Chapter 62

7 2 2
                                    

Nagsusulat ako ngayon sa blackboard.Maaliwalas ang panahon ngayon at mas lalo akong ginanahan sa pagtuturo.May mga naglalakad na ilang guro at may iba namang mukhang parents.Bumalik muna ako sa aking desk at nagmuni-muni.Kumusta na kaya si Wilson?Kumusta na kaya ang love life nila ni Chris? Napangiti tuloy ako ng wala sa oras.Tiningnan ko ang ibang folders at binuksan ito.Ngiting ngiti ako habang bumabasa.

Napasandal nalang ako sa upuan na may ngiti parin sa mga labi.Dahan-dahan kong pinikit ang mga mata ko hindi para matulog kundi para mas maalala ko ang nagyari noong nakaraang araw.Isang malakas na tikhim ang narinig ko.Minulat ko ang mga mata ko.

"Gooood moooorning,Sir Am-jay!" mas lalong lumawak ang mga ngiti ko ma kinasimangot nya.Kilala na sya ng mga students ko kase palagi syang pumupunta dito at napapakilala ko sa kanila.

"Good morning" naglaho ang busangot na mukha ni Am-jay nang bumaling sya sa mga bata.Nakasimangot syang nagmartsa papunta sa akin.Masyado akong nawala sa ulirat na hindi ko namalayan na may dala pala syang bulaklak.

"Good morning,Am-jay" tipid lang nya akong nginitian.Napasinghap ako nang bigla nya akong hinalikan sa labi.Mabuti nalang at walang batang nakakita.Nakangiti na sya ngayon at ako na naman ang nakasimangot.Pero deep inside kinilig ako sa halik nya.

"May mga bata!Ano ka ba!" Instead na tunog na nagagalit ay naging malambing yun.Umabot hanggang mata ang mga ngiti nya.Lantad na naman ang perpekto at mapuputi nitong ngipin.Na-concious tuloy ako,hindi pa naman ako nakatooth brush kanina.

"Eh ano naman?Para makita nila kung gaano kita kamahal" mabuti nalang at walang batang lumilingon sa amin dito.Hindi ko namalayang ngumingiti na pala ako.

"Nasaan na pala ang karibal ko?" Pagtutukoy nya kay Drek.Mahina ko syang tinampal sa balikat.Noong isang araw kase ay biglang umamin si Drek na gusto nya ako at papakasalan nya ako.Nag-away pa nga ang dalawa sa klase.Tumaas ang kilay ko.

"Bakit?" Nasa tabi ko pala si Drek at nakapamulsa ito.Naramdaman ko ang palad ni Am-jay sa aking kamay at pinagsiklip ito.

"Nag-hoholding hands kami oh" dinilaan nya ang bata.Umiling si Drek at ngumisi ng nakakaloko.

"Papakasalan ko sya kapag lumaki na ako"

"Kung lalaki ka pa"

"Huwag na ngang patulan ang bata...." Sabi ko kay Am-jay na hindi maipinta ang mukha.

"Drek,go back to your seat" tinuro nya ang kanyang namumulang pisngi habang naka-pout.Hinalikan ko sya sa kanyang pisngi at bumalik ito sa kanyang upuan.

"Tss"

"Malapit na mag-lunch,Am-jay"

"I know" umupo sya sa upuan na katapat ng desk ko.

"I love you,Am-jay"

"I love you more, Fin"









"Anong plano mo ngayong summer vacation, Fin?" Dinala ako ni Am-jay sa isang restaurant na malapit sa school at doon kumain.Para madali lang akong makabalik sa eskwelahan.About sa tanong ni Am-jay, may mga plano na ako.Gusto kong magbakasyon sa beach kasama si Mama,Am-jay,mga kasambahay namin,at ang baliw kong bes.Isa sa mga gusto kong matutunanan ay ang surfing.Marami akong napapanood online at nakaka-amaze kung papaano sila lumipad habang nagso-surf.

"Beach" Sandali syang nag-isip.

"Akong bahala,Fin" maangas na sabi nya sa akin.

"Mmmm Fin?"

"Yes?" May lovers na nag-aaway kaya nadidistract ako.Malapit lang ang table nila sa amin kaya malinaw sa amin kung ano ang sinasabi....sinisigaw nila.


"Ang sabi mo bibisitahin mo lang ang mga magulang mo sa America!pinayagan kita!Isang linggo kang nawala at naging loyal ako sayo kahit maraming gwapong lalaki na umaaligid sa akin.Binalewala ko sila dahil m-mahal kita!" Pinagsusuntok nya sa dibdib ang lalaki.Hindi ito nanlalaban,hinahayaan nya lang na suntukin sya ng babae na umiiyak na ngayon.Agaw atensyon talaga sila.

"Bumalik ka lang dito at pinakilala sakin ang bwisit mong fiance!Napakagago mo!Walang hiya ka!Pinagkatiwalaan kita!" Hinawakan ng lalaki ang wrist ng babae.May binulong ang lalaki sa kanya.Mapaklang tumawa ang babae at sinampal ang lalaki.Napasinghap ang lahat nang dahil sa ikalawa nyang pagsampal.

"15 minutes before your class.Alis na tayo,Fin"

"Nahihiya ka pa?!Ngayon ka pa talaga mahihiya?!Matapos ng ginawa mo sa akin?Sinaktan mo ako!"

"Let's go,Am-jay.Busog na ako.Salamat sa libre"

"Ngiti mo lang solve na ako" matamis ko syang nginitian at tumayo na.May mga kumukuha ng videos.

"Magsama kayo ng bruha mong Fiance!" Tuluyan na ngang kaming nakalabas ng restaurant.

Pinagbuksan nya ako at tuluyan na akong umupo sa front seat.Inayos ko ang aking seat belt at pinag-usapan ang nangyari sa restaurant kanina.

"Kawawa naman si Girl,Am-jay" nilagay nya ang kanyang kamay sa hita ko.If I am on her shoes, baka hindi ko na kayanin.Ang sakit atang isipin na ang boyfriend mo ay may fiance na.

"May dahilan ang lahat" opinyon ni Am-jay.

"Anong klaseng dahilan naman kaya?" Kita ko ang pag-alon ng adams apple nya.Mas lalo syang gumuwapo.

"Fin,I want to tell you something" muli syang napalunok at hindi sya makatingin sa akin.

"Ano yun?"

"Pupunta sana ako ng America next week.May malaking kompanya na gustong mag-invest sa kompanya ko.Three weeks akong mawawala.Pero nasa sa iyo pa rin kung papayagan mo ako or hindi.Mas importante ang opinyon mo para sakin"

"Ang sabi mo bibisitahin mo lang ang mga magulang mo sa America!pinayagan kita!Isang linggo kang nawala at naging loyal ako sayo kahit maraming gwapong lalaki na umaaligid sa akin.Binalewala ko sila dahil m-mahal kita!"namemorize ko ang litanya ng babae kanina.Kailangan kong magtiwala kay Am-jay. Magtitiwala ako sa pag-iibigan namin.

"Ok lang talaga sa akin kung ayaw mo,Fin" he said sincerely.

"Payag ako na pumunta sa America,pero magpromise ka sa kin na papasalubungan mo ako" he pinched my cheeks.

"Talaga?!" Hindi naman siguro kami matutulad sa dalawang lovers na yun.Inaamin ko na natatakot ako pero mas matimbang ang pagmamahal at pagtitiwala ko sa kanya.Buo naman ang tiwala ko sa kanya na ako lang ang mahal nya.Alam ko kase nakikita ko sa mga mata nya kung gaano nya ako kamahal.Alam ko kase nakikita ko sa mga mata nya na ako ang mundo nya.

"Thank you for understanding me,Fin.Natakot akong magsabi sayo dahil sa narinig natin kanina sa restaurant. Natatakot ako nang baka isipin mong matutulad tayo sa kanila.But believe me,Fin I love you so much.I can't imagine my self in the future na hindi ikaw ang kasama ko.Mahal na mahal kita,Fin" mahal na mahal din kita,Am-jay

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Aug 19, 2020 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

His Sweet EmbraceDove le storie prendono vita. Scoprilo ora