Chapter 31

3 0 0
                                    

"Nakapagpaalam kana sa Tita mo?"

"Oh...nagtext na ako sa kanya"

"Ikaw lang talaga ang nakatira dito?" Ang laki kasi.Kahit malaking pamilya kasya dito.

"Yes"

"Anong gusto mong kainin?Or inumin?"

"Aii...wag na.Hindi pa naman ako gutom"

"Sige.Saan mo gustong manood?dito or sa k-kwarto ko" Ang cute nyang mamula!

"Mmm.dito nalang"

"Okey,punta muna ako sa kwarto.Kukunin ko ang tape" patakbo syang umalis.

Tumayo ako at luminga-linga.At nakakita ako ng maraming pictures. Mukhang si Am-jay ito nung bata pa sya.May isang litrato na nakapukaw ng atensyon ko.Si Am-jay at Drake.Magkaakbay sila sa picture.Si Am-jay todo smile then si Drake seryoso lang na nakatingin sa camera.May picture din kasama ang mga kabanda nya.

Sa ibaba is maraming naka-pile na mga pocketbooks! Puro familiar!

Kukuha na sana ako ng isa nang nakarinig ako ng footsteps.

"Ang dami mong pocketbooks ,Am-jay!" Nakakainggit!

"Gusto mo?" Aiii...nakakahiya naman.

"Huwag na!!manghihiram nalang ako sayo"

"Pili ka nalang"tiningnan ko uli ang mga pocketbooks...Nagsimula syang mag-assemble.

" May hinanda akong pagkain"sabay lahad nya ng pop corn.Tinanggap ko ito.Nahawakan ko ang kamay nya.Kinilig ako.Hoy Finnesse may boyfriend ka!

"Salamat" Nagstart na ang movie at umupo na kaming dalawa sa sofa.Any ganda ng pelikula.Ang storya ay tungkol sa dalawang magkaibigan.Unang na-fall si girl kay boy.Hindi sya umamin na gusto nya ang kaibigan nya dahil natatakot syang masira ang friendship nila.Naramdaman kong gumalaw si Am-jay.Nagpatuloy ako sa panunuod.

After 1 hour,natapos na ang movie.Ang ending,nagkatuloyan sila.May gusto din pala si boy kay girl ...hindi nya masabi sa parehong rason.Ayaw nilang i-risk ang friendship nila.

"Common ang story pero ang ganda ng flow" sumang-ayon sya.

"Ang ending sila ang nagkatuluyan...."

".. Sana ganun din tayo" halos ibulong nya na ang huli nyang sinabi

"Huh"

"Wala" tumingin sya sa kanyang relo.

"Gusto mo nang umuwi?" ayaw ko pa.

"Sige...baka naghihintay na rin si Tita"




"Salamat sa paghatid,Am-jay" ngumiti sya sakin.

"Gusto mong pumasok muna?Ipapakilala sana kita kay Tita?" Baka kasi gusto nyang magpahinga kahit sandali.

"Talaga?ok lang sayo?" kita ko ang gulat sa mga mata nya.

"Bakit naman hindi?"




"Mabuti't nakauwi ka" si tita.She saw Am-jay.

"Tita,si Am-jay..... Am-jay, si Tita"

"Am-jay" si tita na parang may inaalala.

"Ikaw yung kaibigan ni Finnesse.Kumusta ka na?"

"Mabuti naman po"

"Umupo ka muna"

His Sweet EmbraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon