CF - 30

227 14 1
                                    

"No one can replace this kind of creation ni God, anak."



THE VISIT.

Tatlong araw na lang at engagement party na pala nila.

Nag-aayos ako ng mga gamit na dadalhin pauwi sa bahay para sa ilang araw na pananatili sana sa bayan, kung saka-sakali, nang makita ko sa Facebook ang isang impormasyon na nagsasabi tungkol sa nalalapit na pag-iisang dibdib ng Lizares at Osmeña. Hindi man inilagay ang pangalan nila, alam kong si Sonny at MJ ang tinutukoy no’n.

Kung kailan ang kasal, ‘yon ang hindi ko pa alam. Hindi na kami masiyadong nakapag-usap kanina habang nagwo-walking. Tahimik kaming dalawa dahil siguro sa hindi magandang pag-uusap namin kagabi.

Hindi ko pinahalata sa dala kong bag na marami akong dala. Kung sakaling tanggapin ulit ako ng mga magulang ko, siguro, doon na ako titira. Hahayaan ko na siya. Tatanggap ako kung may tulong siyang ibibigay. Pero gaya ng sabi ko, pera lang.

Habang pababa ng hagdan, narinig ko ang mala-kulog niyang boses na dumagundong sa tahimik na bahay. Mas lalo kong binagalan ang paglalakad dahil sa unang pagkakataon, sa ilang linggo naming pagsasama rito, maririnig kong may kausap na siya sa cell phone. Minsan kasi nasa loob lang siya ng kuwarto niya.

“Mom, I told you, I can’t go. Cancelled lahat ng flights na kinuha ni Samuel. Besides, hindi na ako makakaabot d’yan in case makabili man ng ticket… Malay ko bang ngayon ‘yong alis niya. I thought kahapon pa siyang nandiyan… I don’t know. I told you, I was busy these past few weeks… Oo, mamaya, uuwi na ako sa bahay.”

Mukhang galing sa kusina ang boses kaya rinig na rinig ko ang bawat salitang sinabi niya, pati ang paghinto, narinig ko rin.

“I’ll be on her graduation day, Mom.”

Nanatili ako sa salas ng bahay. Naghihintay kung kailan siya lalabas ng kusina. Mukhang Mommy niya ang kausap niya.

Ang tanging hiling ko na lang ngayon ay sana at tanggapin na ako ng mga magulang ko.

“A-Ayla, kanina ka pa?”

Napatingin ako sa may bukana papuntang kusina nang marinig ang boses ni Sonny, pero this time ay tinawag na niya ang pangalan ko.

Masiyado na naman ba akong natulala dahil sa naiisip ko?

“Kabababa ko lang. Ready na ako.”

“Pansin ko, parang ang dami naman yata ng dala mo? Parang hindi ka na babalik dito, a?”

Pagak akong natawa sa sinabi niya. Hindi agad nakahanap ng salita no’ng una.

“H-Hindi naman, akala mo lang ‘yon.”

“Let’s go, then?”

Tumango ako sa kaniya at hindi na sumagot pa. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Maski sa pinto ng sasakyan niya, siya rin ang umalalay sa akin.

Anak ng baboy naman. Handa na sana ako, e, handang-handa na, pero dapat talaga ganito ang ipinipakita niyang aksiyon sa akin? Ganito talaga, Sonny?

“Gusto mo bumili muna tayo ng makakain bago tayo bumiyahe?”

“Hindi na, busog pa naman ako sa agahan natin kanina. Magsasabi naman ako sa’yo kung nagugutom na ako.”

“Okay then, fasten your seatbelt.”

Tinulungan niya akong mag-ayos ng seatbelt bago kami tuluyang nakaalis ng subdivision para bumiyahe na pauwi sa bayan namin. Sa tantiya ko, dalawang oras na biyahe lang ‘yon, pero depende kung gaano siya kabilis mag-drive at kung gaano karami ang sasakyan sa daan pero sumatotal talaga, dalawang oras lang ang aabutin kapag naka-private car ka.

Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora