CF - 5

298 13 2
                                    

THE CAMPAIGN.



“Grabe na talaga girl, pinagpala yata talaga ako ngayong araw na ito! Ikaw ba naman sunod-sunod na pakitaan ng crush? Love na love talaga ako ni Lord!”

Mas lalo na nga’ng nangisay si Zubby dahil matapos niyang makita si Sonny Lizares, sumunod naman na nagpakita sa headquarters ang anak ni Congressman Yap na si Major Yap. Atsaka ‘yung anak din ni Konsehal Escala na si Carter Escala. Oo, crush niya ‘yung lahat ng iyon, kulang pa nga e.

“Mukhang nakikinita ko na productive at masaya ang magiging bakasyon ko ngayon,” biglang salita ni Zubby habang nakataas pa ang dalawang kamay na animo’y nag-iimagine sa langit. Nasa labas kami ngayon ng headquarters, hinihintay ‘yung Mama niya para sabay-sabay na kaming umuwi.

Ang weird-weird talaga nitong si Zubby. Kung sa iba, ako na ‘yung weird, para sa akin siya e.

“Ilan na ‘yung crush mo?” biglang naitanong ko.

Natigil siya sa pagpapantasiya at napatingin sa akin pero agad din namang nag-iwas ng tingin dahil nag-isip.

“Hmmm,” nagsimula siyang magbilang gamit ang kamay niya at mukhang mine-memorize sa isipan niya ang mga pangalan ng crush niya. “Si Breth. Sonny. Carter. Major. Koby. Justine. Hmmm, sino pa ba?”

Anak ka ng baboy kang bata ka!

Hindi ako makapaniwalang nakatingin ngayon kay Zubby. Parang kulang na kulang ang ilang taon naming pagiging magkaibigan para intindihin na talagang madami siyang crush. Parang hindi pa ako nasasanay.

“Pambihira ka talaga, Zubby, kulang pa ‘yon?” puna ko sa kaniyang sinabi.

“Ek, kasalanan ko bang maraming guwapo sa ciudad natin?” maarte pang sabi niya.

Sasagot pa sana ako kaso biglang dumating na si Tita Gina kaya umalis na kami agad.

“Ayla, sasama ka lang talaga sa akin ha? Ako ang bahala sa’yo!” biglang sabi ni Tita Gina habang nag-aantay kami ng masasakyang traysikel papunta sa proper.

“Pero aabisohan na kita nang mas maaga ha? Hindi masiyadong malaki ang scholarship na ito, parang assistance lang ito sa pag-aaral niyo pero malaking tulong na ito para kahit papaano’y mabawasan ang magagasta mo kapag magko-kolehiyo ka na,” dagdag na sabi pa ni Tita Gina.

“Okay na okay na po ‘yon, Tita Gina, kaysa naman po wala ‘di ba?” sagot ko naman kaya napa-thumbs up pa si Tita Gina bilang pa-unang sagot.

“Kaya aliw na aliw ako sa’yong bata ka!” biglang sabi ni Tita Gina sabay pisil sa pisnge ko. “Kahit tahimik ka pero pursigido ka sa buhay! Hindi katulad ng iba d’yan, ma-ingay na nga ang lakas pang magreklamo,” nag-sideway glance pa siya sa banda ni Zubby na nasa mismong gitna namin ni Tita.

“Wow Ma, harap-harapan talaga?”

“Joke lang, anak!” at ngayon ay si Zubby naman ang kaniyang pinagdiskitahan. “Siyempre, mahal na mahal kita! Ikaw kaya ang unang prinsesa namin ng Papa mo,” malambing na dagdag niya pa kaya wala sa sarili akong napangiti dahil sa nasasaksihan sa pagitan ng mag-inang ito.

Isang alaala ang nanumbalik sa aking isipan…

“’Nay, ang sabi ni Ate Aylen, napulot niyo lang daw po ako sa may tae ng kalabaw? Totoo po ba ‘yon ‘Nay?” agad na sumbong ko matapos akong sabihan ni Ate Aylen nang ganoon. Nasa likuran ko lang siya at naririnig ko ang tawa niya.

Natigil si Nanay sa paglalaba. Pinatuyo niya ‘yung basang kamay niya at marahang hinawakan ang aking pisnge. Ngumiti nang pagkalawak-lawak si Nanay sa akin.

Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon