Chapter 27

3 2 0
                                    

Finnesse P.O.V.

Hindi pa rin ako pinapansin ni Am-jay ngayon.Si Drake ....absent pa din.Nasa harap si Sir Alvino ngayon(Mapeh Teacher) pinapaalalahanan kami sa darating na school activity. Dyan rin magpe-perform sina Am-jay ,Drake at ang ka band mates nila.By grade level ang competition. May representatives na kinuha sa regular section at marami ang sa amin.

"Sinong representatives sa dance category?" tanong in sir

"Nasa section camia,Sir" someone answered

"How about.....in singing?"

Maraming gusto sumali sa category na yan.Isa na dun si Ricky.Pero hindi sila nakapasa sa audition.Ang banda nila Drake is exempted sa competition.

"Nasa sunflower ,Sir" Am-jay answered at napatitig ako sa kanya..Napatango-tango si sir.

"Then,sino ang representative sa painting category?" huh?never pang nabanggit ni sir ang tungkol sa category na yan ah!.

"May painting category pa pala, sir?" tanong ng isa.Oo nga...lahat kami nagulat.

"Bago lang kasi ina-nounce samin"

"Ano-ngang sinalihan ng section nyo?"lahat sila litong-lito kaya ako nalang ang nag-abalang sagutin ang tanong ni Sir.

" Acting category,Sir.....lahat ng theme"

"Ahh" napansin kong napasulyap si Am-jay sakin pero agad din naman syang umiwas.

"Sino sa inyo ang may talent sa arts...yung magaling mag-paint? Sya ang magiging representative ng grade 10 sa painting category"

"Si Finnesse ,Sir!!!!!. Magaling syang mag-paint.Last time na pumunta kami sa bahay nila dahil may group activity kami....nakita namin yung mga artworks nya.
..ang gaganda,diba guys?!!" sumang-ayon naman ang mga naging ka-group ko.May iba namang namamangha.

"Oo,nga!" si Rochelle

"So,si Miss Alejandro na ang representative" sabi ni si sir sabay baling sakin.

"Malapit na yun,Finnesse. Kaya mag-practice ka.Okay?"

"Yes ,Sir!"Nagpalakpakan ang mga buang kong classmates.Nagpaalam na si Sir at nag-ingayan na naman.Lumapit si Ricky sa akin .Obvious na may ichi-chika na naman.

" Ikaw sis,hahh!!never mong sinabe sakin na painter ka pala"

"Ahhhh"-..."

"Alam mo idol talaga kita.....napakarami mong talent" puri nya sakin.Hindi naman!!

"Hindi naman....ikaw kaya,marami ka ring talent. Lahat tayo maraming talent,yung iba hindi pa natin nadi-discover"

"Mabuti nalang talaga maganda ako" sabay suklay sa imaginary hair nya.Tumawa kaming pareho.Abnormal talaga ang sang to!

"Wala pa ang next teacher... It's chika time!!" napahalakhak sya

"So...may balita ka na ba sa babae ni Am-jay" haisst kung alam mo lang.Yan din ang bumabagabag sa isipan ko.

"Hindi pa nga eh.Pero feeling ko girlfriend nya iyon.Grabe ang ganda nya" sabi ko habang inaalala ang napakagandang mukha ng babae.Yung mahabang buhok nya na sumasabay sa bawat galaw nya.Ngayon lang ako na-insecure nang ganito.

"Maganda sya pero mas maganda ka girl!!!" I laughed. Medyo na conscious ako nang tinitigan nya ako nang malapitan.

"Super ganda mo pala sa malapitan.Parang gusto ko ng maging lalaki hahaha.Pero wag nalang ...maraming magluluksa." tumawa sya nang malakas.

"Posible din na girlfriend nya yun"nalungkot syang bigla.Kumirot ang puso ko nang dahil sa sinabi nya.

" Akalo ko nga... este akala namin na may gusto sya sayo"umismid sya..natawa ako.Naalala ko yung time na nag-confess sya sakin.Uminit ang pisngi ko.

"P-paano mo naman nasabi" shit!!!nauutal ako!!

"Oiii nag-blush sya...yieee" sinundot-sundot nya pa ako.

"Oii...H-hindi a-ahhh"

"At nauutal pa"

"Well.....sa gwapo ba naman ni Am-jay.Sya nga yung ka-tie ni Drake sa pagiging prince eh" naaalala ko pa iyon.Magkapareha lang sila ng vote ni Drake kaya para may lumamang ,pina-vote na rin si maam.Una,hindi makadecide si ma'am dahil ang daming cheers sa ibat-ibang panig.Hindi ko pa sila ganun ka-close nung time na yun.Si Am-jay ang binoto ko nun.Ang daming chinika ni Ricky sakin at naputol nang pumasok si Ma'am Fanci(Filipino Teacher)

"Punta na ako sa chair ko sis hah!!!babosh!!"

Absent din si Alivei ngayon...hindi ko alam kung bakit.

Pag-uwi ko sa bahay nadatnan ko ang masinsinang pag-uusap nina Bes at Tita.

"Anong pinag-uusapan nyo" tanong ko sa kanilang dalawa pero wala ni isa sa kanila ang sumagot.

"Ahhhh...ano....pinaguusapan namin si Drake...Yun"May nararamdaman akong hindi nagasasabi ng totoo si bes...pinanliitan ko sila ng mata pero sa huli ay hinayaan ko nalang.

" Bes,bakit ka nga pala absent"

"May binisita lang"

"Ahhh"hindi na ako nagtanong kung sino ang binisita nya

"Mmmm...Tita,representative ako ng grade 10 sa painting category this coming activity."

"Ahhhh...mabuti naman.Atleast mapapakita mo na sa maraming tao ang talent mo"

"Dapat magpractice ka....para boommm!!!" tumalon pa si Alivei

"Magbibihis muna ako ah....then magsasaing na" paalam ko.

Hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko ang bulong ni Bes kay Tita.

"Buti nalang" bulong ni bes kay Tita na agad naman niyong sinaway.

"Sshhh.."

Pumasok ako sa loob at nagsimulang magbihis.

"Tita,asan si bes?"

"Umuwi na,may aasikasuhin pa daw"

"Kumusta naman yung kaibigan mong si Am-jay?"

"Hindi nya pa rin ako pinapansin.Tinotoo nya talaga yung sinabi nya na bibigyan nya ako ng oras,Tita"

"Tama lang naman ang ginawa nya" sabi in Tita.

"Di ko alam ,ta pero nasasaktan ako pag nakikita ko si Am-jay na may kasamang ibang babae.Siguro,nasanay lang talaga ako na ako ang lagi nyang kasama." She smiled at me.

"Gusto kong ikaw mismo ang makatuklas sa tunay mong nararamdiaman,Ineng" hindi nagtagal ang pag-uusap namin dahil gumagabi na at kailangan ko nang magluto.


"Good morning, Fin" bati ni Ricky sakin nang pumasok ako ng room .

"Morning din"

Nakita ko sina Am-jay at Drake sa kanilang mga upuan.Nagtagpo ang mga mata namin ni Drake at nginitian nya ako nang pagkatamis-tamis.Sumulyap ako sa katabi ko kong si Roxanne.Inismidan nya ako.

"Am-jay!may naghahanap sayo!" Nakita ko yung babae na kasabay ni Am-jay noon na nakatayo malapit sa pintuan.Tumayo sya at pumunta sa babae.Ang sakit ng view!!

"Good morning,Fin" si Drake.

"Good morning.." Padabog na tumayo si Roxanne at dali-daling lumabas ng room.

"Tss....don't mind her"

His Sweet Embraceजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें