CF - 20

211 10 1
                                    

"Wala ka sa eksena, Ayla, at habang-buhay kang hindi masasali sa eksena."

THE CRAVINGS.

Nakakabingi nga ang malakas na tibok ng aking puso pero mas nakakabingi ang katahimikan naming dalawa sa loob ng kaniyang sasakyan.

Nakarating na kami sa tapat ng bahay pero hindi ko pa rin naitatanong sa kaniya ang mga tanong na kailangan ko ng kasagutan.

Kailangan mo nang lumabas, Ayla. Magpasalamat ka na at lumabas. Tapos ang usapan. Tumigil ka na. Ayoko nang ituloy ang balak kong makipag-usap sa kaniya. Nauubusan ako ng lakas para itanong ang mga kailangan kong itanong.

“E-Engineer-“

“Ayla…”

Nabasag nga ang katahimikan naming dalawa, nagsabay pa kami sa pagsasalita.

Awtomatiko akong napahawak sa seat belt na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sa akin.

“S-Salamat po-“

“Kumusta ka na?”

Sa pangalawang pagkakataon, naputol na naman ang pagpapaalam ko sana.

Invaded by his thunderous voice, I gather myself together to answer his question.

Anak ng baboy… mahigit isang buwan magmula no’ng mangyari ‘yon, at ang unang itatanong niya ay kung kumusta na ako?

“Ma-Mabuti naman po… mabuti po, Engineer.”

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa seat belt at sinusubukang pakalmahin ang puso kong kasing bilis ng pagtakbo ng libu-libong kabayo sa isang dalampasigan na payapa.

Gusto kong umiyak. Nagbabadya na ang mga luha ko. Gustong-gusto nang bumagsak. Lahat ng gabing nasa isipan ko siya’t magbabalik sa akin ang isang gabing aming pinagsamahan, ay parang naging bula na biglang sumulpot sa aking utak at nagsisilbing trigger sa aking mga mata.

Pumatak ang isang luha sa kanang parte ng aking mata na agad kong pinahiran para hindi niya makita ang kahinaan ko.

“I miss… working in the company. But now, I’m back for good. Ang dami lang kasing inasikaso sa branch sa Manila kaya natagalan ang pagbabalik ko,” dinaan niya pa sa mahinang pagtawa ang mahabang sinabi niya.

Ang nakahawak kong kamay sa seatbelt ay unti-unti kong ikinuyom.

Ganito ba siya? Kung makipag-usap siya sa akin ay parang walang nangyari? O talagang wala siyang pakialam sa nangyari at lalo na sa akin? Kasi ang totoo, hindi totoo ang sinabi niya. Hindi totoo na may gusto siya sa akin. Hindi totoo na napansin niya ako. Hindi totoo kasi ang talagang totoo ay si MJ Osmeña lang ang nakikita niya. Si MJ Osmeña lang ang gusto niya. Wala ka sa listahan, Ayla. Hinding-hindi ka niya mapapansin kahit kailan. Kahit ibigay mo pa ang sarili mo sa kaniya. Wala ka nang magagawa.

“S-Salamat ulit sa paghatid, Engineer, pero kailangan ko na pong pumasok sa loob. Inaantok na po kasi ako, Engineer,” magalang na sabi ko.

Ako na mismo ang nagtanggal ng seat belt at inayos ang sarili ko bago bumaba sa kaniyang kotse.

“Ayla, sandali…”

Pero ang pagbaba ko ay agad niyang napigilan. Bumalatay ang kuryenteng galing sa kaniya sa lahat ng ugat na meron ako sa aking braso. Mas lalo nitong pinabilis ang tibok ng aking puso.

“’Yong nangyari nang gabing ‘yon-“

“Kailan po, Engineer?” patay-malisyang tanong ko kahit na nagbabadya na naman ang luha sa aking mata.

Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)Where stories live. Discover now