Chapter 60

1 1 0
                                    

Tapos na leave ko ngayon kaya trabaho na naman bukas.Namimiss ko na rin kase ang mga students ko,namimiss ko ang kakulitan nila.Fully recovered na si Am-jay kaya sya na ulit ang maghahatid-sundo sa akin.Si Miracle? Wala talaga akong idea kung sino ang mga kumuha sa kanya.At kung ano ang intensyon nila sa bata.Kahit ang mga pulis at wala paring nakukuhang impormasayon.Hinala naman ni Wil ay baka may gustong umampon sa bata na hindi pinayagan kaya nauwi sa kidnapan.

Maayos na rin ang kalagayan ng mga bata sa bahay-ampunan at ni Sister.Mas hinigpitan ang seguridad ng bahay-ampunan.Dinagdagan ng maraming CCTV's at may bodyguards na rin.

"Ang lalim ata ng iniisip ng boyfriend ko" Niyakap ko sya mula sa likod.Nasa malayo ang tingin nito at halos hindi kumukurap.

"Alam ko na kung sino ang master mind sa pagbaril kay Tita"bumitaw ako sa kanya at hinarap nya ako.

" S-sino?"Bumalik lahat ng galit sa akin.Lumipas ang maraming taon na hindi nagbabayad ang tao na yun.Malaya syang nabubuhay na parang wala syang kasalanang ginawa.Wala talagang konsensya.

"Jane"yung babaeng obsessed noon kay Am-jay?Tila nabasa ni Am-jay ang tanong sa isip ko.

" Jane.Ka-batch natin"nalaglag ang aking panga.Ako ang pinagbuntungan nya ng galit.Ang mama ko ang pinagbuntungan nya.

"Alam ba ni Mama?"

"Hindi ko pa nasasabi kay Tita" nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin.

"Matagal ko nang pinaiimbestiga ang tungkol sa pagbaril kay Tita at kahapon ko lang nalaman na si Jane ang master mind"

"Dahil na naman sa akin kung bakit nya kayo sinaktan"

"Kalimutan na natin.Matagal na rin naman yun.Ibaon nalang natin iyon sa limot.At isa pa,mukhang hindi interesado si Mama na malaman ang tungkol sa kaso"




"Wil,napatawag ka?" Kakauwi lang namin from school.Hindi narin naman nagtagal si Am-jay sa amin kase may aasikasuhin pa daw sya.Natigil ako sa pagpapalit ng damit dahil biglang tumawag si Wil.

"Favor naman oh"

"Favor?" Lumapit ako sa may bintana para makalanghap ng hangin.

"Nandito kase kami ngayon sa Bar.Kasama ko ang mga kaibigan ko.Pwede mo ba akong samahan please" ito ang unang request ni Wil sa akin kaya sino ba naman ako para tumanggi.Ang dami nya na ngang naitulong sa akin.Nagpromise naman sya na uuwi ako pag sumapit ang 10:00.Napatingin ako sa aking katawan.Nakapajama ako kaya muli akong nagbihis.Isang simple dress lang sinuot ko.

"Saan ka,Anak?"

"Sa bar lang po" tumango naman sya at bumalik sa pagce-cellphone.Paglabas ko ay naroon na ang kotse ni Wil.Pumasok ako doon.

"Salamat talaga,Fin."

"Walang anuman,Wil"minsan ka lang naman magrequest.

" May isa pa pala akong request?"hindi mapakali ang mata nya.

"Basta kaya ko" Patay!Nakalimutan kong magpaalam kay Am-jay. Maiintindihan nya naman siguro ako.Nagsimula na akong magtipa ng ite-text sa kanya.

"Am-jay, pupunta ako ng bar ngayon with Wil.Favor nya kase"napangiti ako ng wala sa oras.

" Ano nga pala ang isa mong pang favor?"nakangiti parin ako.Siguradong nagtatrabaho parin ang boyfriend ko ngayon.Napaka-workaholic talaga.

"Pwede ba kitang maging girlfriend?" Hinihingal sya habang tinatanong nya yun.Kumunot ang noo ko at napatawa.Ilan ba to sa mga jokes nya?Grabe,nakakakaba.

His Sweet EmbraceWhere stories live. Discover now