CF - 29

226 13 1
                                    

“Mas mabuti na sigurong malunod, at least nalaman ko kung ano.”




THE WALKING.

Napayuko ako sa sinabi niya. Napahiya ng kaonti.

Sinubo ko na lang ang kaning kanina ko pa dapat kinain.

“S-Sorry… I-I-shit. What I’m trying to say is you need me here and since I can do that… I’m now here.”

“Hindi ko naman po hiniling na nandito ka, Sonny. Hindi ko hinihingi ang atensiyon mo. Okay na namang mag-isa ako rito. Kaya ko naman ang sarili ko.”

Bigla ay nawalan ako ng ganang kumain dahil sa mensaheng gustong iparating niya sa akin. Natapakan kasi ang ego ko kaya hindi ko kakayanin.

Tumayo ako para umalis na sa harapan niya.

“I know you can but the doctor said you’re not.” Kusang natigil ang mga paa ko sa paglalakad nang sumagot siya. “So, please sit down now and eat something.”

Anak ng baboy. Oo na, baby, kakain na. Ang ganda naman talaga ng timing mo, e.

Pumihit ako pabalik at tahimik na nilantakan ang pagkain. Hindi na ulit nagsalita, natatakot sa susunod na lalabas sa kaniyang bibig. Sobrang delikado niya pa lang kausap, at kinakabahan ako.

Hanggang sa matapos kami sa pagkain, tahimik pa rin ang paligid. Gusto ko mang tulongan siya sa pagliligpit ng pinagkainan namin pero hindi ko talaga alam, kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya. Siguro dahil sa sinabi niya kanina? Parang pinapalabas niya kasi na attention-seeker ako. Never ko namang hiniling na pansinin niya ako. Ang gusto ko lang naman ay ang sustentuhan niya ako at pansamantalang mabigyan ng tirahan. Wala na akong pakialam kung sa iba man siya ipakasal.

Wala nga ba?

Naglakad ako palabas ng kusina at kinuha ang sling bag kong iniwan ko sa sofa at umakyat pabalik sa kuwarto ko sa itaas. Total siya naman ang nagsabi na pansamantala lang ako titigil sa trabaho kaya anong sense pa ang pagpunta roon? Matutulog na lang ako, nabitin ako sa tulog ko kanina, e.

Basta-basta ko na lang na inihagis ang sling bag ko sa isang sulok at agad humilata sa napakalambot na kamang nahigaan ko sa tanang buhay ko.

Hmmm… anong ingay ba ‘yan? Sino ba ‘yang nagsasalita? Istorbo naman.

“… lahat, Ayla.”

Tuluyan kong minuklat ang mata ko nang marinig ko nang klaro ang boses at sa huli ay narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Akala ko nananaginip ako pero mukhang hindi kasi gising na gising na ang mata ko.

Sino ba ‘yong nagsalita kanina?

Naka-side view akong humiga kanina kaya ang kaharap ko ay ang malaking bintana ng kuwarto. Nakatalikod ako sa direksyon ng pinto kaya para malaman kung sino ‘yong nagsalita, lumingon ako roon.

Anak ng baboy.

“S-Sonny…”

Halos bumalikwas ako ng bangon nang makita kung sino ang nasa loob ng kuwarto. Mabuti na lang talaga at naalala kong buntis pala ako kaya kalmado ang paraan ng pagbangon ko.

“Ayla…”

“Kanina ka pa r’yan?”

Mukhang nakatayo lang kasi siya sa gilid ng pinto.

“Did you hear everything?”

Huh?

“Oo, narinig ko ‘yong pangalan ko at saka ikaw ba ‘yong maingay? Nagising kasi ako dahil do’n.”

Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant