Chapter 43

11 1 0
                                    

A/N Good day to everyone!I just want to share some of my plans.

May plano po sana akong palitan ang title ng story and may babaguhin din sa ako sa mga ilang scenes.

Sorry for the errors (Typographical,Grammatical errors and etc.)

I'll edit it soon.

This story isn't perfect so if you're a perfectionist and/or a toxic reader (Active or Silent)you must stop reading this story 'coz this is not suitable for you.I'm just reminding.Bare with my imperfections.

And I want to promote my another story(on my second account)I already published 3 on-going story and in case if you're interested,you can search my account @Ugly_Writes and browse my works

Love you all!

***

Ang sakit ng ulo ko!Bumangon ako sa pagkakahiga.May hang over pa ata ako!At may klase pa ako!Dali-dali akong lumabas at bumaba.Nakita ko si Mama at Mary na nag-uusap.Namataan ako ni Mary.

"Ma?" Pinagmasdan ko silang dalawa.

"Papasok ka,Ma'am?"

"Oo naman"Wala pa ring naging reaksyon si Mama kaya sinipat ko sya.

" Sigurado kang kaya mong pumasok?"sa wakas ay nagtanong sya.

"Yes,ma" tininingnan nya ako nang maigi.May dumi ba sa mukha ko?Sinuklay ko ang aking buhok at hinawakan ang aking mukha.Wala naman sigurong panis na laway eh noh?

Tinanong ko si Mary kung anong meron sa mukha ko.Kung nakakalunod lang ang titig ni Mama,kanina pa ako nalunod.

"Ma!" Sinulyapan ko ang aking relo.May oras pa naman ako para makapaghanda.

"Wala ka ba talagang naalala?" Kumunot ang noo ko.Nagtataka.Wala akong maalala sa pinaggagawa ko kagabi.May nagawa ba akong mali?

"I can't remember,Ma"

"...may nangyari ba kahapon....?"

"Wala ka ngang maalala" pinilit kong maalala kung anong nangyari kagabi.Sumakit ang ulo ko kaya napaupo ako sapo ang ulo.

"Huwag ka nalang kaya pumasok ngayon?"

"Kaya ko naman"

"O sya,kumain ka na" nagsimula na akong kumain.Kahit papano ay humupa ang sakit ng ulo ko.

"Good Morning,Kids!"

"Good morning ,Ma'am!" Lumapit na ako sa board para simulan ang discussion.Gumuhit ako ng ibat-ibang hayop kagaya ng pusa,aso at marami pang iba.Ituturo ko sa kanila ang ibat-iba nitong tunog o huni.Tinuro ko ang ginuhit kong aso at sila ang gagaya sa tunog nito.

May nagtaas ng kamay kay a tinawag ko sya.Masaya nyang sinagot ang tanong ko.

"Aww!Aww!"

"Very Good"

"Ano nga yun class?" Silang lahat na ang pinasagot ko.

"Aww!Aww!"

"Very Good!"

"Ngayon.Ito" Tinuro ko ang ginuhit kong pusa.Maraming nagtaasan ng kamay at ang nasa dulo ang pinili ko.

"Meow!Meow!"

"Very Good!"

"Ano nga yun,Kids?"

"Meow!Meow!"


His Sweet EmbraceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora