran kung maghabol. Nairita siguro si Breth kaya ayon, naisipang lumipat na sa kabilang paaralan. Ewan ko ba sa kamag-anak kong iyon.

Hinayaan ko na lang si Fabio na samahan ako sa canteen. Kahit ano yatang palusot ang sabihin ko, mayroon at mayroon talagang rason itong si Fabio, e.

“Ayla, ano’ng kurso ang kukunin mo sa college? Parang hindi ko pa alam,” biglang tanong ni Fabio sa akin habang naghihintay ako ng sukli rito sa canteen. Ang tagal kasi no’ng tindera e.

Nilingon ko si Fabio pero agad din naman akong nag-iwas ng tingin para mag-isip. Oo nga pala, palagi kong iniisip na gusto kong makapag-aral ng kolehiyo pero hindi ko pa alam kung ano’ng kurso ang kukunin ko.

Napabuntonghininga muna ako bago umiling. “Hindi ko pa alam, marami kasi akong pagpipilian. Ikaw ba?” pagbabalik ko naman sa kaniya ng tanong.

“Siyempre teacher. Alam mo naman na mahilig ako sa mga bata at hilig ko na talaga ang pagtuturo dati pa.”

“Maraming salamat po,” magalang na sabi ko sa tindera ng canteen nang maibigay na niya sa akin ang sukli. “Hmm, bagay sa’yo maging teacher,” sabi ko naman kay Fabio at nagsimula ng maglakad palabas ng canteen dahil hanggang ngayon, marami pa ring estudyante roon.

Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon