CF - 25

248 10 1
                                    

"Sorry, anak, promise, hindi na mag-iisip nang ganoon si Mama."




THE HELP.

Mahirap daw ang buhay ng isang taong hindi kilala ng iba. ‘Yung tipong parang alikabok lang sa earth at walang silbi.

Mahirap daw kapag hindi ka pa kagandahan, walang papansin sa’yo kasi hindi ka naman talaga kapansin-pansin.

Mahirap ka na nga, mas lalo ka pang pinahirapan dahil sa mga pinagdaanan mo sa buhay.

Hindi ako maganda. Mahirap ako. Walang nakakapansin sa akin.

Alikabok ako sa earth kaya automatic daw na wala akong karapatan sa lahat ng bagay.

Pero no’ng makilala ko siya, no’ng aksidente akong nakapasok sa buhay niya, sa unang pagkakataon sa buhay ko… pinangarap ko na sana naging ka-level ko na lang sila, mas mapapadali siguro ang buhay at mas lalong hindi ko sisisihin ang sarili ko sa nangyayari ngayon sa leche kong buhay.

Huminga akong malalim at pinagsalikop ang aking dalawang kamay. Pinagpapawisan ako ng malamig, kinakabahan ako, hindi ko alam kung kakayanin ko.

“Ayla… Bakit mo ako pinapunta rito?”

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan ang kaniyang pagdating. Kung hindi dahil sa kaniyang mala-kulog na boses, baka hindi ako magigising sa aking mala-bangin na problema. Sinalubong ko ang mga mata niyang unang nagpahamak sa akin.

“M-May sasabihin sana ako, Engineer Lizares.”

“Ano ba ‘yung sasabihin mo at bakit dito pa tayo sa Gilligan’s? Mabuti na lang at na-cancel ang dinner ko with MJ, I have the time to meet you.”

Nagbaba ako ng tingin at ipinatong ang aking kamay sa ibabaw ng lamesa.

Simula pa lang, alam ko na naman na magiging second choice ako, o mas malala ay wala talaga ako sa pagpipilian.

“Ayla? Is this about the work? Nahihirapan ka ba?”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang ipatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng aking kamay. ‘Yung epekto niya sa akin, parang isang milyong boltahe ang dumating sa aking katawan. Pero siya, alam kong wala na sa kaniya ito.

Para na akong sasabog sa kaba sa harapan niya ngayon. Kung puwede nga lang na hindi ko na siya lapitan pero walang-wala na kasi talaga ako. Tapos siya, heto’t nasa harapan ko at kasing kalmado ng lawa.

Tinatagan ko ang sarili ko kasi kahit anong oras ay babagsak na ang aking mga luha.

“Engineer Lizares, buntis ako at kailangan ko ang tulong mo.”

Huminga akong malalim at halos bigwasan ang sarili ko dahil sa pumasok na imahinasyon sa utak ko. Hindi ko na alam kung tama pa ba itong naiisip ko ngayon. Epekto lang ba ito ng kaba o ng mga problema ko sa buhay o sa nangyari kanina?

Oo nga pala, ang nangyari kanina.

Itutuloy ko pa ba ito? Itutuloy ko pa ba ang pagsabi ko sa kaniya tungkol sa kalagayan ko ngayon? Kung anu-anong senaryo na ang pumapasok sa utak ko para lang mapakalma ang sarili. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon niya.

“Hey, Ayla!”

Anak ng baboy!

Sunod-sunod na paglunok ang nagawa ko nang biglang sumulpot sa harapan ko si Engr. Sonny. Nakangiti siya at hindi man lang nababakasan ng pagtataka ang pagmumukha niya.

“Bakit mo pala ako pinapunta rito?” Dagdag na tanong niya na mas lalong nagpakaba sa akin.

Gaya nang i-ni-magine ko kanina, ganito rin ang unang tinanong niya.

Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)Where stories live. Discover now