CF - 23

223 15 1
                                    

"Gumagawa ng sarap, hindi man lang masamahan sa hirap ang babaeng ginawan nila ng sarap."

THE SPANISH BREAD.

Kahit nanghihina, pinilit ko ang sarili kong maglakad hanggang sa makaabot ako sa tapat ng shopping center, sa Shell Gasoline Station.

Pagod na pagod na ako. Ubos na ubos na ang buong pagkatao ko. Lahat ng kahihiyan sa buong buhay ko, inubos ko na, sagad na sagad na. Wala na akong ibang makakapitan pa.

Humigpit ang hawak ko sa hawakan ng maleta nang biglang parang niyanig ang mundo ko. Feeling ko lumindol dahil parang umikot talaga ang paningin ko.

“Ayla!”

Bago ko pa man malaman kung kaninong boses ang tumawag sa pangalan ko, bigla nang umitim ang paligid ko.

Nagising ang diwa ko nang may marinig akong iba’t-ibang klaseng tunog. Parang may nagsasalita sa paligid ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Nasaan ba ako?

Bumangon ako para makita nang tuluyan ang paligid ko. Ang unang nakita ng mata ko ay isang kurtinang kulay green.

Ano ba ang nangyari?

“Ayla?”

“S-Shame?” Gulat na sagot ko sa kaniya. Siya ang tumawag sa pangalan ko matapos akong makabangon sa pagkakahiga. “N-Nasaaan ako, Shame? At saka, ano nga palang ginagawa mo rito?”

Nagtataka na ako sa paligid ko. Sa huling pagkakaalala ko, nasa gasolinahan ako kanina, naglalakad, bago dumilim ang paligid ko at hindi ko na alam kung anong nangyari sa akin pagkatapos.

“’Wag ka muna masiyadong gumalaw, tatawagin ko lang si Doc,” aniya at muli akong inalalayan para maayos akong maka-upo bago siya umalis ulit.

Nasa hospital ba ako? Anong ginagawa ko rito? Anong oras na ba?

Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan ko. Nakasuot ako nang sa tingin ko ay isang hospital gown, tapos may dextrose na nakakabit sa may kamay ko.

Ano bang nangyari sa akin? Pilit kong inaalala sa utak ko kung ano ba ang nangyari bakit nandito ako ngayon sa hospital pero wala talaga akong maalala, ang naaalala ko lang ay ang mga nangyari ilang oras bago nangyari ang paglalakad kong iyon. ‘Yung tinalikuran ako ng lahat.

Maya-maya lang din ay bumalik si Shame at may kasama na siya ngayon. Isang naka-puting coat at may kasamang isang nurse ang kasama ni Shame sa kaniyang pagbabalik.

“Anong nararamdaman mo ngayon, hija?” Agad na tanong no’ng babaeng naka-puting coat. Sinenyasan niya ‘yung nurse kaya hindi agad ako nakasagot sa kaniya. May inabot naman ang nurse sa kaniyang parang isang folder.

“Ah, ano po, parang normal naman po. Ano po bang nangyari sa akin, Doc? At saka po, ilang oras po akong tulog?” Lakas-loob na tanong ko. Sinulyapan ko pa si Shame bago nagpatuloy sa pagtatanong.

Lumapit ang nurse sa akin at may pinaggagawa siya.

“I-chi-check ko lang ang BP at temperature mo, Miss, ha?” Magalang na sabi niya bago ikinabit sa akin ‘yong instrumentong ginagamit nga sa pagchi-check ng blood pressure at minaniobra ito. “One-twenty over seventy ang BP, Doc, at thirty-six ang body temperature po,” sabi ng nurse matapos siya sa mga pagchi-check sa akin.

“Hmmm, good. Pakidala na lang ng result niya sa table ko tapos pakikuha na rin ng resetang para sa kaniya,” sabi no’ng Doctor sa nurse.

Nagkaroon ako ng pagkakataong lingunin si Shame. Nakatingin lang siya sa akin. Halata sa mukha niyang gusto niyang magsalita pero mas pinili niyang manahimik muna.

Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)Where stories live. Discover now