Chapter 40

0 0 0
                                    

Roxanne P.O.V.


"Friend kayo ng Wilson na yun,Rox?"

"Medyo"

"I-set up kaya natin?"

"Bakit hindi?"

Lahat ng pinaggagawa ko kay Finnesse noon ay pinagasisihan ko.Dahil sa pagiging saltik ko,napagtripan ko ang isang napakabait na tao.Inutusan ko si Drake na paibigin nya si Fin pero iba ang nangyari...nagkagusto si Drake sa kanya.Nagalit ako kaya binuking ko si Drake.Nakipagsabwatan ako kay Jane,yung may gusto kay Am-jay.




Bago umalis si Am-jay ay ipinagbilin nya sakin si Finnesse.Natawa nga ako.Bat ako ang pinagbibilinan nya?Bat di si Drake?Bat di si Alivei?Kala ko habang buhay nya na akong kamumuhian dahil pinahirapan ko ang taong mahal nya.Sabi nya nagtitiwala sya sakin at naniniwala syang mabait ako.In that time,I realized na mali nga ang ginawa ko kay Fin.Kung mababalik ko lang ang panahon.



Ako ang nagbayad ng hospital bills nung naospital ang mama nya.Di ko alam pero ginawa ko nga ang sinabi ni Am-jay sakin,ang bantayan si Finnesse.

Nakita ko noon na inaaway na naman ni Jane si Fin,Si fin?di lumalaban!Kaya pinagtanggol ko sya.Pagkatapos ng eksenang iyon ay kumalat ito sa buong campus.Syempre,nalaman yun ni Drake....kaya nag-usap kami.Layuan ko daw dapat si Finnesse! Sabi ko sa sarili,hindi pwede!Dapat akong bumawi sa lahat ng masasama kong ginawa.Napatunayan ko naman kay Drake na mabuti ang intensyon ko sa babaeng mahal nya.



Tinanggap ko ang katotohanang hindi ako ang mahal ni Drake.Di ako nagalit kay Fin kundi nagalit ako sa sarili ko!Sa mga pinaggagawa ko!

Kami ni Drake pero nasa iba ang puso nya.Kami ang palaging magkasama pero iba ang laging nasa isipan nya.Desisyon ko to!Ang maging tanga!Kaya paninindigan ko to!

Palaging pumupunta si Drake sa bahay nila para kumustahin si Finnesse.Di ko lang alam kung nakakahalata na ba si Finnesse. I know Finnesse.I know her very well.Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isipan nya at alam ko rin kung sino ang tinitibok ng puso nya.


Kahit maubos ang laway nya kakasabing nakamove-on na sya,di parin ako naniniwala.Palagi kaming nagco-contact ni Am-jay at si Finnesse ang palaging laman ng topic namin.I know na iniisip ni Fin na may gf na si Am-jay. Pero ang totoo,wala.Sya lang ang minahal at patuloy na mamahalin nito.Ang swerte ng kaibigan ko!Ang daming nagmamahal sa kanya.



May isa akong kaibigan na may gusto sa kanya.Si Wilson,isang sikat na abogado.Ngayon,balak namin silang iset-up.Siguradong magseselos si Am-jay!...... at si D-drake.


Maagang umalis si Fin dahil may aasikasuhin pa daw sya.My phone rings.

"Excuse me,Alivei" nagpaalam akong lalabas para sagutin ang tawag ni Drake

"Hey,Babe"

"Bat ka napatawag babe?"

"Nandito ako ngayon sa bahay nina Finnesse,wala sya dito eh....magkasama ba kayo?" Heto na naman!palaging kaibigan ko ang topic pag tumatawag sya.Tiis,Rox....pinili mo to!

"Kasama namin sya kanina,babe.Umuwi...may aasikasuhin daw,papauwi na yun"

"Thanks,babe"

"Welcome"




"Kumain ka na,babe?"

"Yes, babe"

"Sinong kasama mo ngayon?"he asked

"A friend,babe"

"Girl?"

"Of course"he sighed



" Good.Sabay tayong magdinner mamaya"siguro pag-uusapan na naman namin si Finnesse.

"Sige,babe" he cut the line.


Alivei P.O.V.


"Friend kayo ng Wilson na yun,Rox?"

"Medyo"

"I-set up kaya natin?"

"Bakit hindi?"

Nandito na si Am-jay! Mabubuhay na ang katawang lupa ni Bes!Palagi nyang sinasabi namin ni Rox na nakamove-on na sya,pero di ako naniniwala.Di sya makakalusot sakin!Alam kong nalungkot sya nang pinakita ko sa kanya ang isang picture na may kaakbay na babae si Am-jay. Mas maganda pa rin si Bes dun!Di nya gf yun at lalong di nya asawa!Nag-kuwento si Roxanne sakin kaya may kunting alam ako.

"Excuse me,Alivei" tumayo sya at medyo lumayo sa kin.Di ko inaakalang magiging kaibigan namin si Roxanne.Dati,nagda-doubt ako sa mga pinapakita nya.Akala ko puro pagpapanggap lang ang pinapakita nya kay Fin,pero nagbago ang lahat ng pagdududa ko sa kanya nang sinabihan nya ako tungkol kay Am-jay.Na ipinagbilin nya si Fin dito.

Medyo nagtatampo ako kay Am-jay. Bakit nya iniwan ng ganun si Bes,bakit di sya nagpaalam?Para namang wala kaming pinagsamahan nito.


Nagkukuwento din sya tungkol sa kanila ni Drake.Sabi nya,naging sila pero hindi sya mahal nito.

His Sweet EmbraceOnde histórias criam vida. Descubra agora