Chapter 45

5 0 0
                                    

"Kawawa naman ang mukha ko" ngumuso ako.

"Hehehe....maganda ka parin naman,Fin" Di ko rin naman sila masisi kung bakit nila ako sinuntok.Yun lang siguro talaga ang paraan para bumehave ako.Hinawakan ko ulit ang mukha ko.Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming tatlo.Tumayo bigla si Rox na hawak ang kanyang bibig at tumakbo kung saan.Napatayo kaming dalawa ni Alivei.Actually,may hinala na ako kung bakit nagkakaganyan si Rox,kailangan ko lang talaga ng sapat na evidence. Palagi syang nahihilo at nagsusuka.Posible ngang buntis si Roxanne.

Dinaluhan namin sya at pinunasan namin ang mga pawis sa noo nya.Kwento nya,lahat ng kinakain nya ay kanyang sinusuka.Impossible namang dahil sa hang over ang lahat ng ito.Ewan ko lang kung may hinala na ba si Bes.

"Rox,palagi ka nalang nagsusuka at palagi ring sumasakit ang ulo mo....." sabi ko sa kanya.Sasabihin ko na sa kanya kase baka di nya pa nare-realize.Di na normal to....kailangan nya ng magpacheck-up.O di kaya ay gumamit sya ng PT.

"Di kaya buntis ka?Try mo kayang bumili ng PT para malaman na natin ang totoo"

"Oo nga!Ako nalang ang bibili ng PT.Dadamihan ko para sigurado!" Tinaas ni Bes ang kanyang kamay.Parang may oral recitation lang ah?

"Hindi pwede" naguluhan ako.Umiling-iling sya at umiyak.

"Anong hindi pwede?!"

"Kung buntis nga a-ako....siguradong di nya ako papanagutan!"

"Gaga!" Si Bes na tumayo at tinuro si Roxanne na pinanlalakihan ng mata.

"Papanagutan ka ni Drake!" Tama! Boyfriend nya yun!Matutuwa pa nga yun sigurado!

"Sabihin mo kay Drake na buntis ka at sya ang ama.Papanagutan nya kayo...mahal ka nun" malumanay kong sabi.Mas lalong bumuhos ang luha nya.Pati ako napapaiyak na.

"P-paano kung mali kayo?P-aano kung di sya maniwala?P-aaan k-"

"Sipain mo yung ano nya pag di sya naniwala sayo!" Ang ganda namang suggestion yan bes.Napaka effective!

"Sya ang ama ng bata diba?" Tanong ko.Naninigurado lang.

"Oo"

"Sabihin mo sa kanya.Matutuwa yun!" Sumandal sya sa pader ng CR.

"Kung di mo sasabihin sa kanya,kami na ni Bes ang kusang magsasabi sa kanya-"

"Huwag!"

"Mmm?"

"S-sasabihin ko sa kanya"

"Dito nalang kaya tayo matulog,bes?"mabuti pa nga.Para na rin may makakasama si Roxanne dito.

" Sige.Ite-text ko lang si Mama,baka mag-alala yun"bumalik ako sa sala para kunin ang cp at tawagan si Mama.

"Anak!"

"Ma,dito muna kami matutulog sa condo ni Roxanne"

"Bakit naman?"

"Kailangan po kase naming alagaan si Roxanne,Ma"

"Mataas pa ba ang lagnat nya?"

"Buntis sya,Ma"

"Hahh?!!!"

"Pero hindi pa kami sure.Bukas pagagamitin namin sya ng Pregnancy Test"

"Papaano ang klase mo bukas?"

"Gigising nalang ako nang maaga,Ma.Dito nalang ako maliligo at pupunta ako dyan para makapag-uniform"

"Anak,ibaba ko na to!Yung niluluto ko!" Day off ni Mary ngayon kaya busy si Mama sa gawaing bahay.Kaya nga naghahanap pa ako ng isang kasambahay.

His Sweet EmbraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon