Chapter 46

0 0 0
                                    

Tahimik.Nagtitinginan lamang kami.Naghihintay na may isang mag-open ng topic.Ewan ko pero may nase-sense akong something lalong-lalo na kay Roxanne at Drake.Para kaming ewan dito na nagkakatitigan,tinatansya ang bawat isa.Si mama ay nakaupo lang at malalim ang iniisip.Palaging nagtatagpo ng paningin si Rox at Drake pero kanya kanya silang iwas.

"What a beautiful day!" Tumayo si bes habang nilalanghap ang hangin.Umikot-ikot pa sya.Pinandilatan nya ako ng mata at sa pamamagitan nun ay nakuha ko ang ibig nyang sabihin.Nasabi na kaya ni Rox kay Drake nabuntis sya?Balak ko sanang ibigay kay Roxanne ang PT pero narito si Drake.Excited na kaming malaman ang totoo.I need to do something para mapaalis si Drake.

"Drake pwede bang ikaw nalang ang bumili ng pagkain natin mamaya?"

"Ngayon na?"

"Oo"

"Pwede namang magpa-deliver"

"Mas masarap pag ikaw mismo ang bibili" San ko nakuha lahat ng sinasabi ko?Di parin mukhang kumbinsido si Drake.Pati si Roxanne ay palipat-lipat na rin ang tingin.

"Oo nga,drake" Si mama.Tumayo naman si Drake at inayos ang polo.Nakalabas na ito at sabay kaming suminghap.Sa wakas!Pinagpapawisan na ang noo ko.Sa leeg din!

"Nakaka-tense!" Si Alivei at pareho naming pinunasan ang aming pawis.Tinanong namin si Rox kung naka-on ba ang AC at tumango naman sya.

"Roxanne,PT.Tatlo yan....Para sigurado" inabot ni mama ang lalagyan at kinuha naman ito.Kahit anong paypay sa sarili ko...still,mainit parin!Kagaya ng eksena kanina!

"Sigurado ba talaga kayo?" Kumunot ang noo ko.Napag-usapan na namin ni Rox ang tungkol dito kaya nakakapagtaka ang mga sinasabi nya.

"Pinag-usapan na natin to,Rox" Di maitago sa boses ko ang diin.She blinked twice.Naiintindihan ko naman ang sitwasyon nya,kung bakit sya nag-aalinlangan pero buhay ang pinag-uusapan namin dito.At isa pa,wala syang dapat na ikatakot kasi bf naman nya ang ama ng dinadala nya.Higit pa run,alam kung responsable si Drake.Di yun gagawa ng ikakapahamak ng mag-ina nya.Unless nalang kung may tinatago tong kaibigan namin.Kung meron ba syang hindi sinasabi sa amin dahilan kung bakit sya nagkakaganyan.

"Simulan mo na, Rox" Si bes.Nagmartsa si Roxanne patungong banyo.Mas lalong uminit ang paligid.Makalipas ng ilang sandali ay bumalik na si Roxanne na basang-basa ang mukha dahil sa luha.I can't read her mind.Ano ba?Lumuluha ba sya dahil masaya sya?Or lumuluha sya dahil malungkot sya?Si mama ang unang kumilos patungo sa kanya na sinundan namin.Tinanong namin sya at tanging ngiti lang ang sinasagot nya.Tears of joy?

"Positive" sa wakas ay nagsalita na ito.Pati ako napangiti sa narinig naming magandang balita.A blessing. Nag-iyakan na kaming apat,si mama ay sumisinghot-singhot pa.Kahit di kami nag-uusap ay kuntento na kami.Nagyakapan kami at naabutan kami ni Drake na ganun ang eksena.Nalilito sya.Kita sa mga facial reaction nya.

Congratulations, Drake!Daddy ka na.Ang sayang isipin na ang dati kong crush noon,na minsan ko naring minahal...ay magiging daddy na!Ang lalaking hinahangaan at iniidolo ko noon ay sya na ngayong ama ng pinagbubuntis ng kaibigan ko.Ang lalaking kahit galaw ay hinahangaan ko.Patuloy parin ang pag-agos ng luha ko.I'm happy for them.Deserve nilang dalawa to,deserve nila ang paparating na blessing.Napabaling ako kay Roxanne na nakangiti kay Drake.She walked slowly to Drake.

"What's happening?" Sobrang likot ng mata nito.Napatitig si Drake kay Roxanne na nasa harapan nya habang pinapakita ang PT.Napaawang ang bibig nito at namula ang mga mata.

"God!" Napahilamos ito bago yinakap nang mahigpit ang kaibigan namin.

"Magiging daddy na ako!"

"Congratulations sa inyo" kaming tatlo.See,Rox?Natuwa si Drake nang malaman nya na magiging ama na sya.Nagpaalam na kami dahil gusto namin bigyan sila ng solo moment.





"Ayos na si Rox,bes!Ikaw na naman ang aasikasuhin namin" nasa canteen kami ngayon at namimili ng gusto naming kainin.

"Pinagsasabi mo?"

"Pansin ko lang na medyo nag-iba ka na bes?" kumunot ang noo ko.Nag-iba?Wala namang nag-iba sakin ah?

"Di kaya.....buntis ka?" Binatukan ko na.Baka may makarinig sa mga sinasabi nito...patay na!

"Wala nga akong bf"

"Kailangan mo?"

"Ng Bf?"

"Oo"

"Never!"

"Sus!"

________

Nasa kwarto na ako ngayon binabalikan ang mga masasayang nangyari kagabi.Dinampot ko ang cp nang tumunog.Unknown number ang tumatawag.Wala na akong balak sagutin,di rin naman ito nagsasalita eh.Magmumukha lang akong tanga.Tumigil sya sa pagri-ring at bumalik na naman ang ingay.Bahala ka dyan!Apat na beses nang nagri-ring kaya sinwipe ko na.

"Hello!" Masyado na talaga akong moody,pansin ko lang.Schedule ko na kase ngayong week kaya ganito.Madali nalang akong magalit at mairita.

"I'm warning you!Kung di mo ibubuka yang  bibig mo.....ii-end ko nato!I'm serious!"

"Relax" para akong na paralyzed sa kinahihigaan ko ngayon Di ko magalaw ang katawan ko.Wala akong ma-compose na salita.Ang boses nya.Di ako maaaring magkamali,iisang tao lang ang nagmamay-ari nito.Natigil na nga ni paghinga ko.

"Fin?" Napakurap ako.Totoo nga,totoo ngang naririnig ko ngayon ang malambot nyang boses.

"Hey" Si Am-jay pala ang palaging tumatawag sakin na di nagsasalita.Sya din ang palaging nagmemesage sakin.Kumurot ang dibdib ko.Gosh!You're making me crazy!Tumikhim ako na parang sa ginawa kong iyon iyon ay matatago ang tunay kong nararamdaman.

"Sino to?" Pagkukunware ko na di ko sya kilala.Tumawa sya.Napaluha ako.Ang tawa nya.....sa wakas narinig ko muli. Akala ko habang buhay ko nang hindi maririnig ang mga tawa nya.

"Di mo ko nabobosesan?Magtatampo ako nito" I bit my lower lip.Kung alam mo lang Am-jay.... Kung gaano ko ka kabisado ang lahat sayo!

"Who you?"

"Ouuuchhh"

"Ibaba ko na to" taliwas ito sa nararamdaman ko.Dahil ang totoo ay gusto ko syang makausap.....nang matagal.

"Wait....chill"

"Again,who you?"Pinatili ko ang tigas sa boses ko.

" Am-jay "

"Anong kailangan mo sakin?" Gusto ko rin sana syang tanungin kung bakit pa ba nya ako ginugulo?May pamilya na sya!Sumakit ang dibdib ko sa sariling naisip.

"How are you?" Pinunasan ko ang luha sa king pisngi.Nilayo ko muna ang cp para kumuha ng hangin.Kinapusan na ako ng hininga.

"I'm fine" Ikaw?Kumusta ka na rin?

"Magkita tayo bukas.Pagkatapos ng klase mo"

"Pano kung ayaw ko?"

"Darating ka" tumingala ako para di na tumulo ang mga luha ko pero di parin umepekto.

"Sige" Siguro nga kailangan naming mag-usap.Para narin maliwanagan ako sa mga nangyayari at para matanggap ko na ang lahat.Umalis sya na ng hindi nagpaalam.At dun ko lang narealize lahat.Lahat.

"Kumain ka na?" Lalo lang akong nasasaktan sa mga tanong nya.Parang binibiak ang puso ko sa bawat sa Lita nya.

"Malamang.Alas 10 na kaya"

"Naninigurado lang" di na ako umimik.

"Matulog ka na.Tatawag muli ako bukas"

"Sige"

"Good Night,Fin" Kahit may mga luha sa pisngi ko ay nagawa ko paring ngumiti kahit papaano.Hanggang sa nakatulog ay may ngiti saking mga labi.Hanggang sa panaginip ay nandoon din sya haisttt.




His Sweet EmbraceKde žijí příběhy. Začni objevovat