Chapter 14

7 3 0
                                    

Hindi ko matiis na ganyan ang turing in Am-jay sa akin.Balak kung puntahan sya sa upuan nya kapag nakalabas na ang teacher namin.Wala akong naintindihan sa topic namin ngayon kasi maraming bumabagabag sa akin.Laking pasasalamat ko nang natapos na ang period at gaya ng plano,lalapitan ko si Am-jay para makapag-usap kami.

Palapit palang nang ininguso ako ng isa sa mga kakwuntahan nya kaya napalingun sya sa akin.Tumabi ako sa kanya at kusang lumayo ang mga kaibigan nya.Thanks Lord.

"Mmmm...Am-jay...." ano ba yan ang hirap magsalita!Tumaas ang isa nyang kilay.Bakit ba ang gwapo nito?!Huminga ako ng malalim at tinatagan ko ang aking loob.Go Fin!kaya mo yan!

"BAKITHINDIMONAAKOPINAPANSIN?!" kumunot ang noo nya.

"Ang lakas ng pagkakasabi mo pero ni isang salita wala akong naintindihan"I tried to calm my self pero deep inside I'm shaking.

" Bakit hindi mo na ako pinapansin?"at nasabi ko na rin.Natahimik sya.May hula na ako kung bakit pero gusto ko lang na ma-confirm sa kanya.I decided na hindi na ako papayag na sumama kay drake para hindi na magtampo si Am-jay.Marami na din kaming bonds ni Am-jay kaysa kay Drake.Kaya mas importante sya sa akin.Kahit sa kaunting araw na nakakasama ko sya at napalapit na sya sa akin.

"Hindi na ako sasama kay Drake" sabi ko at umaliwalas ang gwapo nyang mukha.Confirmed!

"Sure?!"paninigurado nya.Ang kulit talaga nito.

"Promise"at nginitian nya ako.Nagsimula na din kaming magkuwentuhan.Shinare nya ang  about sa family nya and nalaman ko na bunga sya ng one night stand.Mama nya nalang ang sumusuporta sa kanya.At naikwento nya rin ang businesses nila sa ibang bansa.Ang successful pala ng angkan nito!

Natapos ang araw nang hindi ko pinaunlakan si Drake.Nakakitaan ko ng galit ang mga mata nya ng hindi ako sumama sa kanya pero wala syang nagawa sa desisyon ko.Alam kong masaya si Am-jay dahil sinunod ko sya.Feel ko na may namamagitan between Drake and Roxanne.Kaya ang pangit tingnan kung sasama-sama pa ako sa kanya.Ano nalang ang sasabihin ng mga tao?

Nasa labas ako ng bahay at nakita ko na may nakaparadang magandang sasakyan.At ganun na lang ang gulat ko nang makita kung sino ang lumabas galing don.

" Ano kayang ginanagawa nyan sa tapat ng bahay namin"tanong ko sa sarili ko.Nagtago ako sa may punong mangga at nakita kong kumatok sya sa bahay na pinapasok naman ng walang hiya kong Tita.

His Sweet EmbraceWhere stories live. Discover now