CF - 34

220 12 1
                                    

"I don’t know. I just have this urge to be with you."


THE VISITOR.


“I tried talking to Tito Boyet about you living with me in Bacolod pero hindi siya pumayag kaya araw-araw na lang kitang dadalawin dito sa inyo.” Agad siyang nagsalita nang ihatid ko siya palabas ng bahay, papunta sa sasakyan niya.

Matapos ang hapunan, nagpaalam din siya sa mga magulang ko. Wala kaming ibang napag-usapan. Ano pa ba ang dapat naming pag-usapan?

“Hindi mo na naman kailangang gawin ‘yan, Sonny. Hindi ka obligadong dalawin ako rito lalo na’t meron kang trabaho sa central n’yo.”

Isang naiinis na ungol ang sinagot niya sa akin sabay hagis paitaas ng hawak niyang susi.

“Please, Ayla, let me do what I want to do.”

Want ba talaga, Sonny? O parte ito ng inaalagan n’yong repustasyon?

“Bahala ka. Basta sinabi ko sa ‘yo, magiging hassle ‘yon.”

“Sige na, pumasok ka na sa loob. Malamig na dito sa labas, baka malamigan ka pa.”

Hindi ko na hinabaan ang pagpapaalam sa kaniya. Hindi ko na nga rin hinintay na makaalis siya, e.

Mabilis lumipas ang mga araw. Mabilis din kumalat ang balita tungkol sa aming dalawa. Maski ang mga sarili naming kapitbahay, kami ang pinag-uusapan. Naririnig ko ang mga pinagsasabi nila pero mas pinili kong hindi na patulan ang mga masasamang bagay na tinawag nila sa akin, mas pinili kong ‘wag nang pansinin pa. Mas alam ko ang katotohanan kaya dapat lang na maging kampante ako sa buhay. At saka, wala naman akong masamang ginagawa sa kanila, buhay ko naman ‘to at may sarili naman silang buhay kaya ‘wag na lang.

Nagpatuloy din ako sa ehersisyong ginagawa ko tuwing umaga. Minsan sinasamahan ako ni Nanay at minsan naman ay sa paligid ng bakuran lang ako naglalakad para makaiwas na sa mga masasamang tingin na natatanggap ko galing sa ibang tao. Lalong-lalo na sa mga kapwang magsasakang katulad ni Tatay.

Kapag talaga ang tao walang magawa, pupunahin ang kamaliang ginawa ng iba para may pagkaabalahan, para may mapag-usapan. Pati ang nananahimik na tao ay bubulabugin para lang maipasa nila sa iba ang napunang hindi kanais-nais sa ibang tao. Minsan talaga ang sarap tirisin ng mga tao. Kapag talaga hindi ako nakapagtiis, gagawin ko talaga ‘yon.

Mas lalong naging usapan sa bayan ang mga Lizares dahil sa nalalapit na eleksiyon at ang pagtakbo ni Konsehal Einny bilang Bise-Mayor ng bayan, sa nalalapit na kasalan ni Boss Darry at MJ Osmena, na dinagdagan ng pagkakabuntis ko. Hindi ako nakawala sa mapang-matang tingin ng mga tao sa bayan namin lalong-lalo na ‘yong mga babaeng nagkakagusto yata kay Sonny. Meron nga’ng one time na sumama ako kay Nanay sa palengke ng bayan para mamili ng mga ingredients ng pagkaing gusto kong kainin ay nakit ko ang mga masasamang tingin at mahinang usapan nila. Mas lalong nadagdagan ‘yon nang bigla kaming sunduin ni Sonny at inihatid pa sa bahay.

Ewan ko. Ang sakit lang nila sa ulo. Mabuti pa, 'wag ko na lang isipin 'yon.

Araw ng kasal ngayon ni Boss Darry at MJ Osmeña. Sa Manila raw ang venue. Lahat ng Lizares at Osmeña sa bayan namin ay lumipad papunta roon maliban sa kaniya. Nasa harapan ko siya ngayon and God knows baka nagsisimula na ngayon ang seremonya ng kasal. Nasa labas kami ng bahay, nagpapahangin sa usual tambayan ko rito sa ilalim ng puno ng talisay. Abala siya sa cell phone niya, pero paminsan-minsan din naman siyang nag-aangat ng tingin sa akin.

Gustong-gusto kong itanong sa kaniya kung bakit hindi siya um-attend ng kasal. Kung bakit siya nagpa-iwan dito sa bayan. Kung bakit mas pinili niyang tumambay ngayon dito sa amin imbes na sumama sa pamilya niya at ma-witness ang kasal ng bunsong kapatid niya. Ang dami kong tanong pero mas natatakot ako sa katotohanang kapag nasagot ang mga tanong ko, paniguradong ako lang ‘yong masasaktan.

Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora