chapter 7

13 7 0
                                    

Saktong pag silip ko sa room nila ang labasan ng mga classmates nya.Nagtagpo ang mga mata namin at patakbo nya akong pinuntahan at bibigyan nya ako ng mahigpit na yakap

" Mmmm bes....di .....nako....makahinga" at dali- dali nya akong pinakawalan at nagtawanan kami...as usual yung tawa nya ang pinakamalakas at nangigibabaw.

"Grabe.... Na miss kita Bess" sabi nya

" Parang ilang taon tayong hindi nagkita hah...Sobrang higpit kung makayakap"sagot ko at sabay kaming pumunta sa canteen at bibili ng pagkain namin.Pagdating namin doon ...sobrang dami ng tao...first day of school kasi.Ganito din ang eksena nung first day nung grade 7,8,9 ako.Nasa gitna kami ng pila at tumingin ako sa may bandang likuran at ang dami pang nakapila.

Ang alam ko apat  ang canteen dito.Dito kami pumunta kasi malapit lang sa building namin.Makalipas ang ilang minuto nakabili nadin kami ng pagkain at naghanap kami ng puwede naming pay s- stayan.Napili naming umupo dun banda sa may kilid....may tatlong duyan doon ,may lamesa sa gitna,mga upuan at maaliwalas ang hangin.

Nag bell na at sabay kaming bumalik sa room namin.Mapeh period nga pala namin ngayon at si Sir Alvin ang subject teacher.Tinungo ko ang aking upuan at nakinig na sa discussion in Sir.About music ang itinacle ni Sir at inanounce nya na magkakaroon ng 100 items quiz bukas.Nang makalabas na ng room si sir maraming umangal at nag ingayan ang mga klasmeyt ko.

"Ang aga namang magpa quiz in sir.......At 100 items pa"pag- aangal ng nasa harapan ko.Sinang ayunan naman yun ng nakararami.Tiningnan ko si Roxanne at nagc-cp lang.Ang cool lang nyang tingnan ....balewala lang sa kanya ang sinabi ni Sir.

Habang nag- iingay ang mga klasmeyt ko,may gwapong lalaki ang biglang tumayo.Agaw pansin ang tindig nya gurl.

" Ang iinngay nyo....magsitahimik nga kayo....quiz lang?!"sita nya dahilan para tumahimik sila.Wala sa sinabi nya ako nakatuon kundi sa gwapo nyang mukha.

"Ano ba naman yan...lalandi- landi first day???"singit ng utak ko sa gitna ng pagpapantasya ko sa lalaki.Hindi ko memorize ang pangalan ng lalaki dahil napakarami namin dito.30 ang girls at 24 ang mga boys.Out of curiosity.... nagtanong ako sa katabi kong si Roxanne at doon ko nalaman ang pangalan nya.

Last period nalang at mag lu- lunch na.Its Filipino period at si Ma'am Fanci ang subject teacher.....bata pa si ma'am tingnan kahit nasa 40s na sya.Hindi daw muna sya mags- start ng klase...bukas na daw at naghiyawan ang mga klasmeyt ko sa tuwa.Sobrang amo ng mukha ni ma'am .Nagkuwento sya about sa kanyang sarili at marami ang naka relate lalo na nung tungkol sa love life ang pinagusapan.Naghiyawan ang mga kaklase ko.May iba pa ngang napapatayo sa kilig at may iba ding nagpapadyak.

Bago ako makalabas nakita ko ang lalaki na lumabas kasama yung mga barkada ata nya at ang isa sa kanila ay nakatingin sa akin....doon ko narealize na sya pala yung lalaki na nakita ko sa restaurant nung nagtatrabaho pa ako.Hindi ko nalang pinansin bagkus pinuntahan ko nalang si Alivei na nagtatalon talon na parang ewan.

"Na ano ka?" Bungad ko at lalong bumilis ang pagtalon nya.

"Grabe.... Di kamanlang nagsabi na ang daming gwapo sa room nyo di pareha nung sa amin...puro mga unggoy ang mga lalaki doon" sabay ngiwi nya at bumalik nanaman sya sa pagtili.

"Nakita mo ba yung mga boys na lumabas kanina.....grabe talaga makalaglag panty." Bulong nya" At yung isa parang pamilyar"Hinayaan ko nalang sya at pumunta kami sa puwesto namin kanina.Napatigil kami ng nakita namin na may nakauna na at yun ang mga klasmeyt ko na mga lalaki.Isa na doon yung gwapong sumigaw kanina.Naramdaman kung natulala ang katabi ko.Haissst.Napatingin samin ang mga boys at tiningnan ako nang masama nung isa sa kanila.

"Kayong dalawa ...anong ginagawa nyo sa teritoryo namin?" Masungit na tanong nung lalaki.Hindi ko na sya sinagot.Hinigit ko na si Bess na tulala parin hanggang ngayon.Nag decide ako na pupunta nalang kami sa karinderya at doon nalang kami kakain.Pagkadating namin doon...sobrang siksikan mabuti nalang at may bakante pang mesa sa dulo.Bumili kami ng pagkain at nagbayad.Mabilis kaming natapos mag lunch.Sandali lang kami nagkasama dahil bumalik din sya agad sa room nila.

Habang nakaupo natuon ang pansin ko sa grupo ng lalaking pumasok.

His Sweet EmbraceWhere stories live. Discover now