Chapter 36

2 0 0
                                    

"Palagi ka nalang umiiyak,bes.Baka malunod ka dyan sa mga luha mo" Umalis kasi si Am-jay!Kumukurot ang dibdib ko tuwing naiisip ko si Am-jay.

"Ganun ba talaga ka special si Am-jay sayo?"

Napaisip ako.Marami na kaming pinagsamahan ni Am-jay.Nagsha-share kami ng problema sa isat-isa.
Tapos dadating ang araw na maglalaho sya na parang bula?

"Palaisipan din sakin ang sinabi ni Drake"si Alivei

"Syempre mami-miss ko sya,may pinagsamahan din naman kami-"

"Sino ba kasi talaga ang mahal mo?" di ako nakasagot.Mahal ko?naguguluhan ako!

"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nyo ah"

"Umalis kase si Am-jay,Tita"

"Kailan?"

"Di ko alam,Tita" napabaling si Tita sakin

"Nagpaalam sya sayo?"

"Hindi rin"

"Baka may reason sya kung bakit hindi nya pinaalam sayo na aalis sya" parang balewala lang kay Tita na umalis si Am-jay

"Reason,ma?Anong klaseng rason yun?"

"E-ehhh baka emergency lang talaga hehehe"

"Gumala kaya kayong dalawa?Tutal wala namang pasok bukas?"

"G ako,Tita" sumigla bigla si Alivei.

"May pera ako dito...dali kunin mo,anak" may inabot sya sa king pera.

"Go na!!!!"







"San tayo,bes?" masama pa rin ang pakiramdam ko.Ang energetic ni Alivei.

"Sa mall!"sumunod ako sa kanya.

" Ang ganda ng mga teddy bear,bes!"si bes.May ibat-ibang kulay ang mga teddy bears at isa lang ang nakaagaw ng atensyon ko.Isang maliit na teddy bear na kulay blue at may letter A sa tiyan nito.It reminds me of Am-jay.

"Magkano to miss?" Sinuri yun ni Alivei.

"A for Am-jay, huh?" Panunuya nya

"2000 miss" what!Ang mahal naman!Akala ko nasa 500 lang ang presyo!

"2000 talaga?" Baka pwedeng tumawad?

"Bes,bawal ang tawad dito" bumulong si Alivei.

"Masyadong mahal...baka pagalitan ako ni Mama"

"Ilan ang pinadala ni Tita sayo?"

"5000"

"5000!bilhin mo na.May 3000 pa namang matitira...Aalis na tayo pagkatapos nyan,at nakabili na run ako" may paper bag na syang dala.Sige na nga!

"Bibilhin mo miss?" Naghihintay sya sa sagot ko.

"Sige,bibilhin ko"




"Saan kayo pumunta?"

"Sa mall,Tita"

"Anong binili mo,anak"hindi kaya magalit sya sakin?Ang mahal ng binili ko!Ang liit pero ang mahal!

"T-teddy bear,Ma"

"Patingin" inabot ko sa kanya

"A for Am-jay, Anak?" Pareho kayo ni Bes Ma!

"Hehehe....ang cute kasi then ang ganda ng color..."

"Ma,2000 ang nagastos ko"

"Ok lang,sayo na ang sobra"

"Ikaw Alivei,anong binili mo?"

"Dress Tita para sa date namin ng boyfriend ko"

"May boyfriend ka pala, Bes?" bat di ko alam?

"Meron,third monthsary namin ngayong sabado"

"Ngayon ko lang nalaman,bes!"

"Hehehe.....sorry" nagpeace sign sya

"Bes!" Pinalo nya ako

"Ano?"

"Alam ko na kung anong gusto ko paglaki!"

"Ano?" pangarap ko talagang maging isang magaling na designer!

"When I grow up I want to be a Teacher!"

"Hahaha....support ako,bes!"

"Mag teacher nalang kaya tayo?!"

"Ehhhh....designer ang gusto ko paglaki ko" Gusto kong magpagawa ng mansyon!

"Teacher nalang!"

"Ayaw nga"

"Diba may negosyo ang family ni Am-jay?" Bat interesado to?

"Bakit ka nagtatanong?"

"Basta!Wag ka ngang magselos dyan!Wala akong gusto sa Am-jay....."

"....mo"

"Nakuwento nya sa kin na ang mommy nya ang nagpapatakbo ng business nila....Ok na?"

"Si Drake?" Ang daming tanong.

"May negosyo din.Sya nga ang nagpapatakbo eh"

"Talaga!ang bata pa nya para mamuno sa isang negosyo"

"Gusto ko ng makapagtapos ng pag-aaral,alivei"

"Bat nagmamadali ka ata?"

"Wala lang"

"Siguro plano mong hanapin si Am-jay pag may trabaho kana....yieeee" ang lawak talaga ng imagination nito.

"Hindi ah"

"Magteacher nalang kaya tayo. Para same tayo ng papasukang eskwelahan?" Ang kulit!

"Ang kulit mo"

"Magte-teacher ka na?"

"Hindi"

"Ano ba yan!"

"Nakita mo si Mama?"

"Diba nagpaalam sya na bibili ng mantika sa tindahan?" Oo nga pero ang tagal nya.Kinabahan ako.

"Hanapin natin si Mama!"

"Baka nakipagtsismisan lang kaya medyo natagalan" ang sama talaga ng pakiramdam ko

"Alam mo naman si Tita"

"Samahan mo ako dali?"

"Sige na nga!"








Hindi pa kami nakakatayo nang may kumatok sa pintuan.

"Finnesse!!!ang Tita mo??" Anong nangyari kay Mama?!Pinagbuksan sya namin.Pawis na pawis na kami ni Alivei.

"Ano pong nangyari kay Mama!"

"Ang Tita mo!binaril ng riding in tandem!!!Nag-uusap lang kami ng Tita mo nang bigla syang bina-" di ko na sya pinatapos.Tumakbo ako nang malakas patungo sa tindahan ni Along Bebang!Mama!

"Ma!"

"Fin...." Dumudugo ang dibdib at tiyan nya!

"Bes,dalhin natin sya sa hospital!" Tumawag sya ng pwedeng masasakyan.

"Ma!" Humandusay ang kamay nya sa daan!Bumalik ang mga ala-ala nung namatay si mommy at daddy! Hindi ko kakayanin na pati sya mawala sa kin.May pumaradang tricycle sa tapat namin.Tinulungan ako ni Alivei na buhatin si Mama,may mga tao na sa daan....lahat sila nag-aalala sa kalagayan ni mama.

"Ma!Huwag mo kong iwan....pakiusap!"

His Sweet EmbraceWhere stories live. Discover now