CF - 43

224 12 0
                                    

“Anak ng baboy naman, Ayla, ang usapan natin ‘wag tayong iiyak, a?”


THE HELLO.

“Ayla…”

“S-Sia, si Nanay…”

“Tahan na, Ayla, please.”

Yumakap ako nang mahigpit kay Sia at dinama ang sakit ng mga sinabi ni Tatay. Wala na si Nanay, patay na raw si Nanay, at ayokong tanggapin ng utak ko ‘yon kasi masiyadong masakit. Nakakabobo. Nakakawala ng silbi.

“H-Hey… I’ve heard what happened. I’m so sorry for your lost, Ayla.”

Sa kalagitnaan ng aking paghuhuramentado, biglang dumating si Callie para tulungan sina Sia na pakalmahin ako. Maski si Chandy ay nakita ko kanina na umiiyak habang nakatingin sa akin. Halos maglupasay na ako sa sakit na nararamdaman ko mula sa balitang sinabi sa akin ni Tatay. Hindi ko na mabigyan ng pansin ang mga nararamdaman ng mga taong nakapaligid sa akin ngayon.

Ang sakit lang kasi. Ang pinakamasakit pa no’n ay ang fact na wala ako sa tabi niya, nilang dalawa. Nakakapanghina. Oo, alam kong hindi ako masiyadong malapit sa mga magulang ko pero kahit papaano ay mahal ko naman sila, lalo na si Nanay. Kahit hindi niya ipinapakita sa akin, alam kong naiintindihan niya ako at handa niya akong gabayan sa lahat ng dagok na pinagdaanan ko sa buhay. At tila’y parang lahat ng memories na kasama ko si Nanay -- masasaya man o malungkot -- ay nanumbalik sa akin.

Ilang oras bago ako kumalma. Nalulungkot pa rin ako, nasasaktan pa rin ako, pero wala ng luhang lumalabas sa mata ko. Nakatulala lang ako sa isang tabi habang inaalala ang mga alaalang kasama ko pa si Nanay.

Tahimik ang buong bahay. Nandito lahat sila pero mukhang nakikiramdam lang sa akin at ni-isang salita at ingay ay hindi lumabas mula sa kanilang mga bibig.

To break the long and hurtful silence, I heavily sighed.

“What’s your plan?” Tanong ni Sia.

Lumingon ako sa kaniya at nagpapasalamat na rin na binasag niya ang katahimikan at lakas-loob nang nagtanong.

Pagak akong ngumiti at napapagod akong tumingin sa kaniya. Inaantok na rin ako. Gusto ko na lang magpahinga muna. Masakit na ang mga mata ko pati ang puso ko.

“Kailangan ako ni Tatay ngayon. Ako na lang ang maaasahan niya kaya siguro kailangan kong umuwi na.” Malungkot akong ngumiti sa kaniya sa hindi ko malaman kung pang-ilang pagkakataon na.

“What about your work, Ay? Your contract?”

Napatingin ako kay Chard nang siya ang sumagot ng tanong sa sinabi ko sa pinsan ko.

“Seriously, Chard?”

Pinigilan ko si Callie sa iri-reak niya sa sinabi ni Chard. Nahihimigan ko na kasi ang hindi pagsang-ayon mula sa kaniya.

“Kailangan kong umuwi, e. Mapapakiusapan naman siguro ang kompanya kung mag-f-file ako ng kahit ilang weeks lang na leave.”

Chard sighed at saka siya tumango sa sinabi ko.

“Okay. Sasama kami. I think it’s time to use that one month leave I’m planning to file for next month.”

Masiyadong magulo ang utak ko para intindihin pa ang mga pinagsasabi ni Chard kaya tumango na lang ako.

Kailangan kong umuwi. Kailangan ako ni Tatay ngayon. Kahit hindi niya sinabi sa akin kanina habang kausap ko siya na kailangan niya ako at kailangan kong umuwi, nararamdaman ko sa boses niya na kailangan niya ng karamay and his siblings and Nanay’s relatives aren’t enough to comfort him and ease the pain. Kahit na next year pa dapat ang uwi ko, napaaga ito ngayon. Ngayon ako pinaka-kailangan ni Tatay.

Clouded Feelings (Yutang Bulahan Series #2)Where stories live. Discover now