Chapter 50

2 0 0
                                    

Today is a special day!Linggo ngayon at ngayon ko na sasagutin si Am-jay.Si Alivei at Mama lang ang nakakaalam sa plano ko.Suot ko ngayon ang t-shirt na regalo ni Am-jay sakin noon.May nakaprinta na malaking A.Same sya sa teddy bear na binili ko noon,yung may letter A sa tiyanan.Simple lang naman ang naging paghahanda ko...sakto lang naman ang ipinaluto ko.Araw-araw pumupunta si Am-jay dito kulang na nga lang at dito na sya tumira.

"Malapit na si Am-jay, bes" si bes.Nagulat talaga ako sa naging outfit ni Bes ngayon.Sabi ko,kahit mag pambahay nalang sya papunta dito.Pero nag-gown ang bruha!Pang kasal lang?Pati nga si Mama di makapaniwala sa nakikita nya.Nahihirapan itong maglakad dahil nga sa suot nya.Ano ba kaseng nakain nito?

"Mary,pakikuha ako ng tubig please. Kanina pa talaga ako nauuhaw" Si Alivei.Problema talaga ang outfit nya.

"Sige po"

"Ano ba kasi yang suot mo?"

"Nabili ko na to,bes!Sayang kung di ko susuotin!"

"Haiist" alam kung malapit na si Am-jay. Kumuha sya ng litrato sa sarili at ilang sandali pa ay lumapit sya sakin.

"Dali,Bes....pang my day lang" inanggulo nya na ang cp.Medyo napapangitan lang ako sa kuha dahil magkaiba talaga kami ng suot.Nagmukha lang akong pulubi katabi sya.

"Ang panget! I-delete mo yan,bes!"

"No way!Ang ganda kaya natin dito!.....wait...i-edit ko lang ah" wala akong nagawa sa kagustuan nya.

"Nandito na si Am-jay, Anak" pumarada na nga ang kotse ni Am-jay.Balak namin na pagbukas nya ng pinto,haharap ako na suot ang t-shirt.Sabik na akong makita ang reaksyon nya!






Pumuwesto na ako.Bumukas ang pintuan at bumungad sakin ang napakapreskong si Am-jay na may dalang bouquet of flower.

"Sinasagot na kita,Am-jay" nabitawan nya ang dalang flowers at pinulot naman ito ng naka-gown na si Alivei.Kahit nahihirapan ay pinilit nitong pinulot ang bulaklak na nasa sahig.

"Yes!" Alam kong sobrang saya nya at mas lalo na ako.Nagyakapan kaming dalawa at mas lalo ko syang naamoy nang mabuti.Nagpalakpakan sina Mama at ang dalawang kasambahay.Matagal kaming nagyakapan bago bumitaw.

"Bakit ka naka-gown,Alivei?"

"Bakit ba!" Hinawakan ko nalang ang kamay ni Am-jay at sabay kaming natawa sa kaibigan ko.

"Mukhang ready na sya sa kasal natin,Fin" bulong nya at kinilig naman ako.Si Mama at Mary ay nagkukuwentuhan at nagtatawanan na.Samantala,si Asley ay tahimik lang na nakaupo habang hawak ang kanyang cp.

"Ano ba" nakikiliti talaga ako pag nagsasalita sya sa leeg ko.

"Dapat may endearment tayo,Fin"

"Ikaw nalang ang mag-isip"

"No,Fin.Ikaw lang" Sinimulan ko na ang pag-iisip ng pwede namin maging endearment.

"Honey?Ay masyadong O.A." sabi ko

"Sweety...wag nalang kasi masyadong common" aliw na aliw sya habang tinitingnan ako.

"Ikaw nalang kaya ang mag-isip"

"Ikaw nalang" nag-isip uli ako.

"Babe?.....tss....parang baboy" he laughed.Nagsikap pa akong umisip ng iba.

"Love nalang?Tss.corny"

"Final,Fin"

"Wala akong maisip na maganda,eh.Gusto ko yung di masyadong common" napaisip din sya.Mas lalo syang gumwapo sa paningin ko.

"Kung ako ang tatanungin,mas gusto ko na Am-jay lang ang itawag mo sakin at Fin naman ang tawag ko sayo"

"Why?"

"Na-aapreciate ko lang ang pangalan ko kapag galing sayo" tumambol nang malakas ang puso ko.Magkalapit kami kaya siguradong alam nya,na ang bilis nang tibok ng puso ko.

"Alam mo ba na parang nasa karera ang puso ko ngayon,Fin?"

"Ako rin naman"

"Talaga?"

"Yes" niyakap nya uli ako.Mas mahigpit kaysa kanina.

"Ahem.Bes,ayaw nyo bang kumain dyan?Ikaw,Am-jay?"

"Busog ako" nagkasabay kami ni Am-jay sa pagsagot.

"Fine" kumakain na silang tatlo ngayon habang magkayakap lang kami.Sa yakap nya lang ako nakakaramdam na safe ako.

"Galing ka sa biyahe,baka nagugutom ka na"hinilig ko ang ulo ko sa kanya.Sumagi sa isipan ko ang paghilig nung babae kay Am-jay sa party.

" Anong iniisip mo?"tanong ni Am-jay sakin.Nakita nya ang pag-iiba ng mood ko.

"May naaalala lang"

"Tell me" Masuyong pagkakasabi nya.Boyfriend ko na sya ngayon kaya dapat masanay na akong i-open lahat nang bumabagabag sa akin.

"Nung party.Nakita kong kumilig ang babae sa balikat mo" he comb my hair gently.

"Wag ka na ngang magselos" medyo gumalaw ang balikat nya dahil sa pagtawa.

"I'm not jealous"

"Kaibigan ko lang sya.At pagod sya that time kaya humilig sya sakin" ayaw pa ring mawala ng pait sa sistema ko.He chuckled.

"Kahit na"

"Pasalamat ka nga at di ko nabugbug yung Wilson na yun" napaangat ako ng tingin.

"Hahh?" Tanong ko.Natatawa.

"Tiniis ko lang ang pagbubulungan nyo"

"Ang ingay naman kase ng music,di kami magkarinigan"

"Kahit na" pagmamaktol nya.

"Nagbubulungan din naman kayo ng babae ah!"

"Pero di ganun kalapit.Kulang na nga lang maghalikan kayo" Hala!Tumawa ako lalo pero sya ay tinalikuran na ako.Kinalabit ko na pero no response pa rin.

"Sorry na,Am-jay" niyakap ko sya mula sa likuran. Mas lalo akong naiinlove sa kanya.

"That man!Hinawakan ka pa talaga sa bewang!" Matigas na saad nya.Yung sa dance floor siguro ang tinutukoy nya.

"Malamang,sayaw,yun eh" di sya umimik.Hinaplos ko ang malambot nyang buhok.

"Remember,sumayaw din kayo ng babae.Niyaya mo nga sya at magkaholding hands kayo!" Nilingon nya ako.Lumambot ang itsura nya.

"Kailangan ko lang naman gawin yun...."

"Bakit naman?"

"Para saktan ka!Nagseselos nga kase ako sa inyo ni Wilson nun!Pair pa talaga kayo ng suot.May maroon maroon pa kayong nalalaman." nakalimutan ko na may atraso pa pala si Bes sakin.

"Di ko alam na maroon din ang isusuot nya" ngumuso sya.

"Sya pa talaga ang naghatid sayo"

"Apat kami sa sasakyan nun" nagkatinginan kami.Sa huli ay muli kaming naghug.

"Huwag ka nang lumapit sa Wilson na yun,Ah"

"Possessive"

"Sayo lang ako nagkakaganito,Fin" uminit ang pisngi ko.




"Ma'am!Pinapasabi ni Alivei,kinakagat na daw sila ng mga langgam!" Narinig namin ang napakalas na sigaw ni Mary.Nagtawanan sila doon.

"Buang talaga" bulong ko.Distorbo sila sa amin hehehe.

"I love you,Fin"

"I love you too,Am-jay"

His Sweet EmbraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon