CF - 3

365 15 3
                                    

THE PARTY.


“Sayaw tayo, Ayla!” biglang kinuha ni Fabio ang dalawang kamay ko at iwinagayway sa ere.

Ang kaninang sakit na naramdaman ko ay pansamantalang nawala dahil sa ginawa ni Fabio.

“Fabio, hindi ako sumasayaw,” medyo pasigaw na sabi ko sa kaniya dahil hindi na kami magkarinigan dahil sa ingay.

Malapit kami sa barikada, ‘yung barikadang naghihiwalay sa aming mga walang sinabi sa lipunan at normal na mamamayan sa mga taong mayaman.

Itinigil din agad ni Fabio ang ginagawa niya pero sinasabayan ko naman ng pag-sway sa ulo ang musikang naririnig ko. Ibang banda naman ngayon ang nagpapatugtog sa stage.

Nang mawala sa akin ang atensiyon ni Fabio, inilipat ko ang tingin ko sa loob ng barikada at tahimik na pinagmasdan ang mga kasing-edad ko na nandoon.

Hindi sila katulad nang nandito sa labas, na ‘yung tipong halos magwala na sa kakasayaw. Chill lang ang mga mayayaman, pa-sway sway lang habang may hawak na mga bote ng mamahaling beer, habang nakikipagbulongan sa kanilang katabi, habang nag-uusap nang kung anu-ano.

Marami sila, galing sa iba’t-ibang pamilya. Nandoon nga si MJ Osmeña na kayakap ang anak ni Konsehal Pastor na si Koby Pastor.

Napa-iling na lang ako sa nakita at itinuon sa ibang tao ang aking tingin. Maganda at mayaman nga siya pero sa ugali niyang kung magpalit ng lalaki ay parang nagpapalit lang ng damit, sa tingin niyo may lalaking seseryoso pa kaya sa kaniya?

Ang sunod kong tiningnan ay ang anak ng amo ni Nanay. Si Jessa Marañon. Isa pa ‘to, akala nila mabait ang babaeng iyan pero sobrang suwail niyan. One time nga, nang tinulongan ko si Nanay sa paglalaba, naabutan ko ‘yung eksena nila ng mga magulang niya na sinagot-sagot niya. Wala ring nagawa ang mga magulang niya kasi nga aminado naman silang spoiled ang anak at mahal nila kaya pinabayaan.

Itong kambal na kaibigan naman nila na si Lory at Lorene Palanca, hindi naman ganoon kayaman ito, pero dahil kinaibigan sila ni MJ Osmeña, naturingan na silang mayaman at tinanggap ng buo sa alta sociedad na kinalalagyan nila. Sampid kumbaga.

Isa pa ‘tong anak ni Congressman Yap, katulad ng ibang kalalakihan d’yan, mabisyo rin sa murang edad.

Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang kamag-anak ko na si Sia. Dahil syota siya ng isang Osmeña, nagkaroon siya ng pagkakataon na maka-pasok sa loob. Wala naman talagang bayad ang kasiyahang ito, libre ito, handog ng lokal na gobyerno ng bayan namin pero dahil nga gusto ng mga mayayaman ng isang pribadong lugar, ayan at nilagyan sila. Mga ayaw makihalubilo sa mga normal na taong katulad namin.

Ang pinagkaiba lang kay Sia, nandoon nga siya sa loob, halos hindi naman siya pansinin ng mga taong nandoon. Nasa isang gilid lang siya habang nakamasid sa lahat ng nandoon, habang ‘yung boyfriend niya ay abala na sa pakikipag-usap sa iba pang kakilala. Ang bukod tanging lumapit lang yata sa kaniya ay ‘yung si MJ Osmeña, paminsan-minsan siyang nilalapitan.

Kaonti na lang talaga at maniniwala na ako sa usapan tungkol kay Sia.

At ang iba pang mayamang pamilya sa bayan namin, madami sila at hindi ko na kayang isa-isahin pa. Pare-pareho lang naman ang ugali nila, nagwawaldas ng mga pera para sa kanilang mga bisyo.

Umiwas na lang ako ng tingin bago ko pa maibalik ang tingin sa kaniya. Hinanap ko si Zubby sa mga kasamahan ko.

“Zub, uuwi na ako, baka maubosan pa ako ng masasakyan e,” agad na paalam ko sa kaniya, medyo pasigaw kasi nga ma-ingay.

“Ha? E ang aga pa, Ayla, bukas ka na lang kasi umuwi. Sa bahay ka na lang matulog, welcome ka naman doon.”

“Ano Ayla? Uuwi ka na?” hindi pa ako nakakasagot sa sinabi ni Zubby, sumingit na sa usapan namin si Fabio.

Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)Where stories live. Discover now