CF - 35

223 11 0
                                    

"I will, Tito Boyet."

THE HEAD.


“Paano ako sasakay d’yan? E, ‘di ba bawal sa buntis ‘yong umaangkas sa motor?” Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa espasyong naiwan sa motor ni Fabio. Nakasakay na siya ngayon at hinihintay ang pagsampa ko.

Kung noon, okay lang na umangkas ako sa motor niya. Iba kasi ang situwasiyon ngayon, buntis ako.

“Mag-side view ka na lang, ‘yong pangbabaeng upo. Okay lang ‘yan ‘no. Alam mo naman ako, maingat akong mag-drive.”

“Kaskasero ka kaya.”

“Dati lang ‘yon, woy, iba na ngayon, nagbago na ako.”

“Sabi mo, e.”

Wala akong naging choice kundi ang sumampa sa motor ni Fabio na pa-side view ang upo. ‘Yong nasa iisang side lang ang dalawa kong paa. Binabae style kung tawagin nila. Kung maghihintay pa kami ng masasakyang traysikel dito sa amin, baka abutin ako ng hapon dahil madalang lang ang dumadaang traysikel dito sa amin papunta sa bayan. Mabuti sana kung Linggo o ‘di kaya’y may pasok, kasi ‘yon ang time na maraming traysikel na bumibiyahe sa amin.

Nag-drive si Fabio. Hanggang sa naging pamilyar ang daang pinupuntahan niya. Hindi ito papuntang bayan kundi papunta ito sa burol na madalas kong pag-tambayan noon.

Gusto kong magtanong pero ayoko namang abalahin si Fabio sa pagd-drive na ginagawa niya.

Ilang minuto lang din ay huminto na si Fabio. Pinatay na niya ang makina ng motor kaya hudyat ko ‘yon para bumaba na. Inalalayan naman agad ako ni Fabio nang siya naman ang bumaba.

“Kaya mo bang maglakad papunta sa itaas?” At itinuro niya pa ang bandang burol. Tama nga ang naging hinala ko. Sa burol na madalas kong puntahan ang punta namin ngayon.

“Oo naman, hindi naman ako lampa ‘no,” sabi ko pa.

Ngumiti siya sa akin at iginiya ang daang dadaanan namin. Tahimik kaming naglakad papunta sa tuktok ng maliit na burol na iyon. Kaonting lakaran lang naman at hindi naman nakakapagod. Okay lang din naman ang daan, hindi naman malubak, mabato, o mahirap. Diretso lang kasi ang daan pa-itaas.

“Dahan-dahan lang, ha?” Paalala naman niya sa ‘kin na nginitian ko lang.

Nakarating kami sa may burol at ang unang nakita ko ay si Zubby na malawak na nakangiti sa akin. May dala-dala siya pero hindi ko na pinansin ‘yon. Biglang sumaya ang buong buhay ko nang makita ko ang ngiti niyang ilang buwan ko ring hindi nakita.

Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

“Lapit ka, Ayla, may ibibigay ako sa ‘yo.”

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kaniya nang sabihin n’ya ‘yon. Nang isang dipa na ang layo namin sa isa’t-isa, ibinigay niya sa akin ang isang may kalakihang box na nakabalot pa. Para siyang regalo o regalo talaga siya? Ewan. Basta ang importante, masaya ako na ngumingiti na si Zubby sa akin ngayon. It’s a good start.

“Buksan mo, Ayla!” Sabi niya pa nang makuha ko na ang box.

Tinanggal ko lang ‘yong takip dahil ‘yon lang ang pinakamadaling paraan para mabuksan ‘yon. Nang mabuksan, parang may nakabalot pa sa kung anong parang hugis bilog na iyon. Kinailangan ko pang tanggalin ang plastic na balot na iyon para makita kung ano talaga itong ibinigay niya. 

Anak ng baboy! Putang ina! Ano ‘yan?

Sumigaw ako at agad nabitiwan ang hawak ko. Sunod-sunod na paghinga ang nagawa ko habang iniiwas ang tingin sa kung ano ‘yong nahawakan ko. Mas lalong narindi ang buong pagkatao ko nang makitang may bahid na ng dugo ang mismong dalawang kamay ko.

Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)Where stories live. Discover now