CF - 14

195 10 1
                                    

“Don’t mind them. Just mind your work. Wala kang makukuha sa kanila kung patuloy kang makikinig sa bawat salitang sinasabi nila.”


THE OFFICE.


‘Yung akala kong isang pagkakataon lang na maririnig ko ang ganoong mga salita mula sa ka-officemates ko ay biglang naging routine na sa loob ng dalawang linggo. Sa tuwing dadating ako, sa tuwing makikita nila akong lumalabas ng opisina namin, sa tuwing nagla-lunch ako sa canteen ng central, nakikita kong napapatingin sila sa akin at biglang magbubulong-bulongan.

Gusto ko mang palampasin, hindi naman maatim ng konsensiya ko ang mga naririnig kong salita na tungkol sa akin. Hindi ko gusto ang atensiyong nakukuha ko mula sa kanila.

May ibang tao naman na nakikipag-usap sa akin pero hindi ko tuloy mawari kung totoo ba iyon o nangangalap lang ng impormasiyon.

“Gusto mo, isumbong na natin sa HR dept. ito?”

Napabuntonghininga ako sa sinabi ni Shame at pagak siyang nginitian nang lingunin ko siya.

“’Wag na, mas lalala lang ang usapan kapag nagsumbong pa ako. Lilipas din ‘yan,” pampalubag-loob na sabi ko sa kaniya pati na rin sa sarili ko.

“Tama ka nga, Ayla, lilipas din ‘yan,” sangayon ni Sir Johnson sa akin, kasamahan namin sa I.T. department. Ang pinaka-matanda sa team. At ang Senior I.T. Specialist ng Lizares Sugar Corp.

“Ang strong ng personality mo. Sanay ka na sa ganito ‘no?” tanong naman ni Ezekiel. Magkakalapit lang ang edad namin ni Ezekiel at Shame kaya kaming tatlo lang ‘yung hindi nagtatawagan ng honorifics sa loob ng opisina.

“Hindi. Sa katunayan, first time kong ma-experience ‘to, ‘yung mapag-usapan. Noong nag-aaral pa kasi ako, hindi naman talaga ako pansinin na tao,” kuwento ko naman.

“Ipagpatuloy mo lang ‘yan, ‘wag kang makikinig sa kanila. Ganito talaga sa corporate world, Ayla, maraming chismisan, maraming siraan. Mga utak talangka, wika nga nila,” napangiti ako sa sinabi ni Sir Johnson. Ang dami niya talagang baon na mga experiences. Hindi naman siya siguro matatawag na Senior I.T. Specialist kung wala siyang experience ‘di ba?

“Ma-iba tayo, mamayang hapon na raw lilipat si Engineer Sonny sa bago niyang opisina.”

Nagpatuloy kami sa pagkain pero agad ding nabigyan ng atensiyon si Shame dahil sa sinabi niya.

“Ayos, tiba-tiba na naman merienda natin nito. Sa wakas at hindi na puro canteen ng central ang kinakain natin. Makakatikim na rin ng pagkain sa labas,” sabi naman ni Ezekiel.

“Bakit naman?” kuryusong tanong ko sa sinabi niya.

“Hindi mo kasi alam, Ayla, mahilig manlibre ‘yang si Engineer Sonny. Kahit sino, walang pili. Kaso sa ilang taon niyang pagta-trabaho rito, hindi pa kailanman niya na-libre ang department natin. Hindi naman kasi niya palaging nakikita kasi nga nandoon siya sa factory palagi kaya ‘yung mga tiga-factory ang tumataba nang dahil sa kaniya,” eksplenasiyon ni Ezekiel sa una niyang sinabi.

“Edi hindi rin tayo malilibre n’yan kasi nasa factory naman talaga ang trabaho niya ‘di ba?” tanong ko naman.

“Pero at least, nasa tabi lang natin ang opisina niya. Mas malapit pa rin sa grasya,” rason naman ni Ezekiel na inilingan ko na lang para magpatuloy sa pagkain.

It seems like everybody likes him. So far, wala pa akong naririnig na kuwento tungkol sa kasiraan niya. Walang negative na mga balita, puros positive, puros ang kuwentong mabait siya, nakikipag-usap sa ibang tao, at kung anu-ano pa. Siguro naman, ganoon talaga ang lahat ng Lizares? Si Konsehal Einny nga, malapit din sa taong-bayan. Siguro nasa dugo nila ang ganoong klaseng ugali. At siguro mali na naman ako sa naging judgment ko sa kaniya.

Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)Where stories live. Discover now