CF - 16

185 11 4
                                    

“Sweet dreams, Aylana Rommelle.”


THE SEMINAR.

Handa na ang mga gamit ko. Handa na ang sarili ko. At nasa airport na kami ngayon, kasama ko si Engr. Sonny.

Halata namang may bahay talaga itong si Engr. Sonny sa Manila at puwedeng-puwede siyang ma-una sa akin sa pag-alis pero bakit sinamahan niya ako?

Ah, para siguro hindi ako maligaw. Malaki ang Metro Manila. Oo nga naman, Ayla, kung anu-ano 'yang iniisip mo!

“Is this your first time riding a plane?” biglang tanong ni Engr. Sonny sa akin habang nakiki-linya kami para raw sa check-in ng aming gamit at ticket. Air Asia ‘yung sasakyan namin kasi nga ‘yon ‘yung nakalagay sa plane ticket at itenerary ko.

Tumango ako kay Engr. Sonny. Nasa likuran niya ako pero nakaharap ang katawan niya sa akin.

“So I assume that it’s your first time sa Manila?” follow-up na tanong niya matapos kong tumango sa unang tinanong niya.

Umabante ang mga taong nasa harapan ni Engr. Sonny kaya umabante rin siya. Inakay ko na rin ‘yung maliit na maleta ko na talagang binili ko para sa trip na ito. Wala akong ibang malagyan na bag na malaki kaya mabuti at may natira pa sa suweldo ko aside sa pocket money na dadalhin ko para ipambili ng iibang gamit na puwedeng dalhin sa trip na ito. Oo, alam kong seminar itong dadaluhan ko pero unang beses ko ang lahat ng ito.

Tumango ulit ako sa tinanong ni Engr. Sonny kasi matapos umabante, lumingon siya kaagad sa akin.

“Bacolod lang po ang pinakamalayong lugar na napuntahan ko,” kibit-balikat na sagot ko sa kaniya.

“Talaga? Like hindi ka pa nakakapunta sa Cebu or the nearby island?”

“Hindi pa, Engineer.”

“Wow, it’s my honor to be your companion during your firsts in your life.”

Napangisi ako sa sinabi ni Engr. Sonny at hindi na pinatulan ang sinabi niya. Nakapag-check in din naman kami kaagad at matiyagang naghintay sa oras na sasakay kami sa eroplano.

Nakatanaw ako sa malaking salamin ng waiting area, nakikita ko ang mga naglalakihang eroplano na dumadating at umaalis sa airport na ito. Iba’t-iba ang kulay na naka-pinta sa katawan ng eroplanong iyon. May yellow, puti, at blue, may puti at blue, at pula at puti. ‘Yung pula at puting eroplano yata ang sasakyan namin dahil nakita ko roon sa katawan ng eroplano ang pangalan na nasa ticket na hawak ko ngayon.

“Since it’s your first time riding a plane, hindi ka ba nagsusuka tuwing naglo-long travel ka papunta ng Bacolod o kahit saan?” biglang tanong ni Engr. Sonny habang naka-upo kami sa waiting area. Lumingon ako sa kaniya at napangiti.

“Hindi naman Engineer. Hindi ko nga lang alam sa biyaheng ganito. Nakakahiya man pero hindi pa talaga ako nakakasakay nang mga ganiyang klaseng eroplano, Engineer,” medyo yumuko ako habang sumasagot. Nakakahiya nga talaga.

Siguro siya, maya’t-maya ang sakay sa mga eroplanong ganiyan. Kung saan-saang lugar na lang siguro siya napupunta dahil mayaman naman siya at kaya niyang puntahan kahit pa ang pinakatagong lugar sa mundo.

“No… it’s fine. ‘Wag kang mahihiya kung first time mo pang sumakay sa mga ganitong klaseng transportation. I’ve encountered many employees of the company na ganiyan din, mga first timer and it’s your lucky day kasi you’re in good hands. I’ll take care of you and will let you experience the best first ride of your life,” nakangisi niyang sagot at pa-cool na sumandal sa sandalan ng upuan.

Natawa na lang ako sa sinabi niya pero tumango na rin. Simula pa lang, may tiwala naman talaga ako sa’yo.

Nang may narinig na announcement galing sa speaker ng airport na sinabayan ng pagtayo ni Engr. Sonny ay nagsimulang pagpawisan ang kamay kong medyo nanginginig na. Akala ko magiging cool lang ako, akala ko hinidi por que first time ko ay kakabahan na agad ako, akala ko mako-control ko ang kaba ko pero nagkakamali pala ako. Ito na nga’t kinakabahan na ako.

Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)Where stories live. Discover now