CF - 39

221 14 0
                                    

"Ngayon, sabihin n'yo sa akin kung may problema ba talaga kaming dalawa?"

THE RING.


Tahimik akong naiyak nang gabing iyon. 'Yon na 'yon, e. Malapit na sana, e. Bakit biglang may susulpot na panibagong balitang magpapabago ng lahat?

Masiyado mang mayabang isipin pero inasahan ko talagang kakatok siya sa pintuan ng kuwarto at mag-i-explain sa nangyari pero nakatulugan ko na lang ang lahat, walang Sonny na dumating.

Maaga akong nagising nang magising din si Aye. Ibinuhos ko sa kaniya ang atensiyon ko sa araw na ito at pilit kinalimutan ang nangyari kagabi.

Magpakatatag ka lang Ayla.

Saka lang kami lumabas ni Aye ng kuwarto matapos ko siyang paliguan. Tapos na rin ako. Magpapaalam lang sana ako kay Donya Felicity kung maaari bang maisama ko si Aye sa pagbisita ko sa bahay. Gusto ko lang munang umalis pansamantala sa manor na ito. Kahit ngayong araw lang.

Pagkalabas namin ng kuwarto, halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Sonny na nakasandal sa dingding malapit sa pinto. Mabuti na lang talaga at hawak ko si Aye, baka kung ano pang nasabi ko dahil sa gulat.

Lumingon siya sa akin at saka sa bata. Tatahimik na sana ako pero kusang lumapit si Aye sa kaniya kaya wala akong nagawa kundi ang ibigay sa kaniya ang bata. Pagak akong ngumiti at nagpatuloy sa paglalakad para hanapin si Donya Felicity.

"Ayla, what happened last night was just a big misunderstanding," sabi niya habang sinusundan ako sa pagbaba ng hagdan.

"Wala lang 'yon, Sonny. Sige, sa 'yo muna si Aye, hahanapin ko lang si Donya Felicity."

"Ayla-"

Hindi ko na alam kung may sinabi pa siya kasi agad akong lumabas at nagpunta ng garden. Kapag ganito ka aga at wala pang agahan, sa garden lang niya siya mahahanap.

Nakita ko siyang nagma-marcot.

"M-Magandang umaga po, Donya Felicity," agaw ko sa atensiyon niya.

Natigilan siya sa ginagawa at lumingon sa akin, tinanggal pa niya ang garden gloves na suot at ibinigay na sa akin ang buong atensiyon niya.

"Yes, Ayla?"

"Um, magpapaalam lang po sana ako, Donya Felicity, kung puwede po bang bumisita kami sa bahay. Isasama ko po sana si Aye." Nilakasan ko na talaga ang loob ko woy, gusto ko talaga munang lumayo rito.

Isang eleganteng buntunghininga ang unang isinagot ni Donya sa akin. Sinubukan kong tingnan siya sa mga mata para makita kung anong naging reaksiyon niya sa sinabi ko pero seryosong tingin lang ang ipinukol niya sa akin.

"You're going to visit your parents, Aylana?"

"Opo. Kung puwede po sana."

Nagbuntunghininga ulit siya.

"Okay. Just tell Nanay Vina na aalis ka, siya na ang mag-i-inform sa driver para maihatid kayo."

Gusto ko sanang tumanggi sa sinabi niyang paghatid pero alam ko namang hindi tumatanggap ng tanggi si Donya Felicity.

"Salamat po. Sige po, ako na pong bahala magsabi kay Nanay Vina."

Si Nanay Vina ay ang pinakamatandang kasambahay at nagsisilbing mayordoma ng kanilang pamamahay. Ang sabi ni Sonny sa akin, matagal na raw na naninilbihan si Nanay Vina sa mga Lizares at napalapit na sila rito.

Ngumiti ako at bahagyang yumuko bago tumalikod para tapusin ang pag-uusap naming dalawa nang bigla niya akong tawagin.

"Ayla."

Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)Where stories live. Discover now