CF - 8

251 13 1
                                    

THE STORY.


"I knew you're here."

Hindi pa man nakaka-recover sa gulat na aking naramdaman nang makita ko siya, bigla niya akong tinabihan at inilapag ang isang basket ng bulaklak at isang mukhang espesyal na kandila.

Speaking of bulaklak! Oo nga pala!

"N-Naaalala mo pa siya," sabi ko habang kinukuha ang palumpon ng mga rosas na ibibigay ko nga pala kay Ate.

"Of course. I never forgot her. Though ngayon lang ako nakadalaw sa mismong death anniversary niya. I always visit kasi during her birthday. Never on her death anniversary. Ngayon lang."

Inilapag ko ang mga bulaklak katabi ng bulaklak na dinala niya.

"Wow, red roses. That's kind of unusual but okay..." puna niya sa mga bulaklak na ibinigay ko.

"B-Bigay ng mga kaklase ko. Ibibigay ko sa kaniya kaysa naman malanta lang sa bahay."

Nagsimula na namang kumabog ang dibdib ko. Mas dumoble yata kasi masiyado siyang malapit sa akin.

"Baka naman bigay 'yan ng manliligaw mo," may multo ng tawa ang kaniyang sinabi kaya panandalian ko siyang tiningnan.

"W-Wala akong manliligaw... parte kasi 'yan ng eighteen roses."

Anak ng baboy! Bakit ba ako nag-eexplain?

"Eighteen roses?" nagtatakang tanong niya. Kaya nilingon ko siya ulit.

Pero 'yung pagtataka niya ay unti-unting napalitan ng ekspresiyon sa mukha na parang may naalala. Tumingin siya sa may itaas ng puntod ni Ate at no'ng makita ang cake, ibinalik niya sa akin ang tingin.

"It's your birthday," hindi 'yon tanong kundi isang pangungusap. "Oo nga pala, yeah, yeah, I remembered. It is your birthday."

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at balak na sanang tumayo nang bigla ulit siyang magsalita.

"Do... Do you still blame yourself?"

Anak ng baboy.

Napatagal ang titig ko sa kaniya at no'ng desidido na akong sumagot, dahan-dahan akong tumayo.

"Habang buhay kong sisisihin ang sarili ko sa nangyari sa kaniya."

Tumayo na rin siya pero ako, abala ako sa pagkuha ng mga dadalhin ko. Nagpapasalamat na nabawasan ang papasanin ko pauwi.

"You know you shouldn't."

Napabuntonghininga ako 'tsaka ko siya dahan-dahang nilingon.

"Parang hindi ganiyan ang sinabi mo sa akin noon ah?" seryosong saad ko habang nilalabanan ang kaniyang tingin.

Napabuntonghininga na rin siya at umiwas ng tingin.

"What I said to you that time... dala lang ng sakit 'yon. Hindi ko sinasadya iyon. Hindi mo kasalanan. Walang may kasalanan kasi aksidente ang lahat ng nangyari."

Umiwas na rin ako ng tingin at pagod siyang tinawanan kahit wala namang nakakatawa.

"Kahit saang anggulo mo tingnan, Sir Vad, may kasalanan talaga ako."

Kahit masikip ang daan paalis sa kaniya, pinilit ko ang sarili kong makipagsiksikan sa mga puntod para lang makaalis.

"Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita."

Kusang napatigil ang paa ko sa paghakbang sa nitsong nasa harapan ko nang magsalita ulit siya.

"Hindi na kailangan, Sir Vad, kaya ko na ang sarili," pinagpatuloy ko ang paghakbang sa nitso pero sa tuwing magsasalita talaga siya, kusang natitigil ang mga paa ko e. Anak ng baboy!

Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang