CF - 17

217 12 1
                                    

“Hindi mo kailangang saktan ang sarili mo kung confuse na confuse ka talaga.”

THE TOUR.

Nagising ang diwa ko dahil sa isang masigabong palakpakan na narinig ko. Napa-iktad ang buo kong katawan kaya wala sa sarili akong napa-palakpak na rin habang iginagala ang tingin sa paligid.

Ano na ang nangyayari?

Wala na ‘yung katabi ko pero may tao pa naman sa round table namin. Si Engr. Sonny lang talaga ‘yung wala.

Itatanong ko na sana sa isang katabi ko nang bigla kong nakita siya sa may harapan ng venue. ‘Yung puwesto kung saan namamalagi ang mga speaker ng seminar na ito.

Anong ginagawa niya roon?

May ka-usap siya na isa ring lalaki pero ang direksiyon ng kaniyang ulo ay naka-direkta sa puwesto ko. Hindi ko lang alam kung sa akin ba talaga siya nakatingin pero parang, wala naman kasi sa ka-usap niya nakatuon ang kaniyang tingin, mukhang sa direksiyon ko talaga.

O baka malabo lang talaga itong mata ko? Kaonting pagbababad sa computer na lang kasi, manlalabo na talaga ang mga mata ko.

Ilang oras ba akong tulog? Bakit pakiramdam ko, malapit ng matapos ang seminar na ito?

“Congratulations everyone and thank you all for coming and joining this five-days seminar-workshop. In behalf of Microsoft Corporation, we are humbly expressing our gratefulness through this token of appreciation. Enclosed with it is the certificates for those who attended and to their respective companies.”

Inayos ko ‘yung sarili ko nang marinig ulit na magsalita ang nasa harapan. Agad ding may gumalang ibang staff para ipamigay ang kung ano ang kanilang ipapamigay.

Nang maibigay na ‘yung certificate na may pangalan ko mismo at ‘yung token daw na ipapamigay nila na hindi basta-bastang token lang. Isang gadget na hindi ko alam kung ano ang tawag basta gadget talaga.

Aatupagin ko na sana ang ibinigay nila nang biglang tumabi ulit si Engr. Sonny sa akin.

“Have you slept well?” inilapag niya sa lamesa ang bitbit na certificate, ako naman ay inaayos na ang mga gamit na nagkalat sa harapan ko. Tapos na ang seminar at malapit na rin ang pananghalian. Half-day lang kasi ang seminar sa huling araw na ito.

“Sorry talaga, Engineer Sonny. Hindi ko na kasi napigilan ang antok ko,” patuloy na paghingi ko ng dispensa habang inaayos ang mga gamit.

“That’s fine. That’s understandable naman. Ano ba kasi ang ginawa mo kagabi?” natatawang tanong niya pa.

Sasagot na sana ako sa naging tanong niya nang biglang may lumapit sa aming isang lalaki. Nakatingin lang siya sa akin at hindi agad nakapagsalita.

“Ikaw si Ayla Encarquez ‘di ba? P-Puwede ba kitang maka-usap, Miss?” pasimple kong pinasadahan ng tingin ang lalaking lumapit sa amin. Naka-corporate attire rin siya. Halata ring isa sa mga participant sa seminar na ito. Marami kasing tao kaya hindi ko talaga kilala ang lahat pero bongga talaga na nagulat ako nang malaman niya ang pangalan ko.

“U-Um, pu-puwede naman po…” nahihiyang sabi ko kasi nakakagulat naman kasi talaga. Promise talaga, hindi ko talaga siya kilala pero mukha naman siyang matinong tao kaya why not coconut ‘di ba?

Napangiti siya sa naging sagot ko tapos ay nilingon niya ang kabilang direksiyon kaya wala sa sarili akong napatingin sa harapan ko na si Engr. Sonny pala! Muntik ko nang makalimutan dahil sa pag-approach ng lalaking ito sa akin. Naka-chin up, naka-ekis ang dalawang braso sa may bandang dibdib, halos umigting ang kaniyang panga, at seryosong nakatingin sa akin gamit ang kaniyang madidilim na mga mata na animo’y nimbus clouds sa sobrang kulimlim nito.

Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum