Chapter 41

0 0 0
                                    

Finnesse P.O.V.

Nakaharap ako ngayon sa aking laptop habang umiinom ng mainit na kape.Nagco-compute kase ako ng grades.Madaling araw na ngayon kaya sobrang lamig.Suot ko ang isang makapal na jacket panlaban sa lamig.Nakasanayan ko na rin ang paggising tuwing madaling-araw lalo na kapag marami pa ang kailangang gawin.Tumuwid ako ng upo at humigop sa kapeng nakalagay sa gilid ng laptop ko.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad patungo sa kusina.Ako na ang magluluto ng agahan namin ni Mama.Binuksan ko ang ref at plano kong lutuin ang hotdog na binili ko last day pero mukhang naubos na kaya iba nalang ang lulutuin ko.

Hindi pa kaya ng katawan ko ang maligo ng ganito ka ginaw kaya mamayang alas 6 ako maliligo.Pupunta pa pala ako sa party nina Drake mamaya.Tulog pa ang ang isa naming kasambahay.Wala akong plano na gisingin sya.

"Ako na ang magluluto" napatalon ako nag biglang tumambad sa harapan ko si Mama.She's wearing a blue pajama.May suot din syang jacket.

"Masyado ka talagang magugulatin" sabi nya habang kumukuha ng isang baso at nagtimpla sya ng kape.

"Bat di mo gisingin si Mary?" pagtutukoy nya sa kasambahay  namin.

"Wag na,Ma"


"Bakit maaga ho kayong gumising ngayon?" Madalas sumasakit ang ulo ni Mama kaya nagpa-check up kami.Sabi ng doktor,kailangan nya ng mahabang pahinga at mahabang tulog.

"Diba sinabihan tayo ng doktor na dapat mataas ang tulog mo,Ma?"

"Ano ka ba.Nagising ako dahil may napanaginipan akong masama...Teka...ako na ang magluluto nyan"lumapit sya sakin at pinagmasdan ang mga iluluto ko.

" Ako na,Ma.Umupo muna kayo"mabuti nalang at sumunod sya sa sinabi ko.









"Maliligo muna ako,Ma.Sabay nalang tayong kumain pag tapos na ako" pumasok na ako sa loob ng cr at nagsimulang maligo.Natapos din ako pagkatapos ng ilang minuto.Tinuyo ko ang aking buhok sa pamamagitan ng tuwalya.

Paglabas ko ay nakahanda na ang lamesa at gising na rin si Mary.

"Kain na tayo,Nak.Dali Mary,sabay ka na samin"

"Oo nga,Mary.Sabayan mo na kami" lumapit sya at umupo sa isang bakanteng upuan.Plano ko sanang kumuha pa ng isang kasambahay para mas mainam.Para na rin tuluyan ng makapahinga si Mama sa gawaing bahay.

"Mary,may favor sana ako sayo" natigil sya sa pagsubo at tumingin sa akin.

"Ano po yun,Ma'am?"

"Gusto ko sanang samahan mo si Mama sa bawat lakad nya.Maghahanap nalang din ako ng dagdag na kasambahay"

"Sige po,Ma'am.Walang problema sa akin,Ma'am"

"Bakit naman anak?Kaya ko naman ang sarili ko?Mukha na ba akong matanda?" Tumawa si Mama sa sarili nyang tanong.Tumawa din si Mary.

"Para may kaalalay ka,Ma"

"Haiiist.Ikaw bahala"


"Pupunta nga pala ako kina Drake mamayang gabi,Ma.May party silang napagsunduan" nakapagpaalam na ako kay mama kagabi,inulit ko lang kase baka nakalimutan nya.

"Ikaw talaga,Nak.Nasabi mo na yan kagabi"

"Hehehe baka nakalimutan mo kase,Ma"

"Ginawa mo na talaga akong matanda"napangiti ako.Mag iisang buwan na pala ngayon si Mary.Ngayon ko na dapat ibigay ang sweldo nya.

" Mamaya ko nalang ibibigay ang sweldo mo,Mary.Nakalimutan kong magbubuwan ka na pala sa trabaho mo"

His Sweet EmbraceWhere stories live. Discover now