CF - 18

203 14 1
                                    

"Sobrang tanga, Ayla. Sobrang bobo ng ginawa mo. Sobra."


THE SCENE.

‘Yong kabog ng aking dibdib, hindi na humupa magmula no’ng mga oras na ginawa iyon ni Engr. Sonny sa akin hanggang sa nandito na kami sa tapat ng pinto ng aking hotel room. Nag-offer siya na ihahatid niya ako hanggang sa may pinto.

Gusto ko mang ibalik sa dating sigla ng aming pag-uusap ang situwasiyon naming ngayon, hindi ko na magawa dahil sa ginawa niya. May chansa ako para pigilan siya pero bakit tinatraydor ako ng sarili kong katawan? Nang sarili kong damdamin?

"P-Papasok na po ako, engineer..."

Matapos ang ilang segundong katahimikan naming dalawa rito sa tapat ng pinto ng aking hotel room, nilakasan ko na ang aking loob na magsalita. Hindi nga rin ako makatingin sa kaniyang mga mata. Halos mapayuko na ako dahil sa kabang aking nararamdaman kanina pa.

Pagak akong ngumiti sa kaniya at napagpasiyahan na talagang tumalikod sa kaniya para pumasok na sa loob. Nararamdaman kong may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi ko alam kung bakit nanatili siyang tahimik. Gusto ko mang itanong sa kaniya kung ano ang bumabagabag sa kaniya, ayaw ko namang maging assuming.

“S-Sandali lang, Ayla…”

Ang plano kong pumasok sa loob ay biglang natigilan dahil sa pagpigil na ginawa ni Engr. Sonny sa akin. Nakahawak siya sa kaliwang siko ko at kahit grabe na ang kabog ng aking dibdib, nagawa ko pa rin siyang lingunin.

“Matutulog ka na ba talaga?”

Pinilit ko ang sarili kong pantayan ang kaniyang mga titig. Seryosong tingin ang hatid ng kaniyang mala-ulap na mga mata. Kalmado pero may nanunuot na nakakubling panganib o unos o hindi ko exactly malaman kung ano ba talaga. Hindi ko mabasa kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang mga titig.

Oo, alam ko, mga computers at codes lang dapat ang binabasa ko bilang isang I.T. expert pero hindi ko alam na marunong din pala akong magbasa ng emosyon ng isang tao, lalo na sa emosyon ni Engr. Sonny.

“Bakit Engineer?” nagtatakang tanong ko sa naging tanong niya kanina.

“Samahan mo muna ako.”

Ang ibig niyang sabihin sa sasamahan ko siya ay ang  pag-inom. Gusto niyang uminom sa bar ng hotel sa hindi niya raw malamang dahilan. Alam kong may amats na siya dahil uminom din siya kanina sa bar na pinuntahan namin kaya hindi ko alam kung bakit nag-aya pa siya.

Mas kalmado ang bar ng hotel na pinasukan namin. Hindi katulad no’ng pinuntahan namin kanina na maraming nagsasayawan. Dito, mellow music lang ang pinapatugtog at nag-uusap lang ang mga tao sa kalmadong paraan. Parang isang normal lang na restoran pero puros nakakalasing na inumin lang ang inihahain nila.

Pumuwesto sa pandalawahang bangko si Engr. Sonny, sa sulok na parte ng bar. Agad siyang nagmando sa waiter na lumapit sa amin para raw kunin ang order niyang alak.

Wala akong ideya kung ano ang mga in-order niya. Hindi naman kasi talaga ako pamilyar sa mga alak. Ang alam ko lang ay ‘yung Tanduay na Senior at Junior, Kulafu, Mucho King, Emperadoer Lights na may lime juice, at Red Horse na madalas inumin ng mga taong malapit sa akin, lalo na si Tatay at si Zubby. ‘Yon lang, mga lokal na inumin lang. Kahit minsan may nakikita akong mamahalin sa grocery stores. Atsaka hindi naman talaga ako umiinom. Ni minsan, hindi pa ako nakatikim ng kahit anong klaseng inumin na nakakalasing. Makailang ulit akong pinilit nina Zubby dati pero nabigo sila. Ayaw ko talaga sa mga ganiyang klaseng bisyo. Masiyadong masangsang ang amoy pagdating sa akin. Kanina nga sa bar na pinuntahan namin, sumasakit ang ulo ko hindi lang dahil sa mga nagsasayawang ilaw at naglalakasang volume ng musika, pero dahil din sa iba’t-ibang klaseng amoy ng alak at usok ng sigarilyo.

Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang