chapter 13

7 3 0
                                    

Si Drake???????

Nagkatinginan kami ni Am-jay na parehong lito ang itsura.Naunang binasag ni Am-jay ang katahimikan.

"Pre,asan pala si Roxanne.Malapit na ang first subject. Diba kayo ang palaging magkasama?" Napatingin saglit si Drake sa akin.

"May binili lang siguro yun.At ikaw Finnesse,sabay tayong kakain mamaya ng lunch."

"Huh?"

"Hindi ko gusto ang pinapaulit ako" at bigla syang tumalikod.Bumalik sa kanyang upuan.Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na magpasya kung papayag ba ako.

"Anong nangyare dun,diba kaibigan mo yun?"

"Huh?ah oo kaibigan ko iyon."

"Parang may sapi kahapon payan."

"Anong ibig mong sabihin" tanong ng tsismosong nagngangalang Am-jay

"Bago kasi mag-uwian kahapon,humarang sya sa dinaanan ko at sinabihan ako na sa ayaw at gusto ko....maging kaiban ko daw sya"Napakunot ang makinis na noo ni Am-jay.

" Huwag kang sasabay sa kanya kumain mamaya."

"Huh?bakit?"

"Basta.Sumunod ka nalang"Tumayo sya at tinalikuran ako.Saktong pagsimula ng klase.

Lunch time na.Bumabagabag parin sakin ang sinabi ni Am-jay kanina.Sabay kaming naglakad ni Drake papuntang karendirya.Wala akong ibang nagawa kundi ang sumama dito.Nagpaalam ako kay Alivei na bukas na kami magsasabay kumain.Maraming napatingin sa amin ng pumasok kami sa loob.Sa guwapo ba naman ng katabi ko?Hanngang ngayon hindi parin napo-process sa utak kung anong sakit ng gwapong lalaki na ito.Pumunta sya sa may dulo at wala akong choice kundi sumunod sa kanya.Nakarinig ako ng mga bulungan.

" Umupo ka"

Nagsimula na kaming kumain.Na a-awkwardan ako sa nangyayari ngayon.Ngumiti sya sa akin ng super kaunti.Ay ang kuripot ni koya.

"Doon tayo maglu-lunch bukas kasama ang mga kaibigan ko...sa may duyanan" siguro yung sinabi nya na territory nya.At ano tong narinig ko..tayo?it means kasama nanaman ako.Hindi man lang nagtanong....parang nung una.Hindi yun question....stament yun.

Natapos na kaming kumain at niyaya nya na akong bumalik sa classroom. At maraming napapatingin sa akin.....sa amin.Literal na lumaki ang mata ng mga kaklase ko nang makita nila na sabay kaming pumasok sa room.Nahagip ng paningin ko si Am-jay na busangot ang mukha habang nakatingin sa akin.Dumiretso ako sa upuan ko.

"Napakamasunurin mong bata ano?" sarcastic na tanong ni Am-jay.Nakaupo sa may bakanteng upuan sa gilid ko.Sa totoo lang nagtataka din ako sa sarili ko kung bakit ako sumama sa gwapong lalaki na iyon.

"Sabihin mo na lang kasi kung bakit ayaw mong sumama ako sa gwa- este kay drake"

"Basta"ayan na naman tayo sa basta niya.Siya na ngayon ang bagong "basta"king.Magpalakpakan na may kasamang hiyawan!!.

" Bahala ka sa buhay mo.Hindi na ako sasama kay Drake once na sabihin mo sa akin ang reason "

"Basta"

"Sge.basta nalang din"bahala sya sa buhay nya.Ang easy lang naman ng question ko ah?

"Tss"at ayun tinalikuran ako nang nakabusangot.

Uwian na at pinuntahan ko si Alivei dahil sabay kaming uuwi ngayon.Pagdating ko doon ang paglabas nila.

Nakauwi na ako at tapos na kaming maghapunan ni Tita.Maaga kaming nakakain dahil nakapagluto na si Tita bago mag alas 6:00.Kinuwento ko kay Alivei at Tita ang tungkol kay Drake at doon sa sinabi nya na sabay na naman kaming kakain bukas.Then,pareha lang din sila ng reaksyon pagkatapos kong magkuwento.Nagtilian ang mga imprakta.At iisa lang din sila ng sinabi" haba ng hair gurll!!"haisst.

Umaga na at mabilis akong bumaba ng kwarto.Naka uniform na ako ngayon.Nilagang itlog ang ulam namin kaya ganado ako ngayon.Favorite ko kasi ang nilagang itlog lalo na kapag may toyo.

Sabay parin kaming pumasok ni Alivei at hindi padin maka move-on ang isang to.Palagi nya parin akong hinahampas sa balikat.Hindi makalimutan yung kay Drake.Grabe supppppper sakit na ng balikat ko.Nakaiwas lang ako sa kanya nang nasa room na ako.

Medyo naninibago ako sa atmosphere ngayon.Hindi ko madiscribe.Parang may something..... ay basta!!At isa pa naninibago rin ako kay Am-jay dahil hindi nya narin ako pinapansin.Nandoon lang sya na nakikipagtawanan sa mga friends nya.Mabuti nalang at na-divert ang atensyon ko nang pumasok si ma'am at nag start na ang klase.

His Sweet EmbraceWhere stories live. Discover now