CF - 41

223 10 1
                                    

"Magpagaling ka muna, anak ha? Okay lang si Aye."

THE ACCIDENT.

"Ayla?!"

Nanginginig na ang buo kong katawan dahil sa kaba at sa ginaw. Mas lalo kong niyakap si Aye nang maramdaman ko ang kaniyang pag-iyak.

Patay na ba ako? Patay na ba kami?

"Aylana, Diyos ko po. Anong ginagawa mo riyan?"

Napapikit ako ng mata nang pag-angat ko ng tingin ay ang nakakasilaw na ilaw ang sumalubong sa akin. Inalalayan ako no'ng lalaking lumapit sa akin at agad akong iginaya papasok sa sasakyan na kanina'y akala ko'y papatay sa amin ng anak ko.

Sa sobrang panginginig ng buo kong katawa, hindi agad nag-sink in sa akin kung sino 'yong taong 'yon. Sa sobrang lutang ko sa nangyayari sa paligid ko, agad akong nagpatianod sa kaniya.

"Fab, may extra shirt ako rito. Ipagamit mo muna kay Ayla to wipe her face and her baby. Basang-basa sila, o."

"Thanks, Astro. Ayla, okay ka lang ba? What happened? Gamitin mo muna 'to." Inabot niya sa akin ang isang t-shirt.

Hindi ko agad natanggap kasi patuloy pa rin sa pag-iyak si Aye.

"Sshh, tahan na, Aye. Sorry," bulong ko. "S-Salamat," mahina akong nagsalita habang tinatanggap ang inabot ni Fabio sa akin.

Inuna kong pahiran si Aye. Mabuti na lang talaga at kumalma siya sa ginawa ko.

Sorry talaga, Aye.

"Saan ka ba pupunta? Bakit ka naglalakad sa gitna ng ulan? Bakit may dala kang maleta? Pinalayas ka ba ng mga Lizares? Gusto mo ihatid ka namin ni Astro sa bahay n'yo?"

"H-Hindi. Hindi na. Ayoko munang umuwi."

Sa dami ng tanong ni Fabio, ang huli lang ang sinagot ko.

Totoong ayoko munang umuwi. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko kina Tatay at Nanay kapag nalaman nilang nakipaghiwalay na ako kay Sonny. Palalamigin ko muna ang panahon at kung maaari ay bukas na kami umuwi.

"Saan mo ba gustong pumunta?" Tanong ni Fabio.

"Puwede n'yo ba akong ihatid sa malapit na hotel? Doon na muna kami pansamantalang mananatili ni Aye habang nagpapalamig."

Nakita ko ang panandaliang palitan nila ng tingin. Si Astro ang nagda-drive ng sasakyan at si Fabio naman ang nakaupo sa harapan. Nandito kami ni Aye sa back seat, basang-basa. Naka-full pa yata ang aircon sa loob sa sobrang lamig. Nahihiya naman akong magsabi na pakipatay ng aircon dahil giniginaw ako kasi hindi naman akin 'to.

"If you want, you can stay pansamantala sa bahay. Actually, pauwi na nga kami ni Fabio. Sinama ko kasi siya para for a game night sana."

Napatingin ako kay Astro dahil sa sinabi niya.

"S-Sigurado ka ba, Astro?" Paninigurado ko. Baka kasi nakakahiyang nandoon kami, 'no.

"Mag-isa na lang na nakatira si Astro sa bahay nila. Ewan ko kung naaalala mo pa, pero 'di ba, nag-migrate na 'yong family niya sa States, siya na lang natira rito sa Pinas?"

Pagak akong napangiti nang maalala ang minsang ikinuwento ni Fabio sa akin tungkol sa mga kaibigan niya. Muntik ko nang makalimutan, mabuti pinaalala niya.

Mahina na ang ulan nang makarating kami sa malaking bahay nina Astro. Tahimik nga ang bahay at mukhang siya lang talaga ang tao rito.

"You can use that room, Ayla, may bed pa naman d'yan and some toiletries and other stuffs. Si Fabio na bahala sa 'yo, I'll prepare some dinner lang muna."

Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz