Chapter 18

6 2 0
                                    

Sobrang ingay sa room!!Naghahalo-halo ang mga music.May mga korean songs na hindi ko maintindihan ang lyrics.May mga music na nanggagaling sa mga adik sa tiktok na sinasabayan naman ng mga international singers. Lord......wag sanang umulan nang malakas hindi pa naman ako nakadala ng payong!!

Tumungo ako sa  reading corner at nagbasa ng kung ano.Maingay parin at nilibot ko ang aking paningin para hanapin si Am-jay at fafa Drake.Wala eh.

Nasa kalagitnan ako ng pagbabasa nang biglang tumahimik ang paligid.Nagsilabasan ang mga classmate ko at umingay sa labas.Dinig na dinig ko ang sobrang lakas na sigaw ni Ricky.

"Tama na nga!!!" Umandar ang pagkatsismosa ko at lumabas para malaman kung anong nangyayari.Nagulat ako nang makitang nagsusuntukan sina Drake at Am-jay.Mas madami ang pasa ni Drake kaysa kay Am-jay.

"Tigilan mo na sya Drake" maangas na sabi ni Am-jay at umambang susuntok nang pumagitna si Roxanne  na umiiyak.Hinawakan nya ang mukha ni Drake.

"Tama na....para namang hindi kayo magkaibigan" pagsusumamo ni Roxanne

"Hindi ko palalagpasin ang ginawa nyo ng hayop nayan!" Sobrang pula na ng mukha ng kaibigan ko.Ano nga ba ang ginawa ni Drake na nagpagalit kay Am-jay?At anong kinalaman ni Roxanne dito?Tinawag ko si Am-jay.

"Am-jay" tumingin sya sakin at nagulat nang makita ako.Hindi ko namalayan na may tumulong luha sa mga mata ko nang makita ang kalagayan ni Am-jay.Sobrang gulo ng buhok nya at namumula ang mata.

"Fin" Lumapit sya at niyakap ako nang mahigpit.Ramdam ko ang init ng katawan nya.Hinarap nya ako at pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Anong nangyayari" nalilitong tanong ko sa kanya.Nakatingin ang mga kaklase ko sa amin.

"I will explain it to you later" at muli nya akong niyakap.Pumasok na sila sa room including Drake ang Roxanne pero nandito parin kami sa labas.Bumalik ang nakakabinging music sa room.

  Inayos ko ang buhok ni Am-jay. Nakatingin lang sya sa ginagawa ko.

"Sabay tayong kumain kasama si Alivei?" tanong ko at nag nod sya.

Pumasok narin kami sa room at ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.Curious parin ako kung ano ang dahilan ng pag-aaway nila.

"Tara na ,Fin"

Sabay kaming naglakad at pintitinginan kami.Ngayon lang namin makakasama si Am-jay kumain ng lunch dahil sa mga kaibagan sya sumasabay every lunchtime.

Pagdating namin doon nakita kong kumaway si bes at nagtungo kami dun.Medyo nagulat sya nang makitang kasama ko si Am-jay.

"Anong nangyari sa gwapo mong mukha,Am-jay" sinuri nya ito nang maigi.

"Napaaway lang"

"Ahhhhh" with matching tango-tango

"Upo na kayo"

Biglang gumaan ang vibes ng nagsimulang magkuwento si bes tungkol sa crush nyang grade 12 student.Napatawa nalang kami.Tinanong nya pa nga si Am-jay kung kilala nya iyon.Nanlisay sa kilig si Alivei nang malamang magkaibigan sila nun ni Am-jay.

"Pa help hahh!!!!!" pangungulit ni bes

"Sure" at nanlisay uli.Tumingin si Alivei sa relo nya at tumayo.

"Mauna na pala ako.Marami pa kasi akong ire-ready para sa presentation ko mamaya.Baboshhhh!!!" Pakembot-kembot pa sya.Nagkatinginan kami ni Am-jay at parehong natawa.

"Spill it now" sabi ko

"Ang ano?" pa maang-maangn pa ito eh!!

"Bakit kayo nag-away ni Drake kanina"

"Dahil hayop sya" sinong hayop???si fafa Drake?Bakit naman?

"May kinalaman ba si Roxanne dito"

Huminga sya nang malalim.

"Yup"

"Sabihin mo nga sakin lahat lahat"

"Hindi pwede"

"Bakit naman" nalilito na talaga ako

"Dahil ayaw kitang makitang nasasaktan"at tumingin sya nang diretso sa mga mata ko.







His Sweet EmbraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon