Chapter 17

7 3 0
                                    

Fin P.O.V.

Walang pumasok sa utak ko habang nagdi-discuss si Sir sa harapan.Eh pano ba naman kasi.......nakafocus ang mata ko kay Drake.Super duper gwapo nya talaga.Di bale magre-review nalang ako mamaya sa bahay.

"Miss Alejandro "

Nag imagine ako na nililigawan ako ni Drake sa harapan ng maraming estudyante.

"Miss Alejandro"

Tapos luluhod sya sa harapan ko...yieee...at sasabihing......."Will you be my gir-"umalingawngaw ang boses ni sir at doon ko lang napagtanato na apelyido ko ang isinisigaw nya.

Lumapit sya sakin at tiningnan ako ng masama.Katakot si sir Ahh!!

"Huwag ka nalang pumasok sa klase ko next time kung palagi ka lang naman tulala" pinagtitinginan na ako ng mga kaklase ko at may iba pang patagong tumatawa.Kurutin ko kayo dyan eh!!

In my whole life!!first time ko pang napahiya ng ganito sa klase.Tiningnan ako ni Am-jay na hindi maipinta ang mukha.Parang natatae???hahaha.

Nagpatuloy si sir sa pagdi-discuss at pinilit ko na mag concentrate sa mga sinasabi nya.Palagi ding napapasulyap si sir sakin para siguraduhing hindi nanaman ako tulala.Niyaya ako kahapon ni Drake na sabay kaming mag-lunch pero hindi ako pumayag dahil baka makita kami ni Am-jay or ni Alivei.

Tapos na ang recess at sobrang busog ko dahil pinabaunan ako ni Tita ng maraming biscuits at sandwiches.Sweldo nya kasi noong nakaraang araw kaya ayun nag grocery.

Pumasok si Drake sa room at nag smile sya sakin.And boom!!!!Nasa cloud nine na ako!!!!

Sumunod na pumasok si Am-jay at dumiretso sya sakin.Nginitian nya ako.Wow ngipin!!I smiled back.

"Malapit na ang performance namin at dapat nandun ka"

"Oo naman,ako pa"may binulong-bulong sya na hindi ko maintindihan.

" Anong binubulong-bulong mo dyan?"

"Ahh wala.Baka hindi mo lang ako mapansin"

"Bakit naman kita hindi mapapansin.Ikaw kaya ang mag gui-guitar at isa pa ang gwapo gwapo mo kaya"

"Gwapo nga pero...."

"pero?" ano bato. Sobrang pabitin

"basta"hindi na ako nag-usisa kasi pag nag " basta"na iyan...eh wala na akong magagawa.

"Anong nangayari sayo kanina.Ikalawang beses kang tinawag ni sir pero hindi ka nakikinig."At anong nangyari sayo kanina,para kang natatae hahaha.

"Nag-iimagine na nililigawan ni Drake" gusto ko sanang sabihin sa kanya pero wag nalang.

"May iniisip lang" sabay kindat ko sa kanya.

Malapit na ang Third Grading Examination namin kaya.First grading ako ang top 1 then top 2 si Am-jay.Top 3 si Fafa Drake at Roxanne,With honors na ang iba.

May mga naririnig akong balita na nililigawan ni Drake si Roxanne pero  hindi ako naniniwala.Tinanong ko si Drake about nyan nung bumisita sya pero dini-ny nya.Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko kapag nalaman ko na totoo iyon.At isa pa hindi naman imposibleng magkagusto si Drake Kay Roxanne, mabait na matalino pa.

Napalapit na ako sa mga kaklase ko.Sobrang saya sa loob ng room namin...hindi ka mabo-boring.May kaklase ako na parlorista hahaha.So Ricky.Half sya,hindi half American or something hah!half means half girl half boy.Sa kanya pumipila ang gustong magpaayos ng buhok like magpa-braid.Sya din ang joker sa room.Sobrang lakas ng boses nya at grabe kung makasigaw.

May mga dancers din na pagulong-gulong sa sahig.Young iba k-pop music ang isinasayaw at may iba ring zumba dance.

May mga singers na ginawang microphone ang walis hahaha.Kaya mga kapag may nawalang walis sila palagi ang itinuturo.At kapag bumagyo,sila ang sisihin nyo!

May mga tiktokers na palaging nakadikit ang mukha sa cellphone nila.Iba-iba ang ginagawa,may sumasayaw ng kung ano,may nagdu-dub.Sobrang nakakatawa at nakakaaliw silang tingnan lalo na kapag pinapapanget nila ang kanilang mukha.

At ako?well ang nagsisilbing audience nila.Palagi lang akong nakaupo at may  pagkakataon din na nagbabasa ako sa may reading corner.

His Sweet EmbraceWhere stories live. Discover now